news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98231 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 271  prettygcm

    03/23/2009 | 08:45 PM
    so what's new?
    talaga namang ganito maglaro ang abs-cbn. hindi na nakakapagtaka yan. dati pa naman yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 270  bhoy_itot

    03/23/2009 | 08:44 PM
    kaya haping hapi na ang taga 7,kasama na nila ang mga Tongek!!!,

    Pambansang Urong-Sulong na Kamao!!!

    Ipagbunyi mga Kapuso ang ka Than ni MONEY...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 269  delray_beach

    03/23/2009 | 08:44 PM
    210
    cassandrafion
    a1234
    March 23, 2009
    20:43 PM 194
    balluganggall
    a
    March 23, 2009
    20:38 PM dyutay naman yan eh! Walang kwenta.
    _____
    hahahha
    ambot saimo..
    hehehe o siya kay idako naton...

    ___

    indi mo na mapadako kay daw monggo na kagamay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 268  palengkera

    03/23/2009 | 08:44 PM
    Kay Ricky Hatton ako pupusta.

    Masyadong busy si Money Packyou sa kanyang showbiz karir!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 267  delray_beach

    03/23/2009 | 08:43 PM
    kung ako sa abs-cbn kakasohan ko si manny.

    aba sira-sira ang reputasyon ng abs sa mga sinabi niya ha.

    papayag ba ang abs-cbn siraan ng isang manny p lang. aba hindi yata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 266  cassandrafiona1234

    03/23/2009 | 08:43 PM
    194
    balluganggall
    a
    March 23, 2009
    20:38 PM dyutay naman yan eh! Walang kwenta.
    _____
    hahahha
    ambot saimo..
    hehehe o siya kay idako naton...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 265  kapamilyasuperbaduy

    03/23/2009 | 08:43 PM
    channel 2 exploited manny's vulnerability. clealry, there is bad faith on their part.

    mabuti nalang vigilant ang gma7. keep it up mga kapuso!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 264  jeunne

    03/23/2009 | 08:42 PM
    ika nga it takes two to tango...both sides have different interests.
    Anyway, based on the article, both parties have planned and tried to check flaws from manny's contract with Solar. Eh kaso, ala naman palang breach of contract, so hindi talaga pwede si Manny na pumirma o lumipat sa ABS kasi valid ang contract. Sana naman ang ABS may abogado naman palang involved eh, have verified the contract. Porke siguro si Manny Pacquiao yan eh baka makalusot oh kaya mapagbigyan, kasi nga Manny Pacquiao hheeh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 263  1truepep

    03/23/2009 | 08:42 PM
    hindi ako na disappoint kay Manny kasi alam kong may karapatan siyang mamili at kumita ng pera sa pinag hihirapan niya pero masaklap lagn isipin na may mga taong ginagamit at inaabuso ang kahinaan niya!!!! hindi ba ito ang laging nangyayari sa mga taong walang masyadong kaalaman kahit pa may mga nakapaligid silang mga matatalinong abogado at advisers!!!! i still pray Manny that you win the fight and you gain strength to fight this issue and believe in the people who truly loves you.. ito ang mahirap pag naging mayaman ka hindi mo na alam kong sino ang totoo sa yo!!!! God bless you Manny...just do what is right di bale ng magalit ang iba... always stick to the truth and stick to the values sabi nga ni Dingdong Dantes hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 262  balugababe

    03/23/2009 | 08:41 PM
    183
    chinesefoodma
    kesmesick

    NEVER EVER akong nagsabi ng ganyan na wag pilitin si Manny kung ayaw na sya sa GMA! Iakyat natin to kay webmaster at ipahanap natin yan! i will pay him for his efforts!

    Webmaster if you're reading this, do us a favour? dahil sawang sawa na ako sa mga tao ditong ang hilig mag bintang. lalong lalo na tong tao na kilala ko kong sino kaso nag change ng username

    Webmaster, I am in contact with Karen Pagsolinan and I not hesitate to email her again if I have to, so please trace any posts from me that I claimed such things and I am more than happy to compensate for your time

    Thank you very much!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 261  vneth08

    03/23/2009 | 08:41 PM
    abs...si manny balimbing patawarin na siya huwag niyo ring idimanda ngayon kasi walang alam talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 260  pBgck

    03/23/2009 | 08:41 PM
    NAPURNADA pa! Anong KLASENg style MERON ang mga ABOGADO ng ABS??
    ---------
    BULOK ATA MAM/SIR!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 259  delray_beach

    03/23/2009 | 08:41 PM
    naku manny, baka makarma ka. malapit pa naman ang boksing mo.

    marami tuloy na kapamilya ang nag-darasal na matalo ka.

    nasaan ba ang utak mo manny...lahat yata napunta sa kamao mo..lols.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 258  hotshot0017

    03/23/2009 | 08:40 PM
    ha ha ha

    style ni MANNY style KAPUSO
    parang MAY SAYAD lang...lols...ha ha ha
    KAPUSO ka nga MANNY
    GO MANNY Stay ka na lang dyan
    you deserves KAPUSO channel

    but anyway sana manalo ka
    goodluck
    laban naman to ng PILIPINO...

    kapamilya di kailan man nag hangad ng masama sa KAPWA..

    TEAM KAPAMILYA TAYO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 257  ciaojepthesis

    03/23/2009 | 08:40 PM
    177 woody

    Hindi na mag-re-react ang ABS..

    Nag-labas na sila ng PAHAYAG na ini-re-respeto nila ang desisyon ni Manny..

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 256  gmacheater

    03/23/2009 | 08:40 PM
    1truepep, this is the last comment.

    opinion nga ening kaya pwede mong maihalintulad si Manny kay PILATo. ikaw nga daming mong sinasabi against ABS di ba?

    paki back read nga ening kong may sinasabi ba akong masama sa GMA sa isyong Manny. WALA...

    you know why, respect ko si Manny. Kong saan gusto nya doon sya.

    pero sa pagkakataong ito. the bottomline is MONEY w/c is true and i do believe...GOOD. HE DESERVES it.

    Pero he is like PILATO at batang inagawang ng candy. POOR SOUL.

    gotta go.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 255  jemburee

    03/23/2009 | 08:39 PM
    Hmmm... ABS should have checked whatever commitment Manny has. How can such a network just simply get into an agreement and even hurriedly aired Manny's announcement! Now the joke is on them.
    To GMA and Solar, they are just merely implementing the existing contract with him.
    I think parang na knockout si manny when he realised what a huge mess he started.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  cassandrafiona1234

    03/23/2009 | 08:39 PM
    in addition pala..na-realize ko even olympics..
    pera pera din..
    may bidding din diyan..
    income generating din iyan kung sino ang hosting country..
    boosting economy via tourism
    and a good strtegy of venue for business possibilities
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  nickjnv

    03/23/2009 | 08:38 PM
    lumabas din ang totoo.

    sira na naman credibility ng dos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  delray_beach

    03/23/2009 | 08:38 PM
    so dirty talaga ang abs, pero watch out pwedeng baliktarin ng abs si manny dahil naka blak and white lahat.

    pwede nilang kasohan si manny para malinis ang kanilang reputasyon.

    hala ka manny.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About