Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.
Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).
Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)
Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.
Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.
"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.
Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.
"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'
"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.
"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.
Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.
Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'
"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.
Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
171 shoujoy13
ito lang ang pakakasigurado ko syo!!! hindi gawain ng gma ang gawain ng abs! kaya wag mong igaya ang mga taong marurumi lumaban sa mga taong nagsisikap gaya ng gma!!!! yung dumi nyo dyan! inyo na lang yan! wag nyo ng ipasa sa iba!!! si money, paano mananalo sa eleksyon, kung ganyan, wala syang prinsipyo sa buhay!!! sana manalo ka ng marami pang pambili ng mga brands na gamit ang asawa mo na si jenke!
170 dospoako
the main thing here na mas nakakadismaya was the behavior of manny in this issue..ano ba ito manny, feeling mo ba tlga artista kang tunay?, dahil kung patulan mo ang issue, kailangan mo pang idrag ang name ng isang company..well, sikat k nga as a boxer but never as an actor/host or whatever..hehehe..
mas naapreciate ko pa sna na paninindigan mo nlng ang sinabi mo na magconcentrate sa training...
isa pa, diba desisiyon mo mismo na lumipat?..after ng sinabi mo, kung gugustuhin mo kaya ulit ang serbisyo ng ABS, lalapit kp kaya sa knila?or my ibubulgar karin kya na ikasira ng isa ring network pra tanggapin ka ng ABS?tsk tsk tsk.
well, wish ko lang po manny na nobody dictated u tlga kung anong ssbhin mo sa media dahil ngayon pa lang sa ginawa mong pagsasalita, bawas na respeto ko..im sorry..but then, i still wish na mapanalo
169 gmacheater
kong sa pag iisip mo na tama ka GO AHEAD.
Kong gusto ni Manny sa GMA wala kaming magagawa dahil mapapanood pa rin si Manny via TFC, di pa rin kawalan yan sa ABS.
Opinyon lang po ening, HUWAG MAG PAUTO, at HUWAG MAG ISIP na parang bata.
Yes, it is true. Mas mabuti pang ibigay namin ang 50 bucks na ibabayad namin sa HBO sa THE POOR THE SICK AND THE NEEDY sa mga kapatid nating FILIPINO than giving 50 bucks to Manny.
Parang si PILATO itong si Manny.
168 ps_phoenix
167 kapusongsyete
Eh laging may LEGAL ADVISOR na kasama yan dba TEAM PACQUIAO?
MAnny pacquiao po PROUD TO BE KAPUSO!
hehehe :
166 gma_bulok_ever
susme...kung inutusan ka ng ABS i'm sure inutusan ka rin para sabihin iyan...
pano pag idemanda ka naman ngayon ng ABS sa pinirmahan mo?
165 chanda
164 chicka09
163 shoujoy13
162 kapusongsyete
161 1truepep
160 cassandrafiona1234
159 pepnapep
158 gmacheater
PERA ang bottom line ng lahat at di natin yan dapat i alis kay Manny dahil dugo at pawis sa literal na pakahulugan ang binuwis nya dito.
At dapat intindihin din natin kong PERA.
Pero ang ginawa ni Manny ngayon, parang binababoy nya ang kanyang sarili.
Walang sariling panindigan at tingnan mo nagtuturo sya.
Patay kang bata ka Manny pag mag deny ang ABS, kahit sabihin mo pang sila ang nagtuturo sa'yo.
Dapat sana, sinasabi mo na lang na, Sa tamang panahon. Sasabihin ko sa inyo ang totoo.
Eh di ngayon, may masasabi din kami na baka, TINUTURUAN ka rin ng mga taga GMA at solar kong ano ang sabihin mo.
At ngayon nalagay ka sa alanganin.
157 kapusongsyete
INYONG INYO na si MANNY PAcquiao!
You actually DESERVE him right?
Birds of the same feather flocks together!
SMILE :
156 mickeypiper
155 percom
i can see them abs grinning. hehe
154 sundae1979
153 pep_ni_lolo
152 kapusongsyete
Birds of the same feather flocks together! dba mga kapuso!
more comments