news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98229 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 711  superkid

    03/23/2009 | 11:53 PM
    Dospoako

    Naniniwala kang maraming galit sa ABS...

    Kapuso lang ang galit sa ABS. Kakaunti lang ang mga iyan... maingay lang kasi sila at maligalig...

    Iyong ngang SUNDO hinid man lang nila kayang masuportahan para man lang laging box office....

    Ayon wala lang tahimik sa mga sinihan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 710  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:52 PM
    superkid magbasa ka ng comments ni ericle,rockasia at baduymaging kapuso...comment ka ng comment...di ka ba marunong magbasa o di ka lang marunon umintindi ng binabasa mo!hahhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 709  mtrcb

    03/23/2009 | 11:52 PM
    ang tagal ng may 3!!!

    suntukan na!

    ABS pa rin ang may huling halakhak!

    hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 708  idontknowmuch

    03/23/2009 | 11:51 PM
    sa kaso ni kris sa the buzz: para pala siyang si mirian nung magsayaw sa senado.

    dapat gayahin rin niya si miriam ngayong napahiya siya. sabihin na lang sa the buzz yung sinabi rin ni miriam na: I LIED!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 707  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:50 PM
    well 2 years na lang sa abs cbn na si manny...wait na lang kayo!hahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 706  superkid

    03/23/2009 | 11:50 PM
    Nuggets

    Wala namang kapamilya na nananalangin na matalo si Manny....

    Hindi katulad ng mga Kapuso.. nananawagan na agad na sana matalo si Manny, hindi pa nakontento dito sa PEP nagkalat pa ng e-mail na nananawagan na ipanalangin si Manny na matalo sa kanyang laban ng dahil lang sa paglipat sa ABS....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 705  nugget

    03/23/2009 | 11:50 PM
    sa nagsasabi dati na giant network ang ABS at dwarf ang GMA... again....David defeated Goliath
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 704  shellphone

    03/23/2009 | 11:50 PM
    bellestariray
    _hk
    +++
    me too
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 703  myfarley

    03/23/2009 | 11:49 PM
    its only means that truth will always prevail, see talagang totoong ino-ovetime talaga ng ABS para makuha nila sa Pakman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 702  jojolito1000

    03/23/2009 | 11:48 PM
    601
    lifeiswhatwem
    akeit
    March 23, 2009
    23:45 PM

    I salute ABS-CBN for their statement. For letting Manny have his peace and focus on the fight for the sake of the majority not only the interest of the network. I am really proud to be a Kapamilya. I found my second home on TFC.
    gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;

    ano proud ka sa ginawa ng abscbn. ano ka hilo.

    kung hindi sa maling sulsol ng abscbn kay manny hindi sana nagkagulo ng ganito at hindi sana naistorbo ang practice ni manny.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 701  mtrcb

    03/23/2009 | 11:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 700  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:48 PM
    hataw si superkid...galing tumahi ng kwento...iba talaga ang mga butata!hahaha!hoy gising!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 699  dospoako

    03/23/2009 | 11:48 PM
    525
    balugababe
    March 23, 2009
    23:18 PM


    yeah right mare, pero alam mo ang magiging epekto din nito kung hndi sila agad maglalabas ng statement nila? mas lalong ididiin ng ibang kapuso dito ang ABS..lam mo na, maraming galit sa ABS at gagamitin nila ulit un para sirain ng sirain ang sira na nilang reputasyon..hehehe..

    well, kasalanan na rin ni manny dahil hndi nag-isip bago magsalita, yan ay kung totoo nga pinagsasabi nya..lam mo kung saan sya nkharap, dun papanigan nya..hahahaha..

    nakakadisappoint lng ang gnawa ni manny..kinakarir ang pagiging artista..parang ang dating niya eh naghugas kamay..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 698  shellphone

    03/23/2009 | 11:47 PM
    Problema kase bakit nilabas agad ang video?

    Lahat tuloy shocked.

    Kung hindi nilbas ang video at nagusap muna ang SOLAR and si MAnny naayos ang lahat .

    HWag ng bahiran ng network war.

    Hayaan ng mag practice si MAnny at hwag ng makulit si Diane sa pag ambush interview.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 697  bellestariray_hk

    03/23/2009 | 11:47 PM
    kapuso ako at NEVER kong hinangad na matalo sa laban nya c manny. excuse me!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 696  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:47 PM
    lifeiswhatwemakeit meet ericale,rockasia and baduy maging kapuso mga kapamilya...baka lamunin mo mga sinasabi mo kanina..hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 695  creed26

    03/23/2009 | 11:46 PM
    ok na nga sa abs na d ma22loy pag air sa kanila ng laban pero sa mga sinabi ni manny na nega sa abs hinde palalampasin ng ABS yan. wait natin ang statement nila. cguradong mag memeeting pa yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 694  superkid

    03/23/2009 | 11:46 PM
    Manloloko....
    Nakakatawa....
    Natakot ang GMA at Solar sa mawawalang kita kaya takbo agad sila sa US...

    Kasi walang Pay-Per-View ang Solar at GMA kaya kailangan mapakiusapan si Manny .

    Hahahaha.....

    TFC Pay-Per-View pa rin sa abroad....
    Biro mo kung pati ang broadcast sa Pinas nakuha ng ABS...

    Kaya takot ng GMA at Solar...wala silang makukuha kaya tinakot agad nila si Manny....

    Hahahaha.....

    Galing talaga ni Manny magpaikot kahit mababa lang ang pinag-aralan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 693  deepthoughts

    03/23/2009 | 11:46 PM
    MGA KAPUSO AT KAPAMILYA

    TRY NYO MAGPASUNTOK NANG KAHIT LIMANG BESES LANG RIGHT ON YOUR JAWS O KAHIT SANG BAHAGI NG MUKHA NYO, tingnan lang natin kung makakaisip pa kayo ng matino! Start now and get demented! hehehe LOKO LANG HA! Kakatuwa nman kasi 'to. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 692  remyr12

    03/23/2009 | 11:46 PM
    Lahat noong 3 company..business ang iniisip nila. Yung mga nagsasabi na nakita ang tunay ng kulay ng Solar at GMA na hindi maganda kasi nag-react kaagad sila at gumawa ng demand letter, ekk, ekk. Syempre, kailangan nilang protektahan ang sarili nila at ang business nila. Dehado sila eh tapos breach of contract pa. If hindi sila magsasalita ibig sabihin agree sila doon. Doon naman sa nagsabi na may grace ang ABS dahil tahimik. Aba siyempre, hindi sila mag-iingay kasi alam nilang morally mali ang ginawa nila. Hindi nga sila ang tatamaan ng breach of contract ni Manny dahil si Manny ang nakapirma, pero alam nila na nakatali pa si Manny. Silence is the best way. Hay naku, Manny. Ikaw ang gumawa ng gulo at bangungot mo. Sana wag kang matalo, kasi if ever the outcome of your fight is not good..kahit siguro ABS or GMA or Solar hindi ka na kukunin..dahil pinaso mo silang lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About