PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chynna Ortaleza injured while performing on SOP

On doctor's orders, Chynna needs to rest for her sprain to fully heal.
by Rose Garcia
Published Mar 24, 2009
"Nang mahulog kasi ako, hindi ko muna ininda. Inisip ko, kaya ko pa. E, meron kaming moves na ili-lift ako ni Miggy. Ang nangyari, hindi naman kasi niya alam yung pagkalaglag ko, so hindi niya nasuportahan yung pagbaba ko from lifting. Hayun, after that, hindi ko na talaga kinaya. E, naka-heels pa naman ako ng four inches!" relates Chynna Ortaleza about her accident in SOP.

Mukhang malabo pang makasama sa segment na "Sayaw One" sa SOP si Chynna Ortaleza, gayundin sa last leg sana ng kanilang mall tours. Last Sunday, March 22, kasi sa opening number nila ay nahulog sa stairs ng stage si Chynna bagamat hindi ito nakuhanan ng camera.

Dahil kasalukuyan siyang nagsasayaw nang mangyari ang insidente, napilit pa raw ni Chynna na tumayo at magsayaw. Pero lalo raw itong sumakit nang buhatin siya ng co-dancer at choreographer nila na si Miggy Tanchangco during their dance number.

Kaya naman since Sunday, nasa bahay lang si Chynna at hindi maka-attend sa ibang commitments niya dahil hindi niya maiapak ang nai-sprain niyang paa.

"Nang mahulog kasi ako, hindi ko muna ininda. Inisip ko, kaya ko pa. E, meron kaming moves na ili-lift ako ni Miggy. Ang nangyari, hindi naman kasi niya alam yung pagkalaglag ko, so hindi niya nasuportahan yung pagbaba ko from lifting. Hayun, after that, hindi ko na talaga kinaya. E, naka-heels pa naman ako ng four inches!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi raw nakita sa camera nang mahulog ako, pero nakita yung pag-exit ko. Hindi pa tapos yung number, nag-exit na ako. Hindi ko na kinaya yung pain. Nang makita ako ni Kuya Paulo, yung taga-SOP, binuhat na niya ako. Naiyak na ako sa sakit, pero nahihiya rin ako sa nangyari dahil hindi ko na natapos yung number," kuwento ni Chynna sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mabilis naman daw ang naging pagresponde sa kanya ng mga taga-SOP. In fact, nilagyan daw agad ng ice ang paa niya dahil nakita na agad ang pamamaga nito.

Matagal na rin si Chynna na walang kasamang personal assistant (PA) at driver kapag uma-attend sa schedules niya. On her own na nga lang siya kaya that time, wala raw talagang puwedeng tumulong sa kanya. Pero nagpapasalamat daw siya sa mga taga-SOP na siyang umalalay sa kanya.

"Si Tita Carms, siya yung nagdala agad sa akin sa emergency ng Capitol Medical Center. Natatawa lang ako na nahihiya kasi nang dumating ako sa Capitol, naka-Zorro outfit pa ako dahil yun ang opening number namin! Sumama rin sa akin sa Capitol sina LJ [Reyes] at Ryza Cenon. Pero sila, nakapagbihis na rin sila agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good thing daw na base sa X-ray ay wala naman daw nabaling buto o na-dislocate. Sobrang namaga at na-sprain lang daw siya kaya hindi na kinailangang i-cast kundi nilagyan na lang siya ng bandage. Pero kailangan pa rin niyang magpahinga ng ilang araw para mabilis siyang gumaling.

Nang makausap namin si Chynna, ang pinoproblema niya ay ang taping niya para sa Paano Ba Ang Mangarap?. Umaasa siya na sana raw ay magawan ng paraan at makapag-taping pa rin siya.

Masaya naman daw siya dahil maganda ang feedback sa afternoon show nila at sa pagpo-portray niya ng character na dating ginampanan ni Amy Austria.

Read Next
Read More Stories About
Chynna Ortaleza, SOP
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nang mahulog kasi ako, hindi ko muna ininda. Inisip ko, kaya ko pa. E, meron kaming moves na ili-lift ako ni Miggy. Ang nangyari, hindi naman kasi niya alam yung pagkalaglag ko, so hindi niya nasuportahan yung pagbaba ko from lifting. Hayun, after that, hindi ko na talaga kinaya. E, naka-heels pa naman ako ng four inches!" relates Chynna Ortaleza about her accident in SOP.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results