Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.
Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).
Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)
Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.
Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.
"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.
Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.
"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'
"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.
"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.
Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.
Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'
"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.
Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
251 balluganggalla
250 gene18_spirit
249 darl722
248 pep_ni_lolo
247 agi07
246 woody
245 balugababe
kaharap mo ABS, panig ka sa kanila, pinuntahan ka nila Wilma sa hotel mo, nag change ka na naman ng isip
kung wala kang balls to stand by your previous decisions, kumuha ka ng magaling na PR Man para linisin ang kalat mo. Kunin mo si Max Clifford, kahit mga celeb na pasaway dito napapa bango nya at nagiging hero
or kung gusto mong magtipid, kahit ako na lang, libre pa ang labada mo
244 delray_beach
243 chinesefoodmakesmesick
242 fey_survivor
tanong mga kapamilya at kapuso sa tingin nyo s mga ngyaring ito ni ktting wl bng kasalanan c manny.
i want to hear abs cbn side about the new statement of manny.
hindi kya paglumipat uli c manny s dos sbhin nmn nya n pinilit sya ng gma n sbhin un.at npilitn lng sya.
i want the truth manny.u lng ang nkkalam ng buong kttohnan.
241 delray_beach
240 hunterdouglas
239 mavidako
238 gene18_spirit
naku manny i dont like you you na...so so balimbing....sarap mo dagukan...
237 chinesefoodmakesmesick
You know I've been reading your comments for sometimes now, by just looking at it you could tell right away that you're kindda neutral but read between the lines and I could tell without a doubt that you're a s t u pid kapamilya fanatics hiding in a fascade! Di ba dati nag-iwan ka ng tanong na ba't pipilitin si Manny eh kung talagang di na sya happy sa GMA, something like that..sounds like you were happy on his alleged transfer. TAs now yan na naman ang reaction mo..all i could say to your brown a s s is s h ut the f u ck! You don't know what you're talkin about! Quit playing know it all cause you know nothing at all!
236 delray_beach
kakahiya ka manny both sa abs-cbn at gma7. pampa-gulo ka lang. lalo mong dinag-dagan ang gulo ng dalawang network.
bo---bibs-to kasi. sarap tirisin ni manny.
235 cassandrafiona1234
kaya lang mahirap din kasi even si mp..
ang pagboboksing niya eh ginawa niya na ring negosyo..
siguro if like labang pang-olympics halimbawa..
pero pera pera na rin..
and airing to whatever network is a big money..
maliit na 100 million diyan..sa airing nang laban..
dagdag mo pa ang ibang pwedeng i-negosyo...
234 gmacheater
excuse me, mag back read ka nga. Si Manny po at kong na feel mo na nag pa UTO ka..okay na din. Kasi naman, ening..lahat po tayo minsan may mga ganyang ugali.
AKO 1truepep, accept ko po yan na may nga pangyayari sa buhay natin na NAUTO tayo. AMEN AMEN ako dyan.
Ay nako, Whatever you do Manny, don't do it out of obligation or because you think that service to other's will you earn a set of imagenary angel's wings.
Manny, gawin mo ang nararapat because it's the way to live a genuinely truthful life at huwag magturo Manny. YOU have to act like a genuine MAN, not like a genuine KID and a real HERO.
good day and GOOD LUCK MANNY.
233 dospoako
balugababe,bru, gwapo ba si hatton?,,hahahaha..
232 whimsical
more comments