news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98209 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 671  nugget

    03/23/2009 | 11:41 PM
    nag baligtad ang mga comments ngayon kapalms naman ang nagsasabi nag d maganda kay manny..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 670  jutaime

    03/23/2009 | 11:41 PM
    570
    lifeiswhatwem
    akeit
    March 23, 2009
    23:38 PM
    ----
    kapuso ako but never ako nag wish na matalo si manny sa laban nya. Ikaw basahin mo yung mga comments from page 1 makikita mo yung mga kapwa mo kapamilya na ipinag dadasal na matalo daw sana si manny. basa ka muna bago ka mag comment kasi nag mumukhang nag iimbento ka lang e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 669  mrdd

    03/23/2009 | 11:40 PM
    Maraming balimbing dito. Last week Lang Panay ang praise kay manny ngayon nag 90 degree turn. Hahaha katulad din kayo ni kris. PahiyA naglulungdad pa. Hahaha
    Hindi naman tayo ng abs statement. Iam sure kuntodo deny yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 668  deepthoughts

    03/23/2009 | 11:40 PM
    SA TOTOOLANG

    YOU HIT IT! Manny should've been apologetic to ABS not just to GMA and SS. He should've just opted to say nothing against ABS 'coz after all hindi mangyayari yon kung nagpakatino sya! HE MUST HAVE BEEN AFFECTED BY HIS PREVIOUS FIGHTS TO THE EXTENT THAT HE COULDN'T THINK OF ANYTHING RIGHT THESE DAYS! AND SO I DEEM. HEHEHE KAYO NA ANG MAGING BOXER AT MAKATANGGAP NG PUNCHES ALL OVER YOUR FACE! HEHEHE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 667  unfolds

    03/23/2009 | 11:40 PM
    super kid pano matataranta ang GMA wala naman silang tinapakan.mali ka yata.dahil sigurado ABS humahanap na ng sagot sa bintang ni pakyaw.dyan natin makikita kung gaano karumu maglaro ang ABS. nakakahiya kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 666  ericalee

    03/23/2009 | 11:40 PM
    ang daming patong sa mga sinasabi ni pakyaw.....

    ano ba yan... badluck na yan...

    di ka na mananalo...

    wala nah.. patay kana...

    utos yan ni welma na dagdagan ang mga sinsabi mo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 665  jojolito1000

    03/23/2009 | 11:40 PM
    553
    superkid
    March 23, 2009
    23:33 PM

    Ang GMA at Solar executives nataranta pero ang ABS management sapat na iyong statement na nirespeto nila ang ginawa ni Manny.

    Ang GMA at Solar pagka-tapos ng statement ni Manny nag labas agad ng pananakot kay Manny...

    Makikita mo ang uri ng attitude ng mga taong involve sa pangyayaring ito...

    Dalawang madaling mag-panic GMA at Solar at isang cool lang ABS..
    gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;

    hindi cool ang abscbn. wala lang masabi ang abscbn kasi mali ang sulsol nya kay manny. guilty ang abscbn ng panloloko.



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 664  steelwings

    03/23/2009 | 11:39 PM
    ABSCBN fans please read it aloud

    EVRYBODY should be SUBMISSIVE TO THE LAW OF CONTRACT!

    kung pumirma ka ng isang kontrata at alam mo kung kelan mag eexpire, within those years kelangan mong sumunod sa kontrata! Bakit bang ang hirap intindihin yun?

    May mga trabaho ba kayo? Kasi sa mga company, may sinusunod na kontrata yan, pag sinuway mo, hahabulin ka ng kompanya mo at maaring ma sanction ka! Hindi nyo ba alam yan o mga tambay lang kayo sa kanto at panay bira hyo sa GMA7 at Solar??

    Ang GMA7 at Solar ay may hawak na kontrata na mageexpire pa sa 2011. Ung ginawa ng ABSCBN at Manny ay super illegal! Kaya si Manny, inadmit nya na mali sya, pero ang dapat na mas nakakaalam dito ay mga taga ABSCBN! Alam ng ABSCBN na may valid contract pa si Manny sa GMA7 at Solar tapos kayo pa ang nagplano about sa mga sasabihin ni Pacman! Makuha kayo sa batas noh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 663  jutaime

    03/23/2009 | 11:39 PM
    Basura talaga ang EVIL S CBN puro kasamaan kaya ayan ang boomerang sakanila ahahhaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 662  milkymike

    03/23/2009 | 11:39 PM
    vanette, bago magsulat, magbasa ka muna mula sa page 1 at nakakahiya kang kapamilya ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 661  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:39 PM
    cool lang abs cbn kasi bihasa sa kasinunglinga,at panloloko...shut up lang sila kasi binuking sila ni manny. kaya pahumle effect sila...papogi points sa mga viewers...sino maniniwala eh di yung mga fanatics lang ng kapamilya!hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 660  simplebluefairy

    03/23/2009 | 11:38 PM
    HAY NAKU! kahit kelan talaga itong ABS CBN manunulot! sinisilaw nila ang tao para lumipat sa kanila. kung anu ano na sigurong offer nila para mapapayag si manny..tsk. tsk.tsk... WHAT A DESPERATE ACTION! pinapakita na talaga nila ang tunay nilang kulay... mga traydor.... saludo ako sa GMA dahil dinaan muna nila sa diplomasya ang lahat bago sila nagdemanda... ganyan naman talaga ang dapat, kelangan na ma usap muna sila ng maayos. walang bisa ang pirmahan nila ng abs cbn kasi valid pa ang naunang contract niya with GMA. Abs cbn put words in manny's mouth... GRABE yung abogado ng abs ah... tanong ko lang, ilan ang MALINIS sa mga kasong hawak niya?????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 659  lifeiswhatwemakeit

    03/23/2009 | 11:38 PM
    ang kaibahan nang Kapamilya at Kapuso supporters, nuong akala nila lilipat na si manny sa ABS-CBN, nagwish sila na matalo si Manny pero ang Kapamilya supporters, kahit hindi natuloy ang paglipat ni Manny, gusto pa rin nilang manalo. Yan ang tunay na Pilipino. Galaw galaw sa tag araw. TFC rules!! Kapuso s u c k s!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 658  superkid

    03/23/2009 | 11:38 PM
    Panig sa katotohanan, Panig sa Bayan...
    Pilipinas umasenso ka.....

    Patrol ng Bayan!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 657  ericalee

    03/23/2009 | 11:38 PM
    hay naku.. sinungaling ang gma, solar at lalong lalo ka na manny...

    di ka na mananalo..

    may karma ka ng darating sau!!!

    badluck ang sau.. ewan namin sau...

    kakatakot ka!!!!


    hay gma.... welma...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 656  ysay123

    03/23/2009 | 11:38 PM
    ngayon ako naniniwala na manny has changed...a lot. this time wala siyang isang salita. tama na sanang binawi niya na hindi na ipapalabas sa abs yung laban niya. pero yung dinagdagan pa niya na utos lang nga abs or kagustuhan lang ng abs na ipalabas yung video na yun di yata tama. in the first place he was interviewed again after the first airing of his statement at sabi niya he stands by his first statement na dun sa abs lalabas ang fight niya. so dun pa lang alam niya ipapalabas o naipalabas na yung statement niya. he does have big and strong fists pero may malaking bagay na wala sa kanya. i still would support him sa fight niya pero for congress hindi talaga siya pupuwede. hope you made the right decision this time.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 655  milkymike

    03/23/2009 | 11:37 PM
    superkid, natameme ang abs kasi napahiya sila. hindi kasi makapag-hintay at atat na atat kaya biglang nagpalabas ng video wala pang go signal.
    kapamilya ka na nga, mag-iisip kapamilya ka pa!!! tularan mo ang ibang kapamilya na kapamilya nga pero iba mag-isip! matino!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 654  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:37 PM
    kahit na sabihin mong b-o-b-o si manny still the fact remains that abs cbn took advantage of this by making him sign a contract and make the video...the nerve...hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 653  balugababe

    03/23/2009 | 11:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 652  lifeiswhatwemakeit

    03/23/2009 | 11:36 PM
    I also wish na manalo si Manny sa laban nya pero di na sya welcome sa Kapamilya network. ABS-CBN, plese just rest your case and do not issue any statement any more.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About