"Sinasabi nga ni Mr. M na nung time na nagpaalam ako to be a part of GMA, 'O sige, hihiramin ka lang naman nila for a couple of years. Pero I'm sure, ibabalik ka rin nila dito.' So, ang sarap lang ng feeling na open ka sa dalawang networks, kasi nga wala silang sama ng loob sa iyo," says Camille Prats.

Photo: Glen P. Sibonga

Happy si Camille Prats na muli siyang nakatuntong sa bakuran ng ABS-CBN sa kanyang paggawa ng pelikula under Star Cinema, ang T2, na pinagbibidahan ni Maricel Soriano and directed by Chito Roño. Pero hindi raw ito nangangahulugan na babalik na siya sa Kapamilya network. Nagpaalam daw siya nang maayos sa GMA-7 para sa movie na ito at nananatili siyang Kapuso sa telebisyon.

"As of now, I'm still with GMA pa rin naman, e. May contract pa rin ako sa kanila. Sobrang mabait naman sa akin sina Miss Wilma [Galvante, GMA SVP for Entertainment]. Tapos nung in-offer sa akin yung movie, sinabi ko naman sa kanila na ayoko namang itapon yung opportunity na binigay sa akin to be a part of T2. And they understand, kasi Star Cinema naman po, it's entirely different naman with GMA sa TV. Kasi hindi naman po ako gumagawa sa GMA Films. So, hindi naman nila ipinagkakait sa akin yung mga ganung bagay," paglilinaw ni Camille nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang feeling na nakatuntong ka ulit sa ABS-CBN?

"Masarap. Alam n'yo, every time I would visit ABS, nag-e-enjoy ako kasi lahat ng taong makakasalubong ko, kilala ako. Mapa-janitor, mapa-security guard, cameraman, crew, utility... Lahat sila kilala ko. And it's just so nice to see familiar faces again," sabi ni Camille, na nagsimula sa Kapamilya network as a child star.

STILL A KAPUSO. Ayon kay Camille, two to three years daw ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7. Pero more than the contract, mas pinapahalagahan daw ni Camille ang suportang ibinibigay sa kanya ng GMA.

"Kasi when I left, when I got pregnant, they were really supportive. Tapos talagang sinabi nila sa akin na if I go back after I give birth, nandiyan pa rin sila para sa akin. So, ako may kontrata man o wala, my loyalty really stays with them."

Pero kung sakaling matapos na ang kontrata mo at mag-offer ang ABS-CBN na kunin ka ulit, babalik ka pa ba as Kapamilya?

"Ako po kasi, siguro isang importanteng nangyari rin, when I left ABS, maayos po yung naging paghihiwalay namin, like si Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic], sila Tita Malou [Santos of Star Cinema]. Kaya happy din po ako na pag may ganyang pelikula sila, naiisip pa rin nila ako.

"Kumbaga, sinasabi nga ni Mr. M na nung time na nagpaalam ako to be a part of GMA, 'O sige, hihiramin ka lang naman nila for a couple of years. Pero I'm sure, ibabalik ka rin nila dito.' So, ang sarap lang ng feeling na open ka sa dalawang networks, kasi nga wala silang sama ng loob sa iyo."

May gagawin ba siyang bagong project sa GMA-7?

"They told me to be prepared, kasi there's one coming up," sabi ni Camille, na huling napanood sa Sine Novela na Gaano Kadalas ang Minsan?.


ON T2 AND DIREK CHITO. Ang T2 ay ang pagbabalik-pelikula ni Camille sa Star Cinema. Ang huling pelikulang ginawa niya para sa naturang film company ay ang Dreamboy (2005) na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Bea Alonzo.

Nagpapasalamat talaga si Camille sa Star Cinema dahil sa dinami-dami ng artista ng ABS-CBN ay siya pa rin ang kinuha para gumanap ng isang mahalagang role sa T2.

"Yun nga po, e. Actually, ang sinabi nila sa akin na, it was Direk Chito who suggested na ako yung kunin nga dun sa movie. Si Direk kasi yung talagang pumipili sa artista niya. And I worked with him before in Yamashita's Treasure [2001] with Regal Films. So, siyempre ang sarap naman ng feeling na kahit paano naaalala ka pa rin."

Paano niya ikukumpara yung working with Direk Chito before sa ngayon?