news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98233 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 291  balugababe

    03/23/2009 | 08:51 PM
    183
    chinesefoodma
    kesmesick

    i have kept a copy of your comments and I will attach with it my email

    I will not tolerate viscious attacks coming from a hunyago account at mura murahin lang ako dito

    Hindi kita aatrasan dahil obvious namang may motibo ka! kahit wala akong sinasabing masama ako talaga ang paborito mong tira tirahin dito

    Magmura ka lang dyan, bahala ka sa buhay mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 290  delray_beach

    03/23/2009 | 08:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 289  bloosompink

    03/23/2009 | 08:51 PM
    manny, yan ang resulta ng mga suntok sa ulo parang wala ka na sa katinuan, pwede ba papayag ka bang diktahan ng ABS ng ganun2x lang, yang abogado wala sa ayos nagmana sayo, pasalam ka nong time na umalis ka sa ABS walang nega na pinupukol sayo, now na ikaw yong lumapit sa kanila ganyan pa ang isusukli mo. goodluck nalang sayo, ang laban mo laban ng bawat pinoy, manny umayos ka...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 288  krenda

    03/23/2009 | 08:51 PM
    ang kabila talaga atat na atat.. hayan lumabas na ang ka22hanan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 287  delray_beach

    03/23/2009 | 08:50 PM
    pag-natalo si manny sa boksing. cgurado may kaso siya sa abs - cbn.

    kailangan manalo si manny sa boksing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 286  cassandrafiona1234

    03/23/2009 | 08:50 PM
    ay mali pinatay na...
    nag-abante pa..
    heheheh..

    may dementia nga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  signofcapricorn

    03/23/2009 | 08:49 PM
    yan ang napapala sa mga taong gahaman. Sabi nya matalino na raw siya ngayon kaysa kahapon, ha,ha,ha.

    Hasty and Nasty decision Manny is a waste.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  vneth08

    03/23/2009 | 08:49 PM
    yong iba naman dyan ang pinag-aaway yon 2 networks kisyo yon isang networks ang may kasalanan....sa abs lang naman talaga may eksplosure si manny every time na may laban siya mula training niya hanggang sa laban niya, ano kiber?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  kapamilyang_tunay

    03/23/2009 | 08:49 PM
    who's is saying the truth? Manny or Jinkee? I believe that Manny want to be a Kapamilya but because of the legally of the contract, he is forced to say that sort of things. Tignan na lang natin pag natapos ang kontrata na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  camdengurl

    03/23/2009 | 08:48 PM
    ano ba yan!!! Manny, hindi na pinag-iisipan ang ganitong bagay-- kaya nga KONTRATA di ba??? Golly!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  woody

    03/23/2009 | 08:47 PM
    Well Pacman, hangad ko ang pagkatalo mo kay Hatton para matauhan ka. Kala ko matalino ka na kasi sa interview mo may pa-inglis inglis ka pa. Dyan ka na sa GMA habang buhay nilaglag mo ABS sa sinabi mo. Ano kaya kung ipakita ni Kris ang text msg ng asawa mo sa kanya? Anong sasabihin mo di niya yon? Hay naku dodong
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  jeffreyborja

    03/23/2009 | 08:47 PM
    jemburee198 - It is not the responsibility of ABS to check contracts of other Talent. It is the responsibility of the Talent/Person to inform the Company. Ikaw, may work ka ba? Di ba na-hire ka kasi wala kang existing contract o trabaho sa iba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  delray_beach

    03/23/2009 | 08:47 PM
    kay manny o kay hatton?

    naku watak watak na.

    wala ng full support si manny sa mga pinoy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  mgrd

    03/23/2009 | 08:47 PM
    mas magandang inamin nya ang kanyang pagkakamali, kaysa pinanindigan nya ang mali. hindi katulad ng ilang matatas na opisyal ng abs na hanggang sa ngayon hindi nila aminin na niloko nila si manny. kalokohan kung hindi nila nabasa ang kontrata ni manny sa solar. may mga tusong abugado sila. hindi naman sila abugago d b? naggagagugaguhan lang. siguro in the service of . . . . .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  vneth08

    03/23/2009 | 08:46 PM
    may pinirmahan na rin siya sa abs...so sinabi na ngang kahit saan siya susuportahan parin siya ng abs? ngayon salita na naman si manny against abs na parang bata eh IDIMANDA na rin siya? quot;PARANG BATAquot; nag-sumbong siya na kinunan siya nga video....kasi naman pumirma ka na yan ang kaso!!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  rhx_takes

    03/23/2009 | 08:45 PM
    Talo na Si Manny Pacquio at round 2!!!

    Pinatalo na ng kanyang P R I D E!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 275  delray_beach

    03/23/2009 | 08:45 PM
    bye manny wala kang kwenta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 274  balugababe

    03/23/2009 | 08:45 PM
    chinesefoodma
    kesmesick

    kausap ko si dospoako na abs fan when i said, i did not agree on Kris's statement sa SNN amongst other things

    pero iisa lang naman ang mungkahi ko dito mula ng lumabas ang isyung ito: na kapamilya o kapuso, suportahan si manny

    kadalasan ng posts ko regarding manny on a less serious note na, maliban na lang kung may mga maangas na gaya mo na inaatake ako ng personal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 273  cassandrafiona1234

    03/23/2009 | 08:45 PM
    o siya sabinga ni tatay gozon...
    kalimutan na lang natin ang nangyari..
    let us move on..
    ok..siya may dementia ako..dagdagan pa nang amnesia....
    o limot ko na..move forward na..

    kaliwa kanan..
    kaliwa kanan..
    about face..
    then..
    FIRE....
    abante..

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 272  ciaojepthesis

    03/23/2009 | 08:45 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About