news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98241 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 651  yanette

    03/23/2009 | 11:36 PM
    yes.. ABS does not need to hurl negative comments around.. medyo paranoid lang yung iba dito at halos nage-expect ng giyera.. warfreaks ang tawag sa mga to... hehehe... Come to think of it, the more I observe this mess... the more na nakikita ko on how GMA is looking and acting more like Wilma Galvante -- full of negativities--- and how ABS is acting more like Charo Santos -- elegant, grace and composure...

    Manny - we, as Filipinos, are still proud of whatever mark you've made... But these too shall pass.. At the end of the day, it's not the success that will matter... But the relationships you create with the people you meet on your way to that success... Take note, of all the many fights you had in your professional career ... you were only with GMA for the last two... and those two fights were already fruits of the support you had in all of your past fights... wala sila sa tabi mo nung nag-uumpisa ka pa lang... at kung ganito na lang pala na maninira ka ng isang institution who gave you not
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 650  bellestariray_hk

    03/23/2009 | 11:36 PM
    hahaha! sisihin daw ba mga kapuso. eh para rin naman kayong mga kapamilya nung announce nyong kapamz na c manny, kung ano ano nang panglalait ginawa nyo sa GMA kung bakit INIWAN ni manny.

    AYAN, NAPAHIYA KAYO, ANO?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 649  idontknowmuch

    03/23/2009 | 11:35 PM
    551

    wala pang official statement ang abs. di pa kasi sila makaisip ng magandang statements na palalabasing si manny ang nagsisinungaling.

    puwede kasi silang makasuhan dun sa pagpapalabas ng nga video footages ni manny.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 648  jojolito1000

    03/23/2009 | 11:35 PM
    547
    jasonsight
    March 23, 2009
    23:30 PM

    And the biggest question now is... Eto rin bang presscon na to e dikta rin ng lawyers ng GMA at SOLAR?

    sa kahunghangan niya nanira pa ng ibang netwrok... Meaning wag na siyang tumapak sa ABS dahil hindi siya kawalan... Kapal ng mukha... Piantotohanan niya lang na dalawa lang ang tao sa mundo... ang UTO at ISIP NA ALANG LAMAN... hahahaha akala niyo anu
    gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;

    ang prescon ng solar at gma ay hindi dikta ng lawyers. ang mga tanong kay manny ay on the spot at on the spot din sagot nya. hindi ito scripted katulad ng ginawa ng abscbn.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 647  mtrcb

    03/23/2009 | 11:34 PM
    if the case is solved, y point fingers?

    mr. manny pacquiao, u started it.
    u r d principal doer of the erroneous act!

    just zip your mouth and practice harder.

    wag na magpaka showbiz dahil pang-boxing ka lang!

    good luck team pacman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 646  keepondreamin

    03/23/2009 | 11:34 PM
    sana tigilan na nila itong bangayan, nakaka hiya tayo2x ang nag sisiraan mga pilipino...hinde maganda kay manny ngayun, mawawala ang concentration nya at ang focus, dito sa amin isa si manny na nag bigay karangalan at nakilala ng husto ang mga pilipino...imagine tinaguriang si manny ang mexican executioner
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 645  she_is_the_man

    03/23/2009 | 11:34 PM
    O ayan ka na naman eh, wala kang alam tapos scripted daw yung presscon. Sgur nga kailngan mo mag deepthought, hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 644  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:34 PM
    kahit na sabihin mong b-o-b-o si manny still the fact remains that abs cbn took advantage of this by making him sign a contract and make the video...the nerve...hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 643  milkymike

    03/23/2009 | 11:34 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 642  remyr12

    03/23/2009 | 11:34 PM
    Ayan kasi...hindi kasi nag-iisip ng mabuti! Kung may manager si Pacquiao..at pumayag siya sa ginawa ni Manny..well..tanggalin na dahil panay bopol ang advise. Ginawa na iyan kay Dela Hoya..tapos sa Solar naman at GMA. Actually, pati ABS bikitima sa kapalpakan ni Manny. Nagamit na rin sila ni Manny sa promotion niya eh..pag-appear sa tv shows, pag-broadcast nila while in London at iba pa..ng walang nakukuha. Tatlong Company ang pinahamak ni Manny rito..Solar, GMA at ABS. Hmm..paano kaya kung ABS ang humabla kasi may usapan na rin sila eh..haha! Gulo ito!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 641  superkid

    03/23/2009 | 11:33 PM
    Ang GMA at Solar executives nataranta pero ang ABS management sapat na iyong statement na nirespeto nila ang ginawa ni Manny.

    Ang GMA at Solar pagka-tapos ng statement ni Manny nag labas agad ng pananakot kay Manny...

    Makikita mo ang uri ng attitude ng mga taong involve sa pangyayaring ito...

    Dalawang madaling mag-panic GMA at Solar at isang cool lang ABS..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 640  mrdd

    03/23/2009 | 11:33 PM
    Manny P concentrate ka na as fight.Your digging yourself deeper. Saba Hindi ka nag hugas kamay. Lesson diyan hwag magsilaw sa PEra. At siguro nga natuto kana.
    ABS Sna Hindi talaga muna pinalabas ang video until nag clear ang contract. Mukhang may hidden agenda? Alam ninyo ba na Hindi naman ma push through Ito kaya pinalabas ninyo pa rin para as ratings. Hmnmnn.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 639  fey_survivor

    03/23/2009 | 11:32 PM
    ayokong mghangad ng masama ky pacman pero i wish maturuan sya ng leksyon n d nya malilimutan buong buhay nya.sa mga pinaggagawa nyang ito.cnu kya isusunod ni pacman n sisisihin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 638  steelwings

    03/23/2009 | 11:32 PM
    im watching Ripleys Believe It Or Not! Ang gwapo talaga ni papa chris tiu!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 637  jojolito1000

    03/23/2009 | 11:32 PM
    540
    lifeiswhatwem
    akeit
    March 23, 2009
    23:26 PM

    vanette, i agree with you. Despite Manny making it appear now that he was just influenced by some lawyers, ABS-CBN's camp did not release any statement implicating Manny
    gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;

    pano nila iimplicate si maany eh niloko nga din ng abscbn si manny. sinulsulan ng mali.



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 636  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:32 PM
    abs cbn panig sa kasinungalingan at panloloko...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 635  hilds2008

    03/23/2009 | 11:31 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 634  she_is_the_man

    03/23/2009 | 11:30 PM
    Anong ginagawa ng lawyers ng ABS? Nung pumirma ng kontrata sa kanila si Manny, di ba nila inisip na baka may legal implications kasi naka pirma pa sya sa solar? Wag nilang sabihin na hindi nila alam, kasi sabi nga ng solar, nakipag usap pa sila sa ABS dati regarding the airing of MP's fights.. So ibig sabihin walang alam ang legal department sa ginagawa ng kanilang ibang department within the company? Ay pangit di coordinated, kaya pala talo lagi eh. Lagi silang may butas. Di ba Asiateque, Bobot at Papi? - Kapuso anumang kulay ng buhay -
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 633  jasonsight

    03/23/2009 | 11:30 PM
    And the biggest question now is... Eto rin bang presscon na to e dikta rin ng lawyers ng GMA at SOLAR?

    sa kahunghangan niya nanira pa ng ibang netwrok... Meaning wag na siyang tumapak sa ABS dahil hindi siya kawalan... Kapal ng mukha... Piantotohanan niya lang na dalawa lang ang tao sa mundo... ang UTO at ISIP NA ALANG LAMAN... hahahaha akala niyo anu
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 632  milkymike

    03/23/2009 | 11:30 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About