news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98270 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 571  superkid

    03/23/2009 | 10:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 570  steelwings

    03/23/2009 | 10:56 PM
    Sabi ko sa inyo e, di marunong gumawa ng illegal ang GMA7, basta may contract at valid, yun ang dapata masunod.

    Hindi nabibili sa pera yan. Kasi nakapagtataka naman na biglang lipat si Manny sa ABSCBN? Marami naman talaga nagulat, esp sa GMA7 mismo. Parang ung ginawa ni Angel Locsin, mga patagong nakikipag deal sa ABSCBN.

    Kumbaga sa bible, ang ABSCBN parang mga paring Hudyo at gustong makipagdeal kay Hu das. hehehe. Si Manny narealize nya ung fault nya at inamin nya ung pagkamangmang sa batas ng kontrata.

    Ang ABSCBN from the start, alam nila ung batas, bakit kaya may mga fans ng dos na ayaw humarap sa mali ng abscbn? Hindi rin ba kayo nagtaka kung bakit biglang lilipat daw si Manny sa dos? Hindi man lang kayo nakaamoy ng fishy?

    Fans nga kayo ng dos, walang mali sa inyo ang dos kahit nagawa ng makapanda ya sa wowowwee, kahit nagka stampede, kahit gumimik pa kayo sa ratings noon, tama pa rin sa paningin nyo ang dos. fanatic talaga dating nyo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 569  sweet_irene

    03/23/2009 | 10:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 568  she_is_the_man

    03/23/2009 | 10:53 PM
    This turns out to be another Telenovela, maraming twists and turns. Wag na mag away ang mga Pilipino, Basta ang lahat manonood ng Manny at Hatton. I Guess kung solid Kapamilya ka, magtyaga ka nalang manood ng the nest of ASAP o kaya kung may Cable eh cable channels na lang. Para naman isipin mo na nakaganti ka kay manny kahit sa isang araw lang. At the end of the day, wala ni isa mang palabas sa lahat ng channels ang tatalo sa MP at RH fight. Parang Finals na Ginebra ang naglalaro, ika nga nila, tumitigil ang MUNDO
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 567  deepthoughts

    03/23/2009 | 10:53 PM
    Manny, you really are in some money-making rackets with GMA and Solar sports nowadays! nice.. hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 566  archangeldiva

    03/23/2009 | 10:52 PM
    helga castillejos na kasing ganda, ay hindi pala, mas maganda si jinkee...syempre hundre milyones ang datung noon at si castillejos na puno't dulo na kaguluhan nito ay kang kong na lang ang kakainin.

    anyway ikaw daw ang pasimuno ng klipatan issue simula ng pinirata mo ng tatlong oras na interview at walang pakundangang humingi man lang ng permiso...

    tataba ka na ngayon...yan ang parusa mo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 565  bellestariray_hk

    03/23/2009 | 10:52 PM
    wish ko pa ring manalo c manny dahil phil. pride natin sya. pero sana, wag na lang sya tumakbo sa eleksyon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 564  lifeiswhatwemakeit

    03/23/2009 | 10:52 PM
    shakshak, thanks for the support but i am basing all my comments on what has transpired. it is my honest opinion as free citizen of the world.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 563  sizzlingchikazz

    03/23/2009 | 10:51 PM
    Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ng ABS-CBN tungkol sa mga pahayag ni Manny, pero ayon sa Corporate Communications nila ay hindi sila maglalabas ng statament ngayong araw na ito.
    __________________________

    kasi mag iisip pa ang banong utak ng mga lawyers at executives ng abs kung anu ang epektibong drama para ipang laban sa statements ni manny dito.... ahihihihi!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 562  yanette

    03/23/2009 | 10:51 PM
    Ang abogado ni Manny ang super palpak.. Dahil ayun sa bubuwit ko, sila ang nagdesisyon na lumipat si Manny sa ABS... ngayon, nung nakita nila na legally dehado si Manny, sila din ang nag-script na --maghugas kamay-- si Manny... in a legal point of view, ang mga statements ngayon ni Manny ay isang --legal defense-- kasi ito lang ang paraan para mag-claim siya na wala siya sa --matinong isipan-- nung pumirma siya ng kontrata w/ ABS... Oh well, the network war is getting exciting!!! Hehe... mas exciting pa yata to kesa laban ni Pacquiao... abangan ang susunod na kabanta! :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 561  deepthoughts

    03/23/2009 | 10:50 PM
    'Para sayo ang laban na toquot; - ANO RAW?! PARA SA AMING MGA KAPUSO BA MANNY AT BINUGBOG MO NANG HUSTO ANG ABS NGAYON? lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 560  steelwings

    03/23/2009 | 10:50 PM
    Hindi kasalanan ni Manny P.

    Obvious na madeyo mahina pa ang pagkakaalam ni Manny sa ganitong bagaym nagpadala siya sa emosyon at hindi sa legality ng contract. Kaya nga di ba sabi nya dito e mas matalino na raw siya ngayon?

    One more thing, ABSCBN lawyers are more clever than Manny, I believe na alam ng ABSCBN na may valid contract pa si Manny sa Solar at GMA7, at ang mga taga abscbn din ang nagpa plano ng gagawin at sasabihin ni Manny P.

    Kumbaga, patagong may plano na ang abscbn kay manny. Bakit iblame ng mga fans ng abscbn si Manny? Matalino ba si Manny sa batas ng kontrata? If I know, ABSCBN ang nag guarrantee kay Manny na sila na bahala.

    Parang Angel Locsin din yan, patagong nakikipag negotiate na ang abscbn kay Becky. strategy talaga ng abscbn. sa ssusunod si Marian Rivera na ang susulu tin ng abscbn na patago!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 559  loan_abs_lugi_lol

    03/23/2009 | 10:49 PM
    pagtiisan nyo nang dumalaw sa abs-cbn news.andun yung video na yun.kahapon pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 558  mhikjohn

    03/23/2009 | 10:48 PM
    deepthoughts


    bawal po ang all caps


    salamat
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 557  calisa20

    03/23/2009 | 10:48 PM
    ano namaqn ang sasabihin ni Jenke sa interview niya? I wear Prada
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 556  lonegun

    03/23/2009 | 10:47 PM
    Naku Pacman, mahilig ka kasing makinig sa mga asungot sa tabi mo eh, mahirap na masubo sa ganyang kaso, baka maubusan ka ng pera, good thing at naayos na ang lahat.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 555  keepondreamin

    03/23/2009 | 10:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 554  deepthoughts

    03/23/2009 | 10:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 553  shakshak

    03/23/2009 | 10:46 PM
    sayang si lifeiswhatwemakeit ay solid kapams at isa sa mga sarado ang utak sa tama at mali.

    so so fanatic.
    super loyalist!

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 552  visitingcomets

    03/23/2009 | 10:46 PM
    I knew it kitams mga Kapamilya dyan kahit ano tlga gagawin ng channel 2 miske maka sakit makatapak ng ibang tao basta maging no.1 ulit. Straight frm the horse's mouth Pacman was coerce in making a statement plus the fact n request nya wag munang palabas yun after things should be settled..kya lng atat masyado at tlgang my hidden agenda ABS. Mabuhay ka Manny...Poor you ABS
    He who laughs last, laughs best!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About