Tila hindi pa matatapos ang usapin tungkol sa talent fee ni Sarah Geronimo sa back-to-back blockbuster hit movies niya with John Lloyd Cruz for the past two years: A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009). Dahil sa box-office success ng A Very Special Love ay sina John Lloyd at Sarah ang itinanghal na Box-Office King & Queen last year.
Ayon sa report ng YES! magazine, na lumabas sa April 2009 issue, si Sarah—na No. 15 sa Most Powerful People in Showbiz—ay P200,000 lamang daw ang tinanggap na talent fee para sa You Changed My Life.
To quote YES!: "A well-placed industry player puts the Viva Films contract star's earnings from her latest blockbuster at a measly P200,000. Even with a P1 million bonus—Star Cinema's standard bonus for certified hits—the new box-office princess still pretty much looks like Cinderella."
Isang konektado sa Star Cinema ang nakausap ng PEP at nagbigay ng iba pang detalye sa isyu ng talent fee na tinanggap ni Sarah. Nag-react ang aming source nang mabasa niya rito sa PEP ang lumabas na official statement mula sa Viva Films. (Click here to read related story.)
Ayon sa aming source, alam naman daw ng marami na si Sarah ay mina-manage ni Vic del Rosario ng Viva Entertainment. Dahil talent ng Viva si Sarah, sila ang nakakaalam kung magkano ang talent fee na dapat ibigay sa Pop Princess.
Idiniin din ng aming source na sa Viva lang daw may kontrata si Sarah at wala sa Star Cinema. Kaya paano raw sasabihin na P200,000 at P300,000 lang ang in-approve na budget ng Star Cinema para kay Sarah.
Nagulat pa nga raw ang Star Cinema nang malaman nila na sa kontrata ni Sarah sa Viva ay P50,000 lamang diumano ang naka-specify na talent fee ng singer-actress sa lahat ng pelikulang gagawin niya sa Viva, na tatakbo ng marami pang taon.
Sabi ng aming source, "It was only Malou Santos [managing director of Star Cinema] who said, 'Ang liit naman niyan. Lakihan n'yo naman.' And then, si Vic said, 'Sige, gawin nating P200,000.'
"Actually, nagba-backout na nga raw ang ina ni Sarah [Mrs. Divine Geronimo] at ayaw gawin ang A Very Special Love. Kasi nga naman, kayang kitain ni Sarah sa mga show niya ang P200,000 kesa sa pagsu-shoot ng ilang linggo para sa movie.
"Kumbaga, it's Viva's ball pagdating sa talent fee ni Sarah. Walang say ang Star Cinema. Ang Star ang producer ng pelikula. Pero pagdating kay Sarah, Viva ang nagha-handle noon."
Pagdating naman daw sa bonus, si Ms. Malous Santos daw ang nag-push na bigyan si Sarah ng P1 million. At dito, nag-agree ang Viva at nakihati sa bayarin bilang co-producer ng pelikula.
"Actually, sinabi pa ni Malou, 'Uy, huwag na ninyong bawasan ng 30-percent commission ang bonus ni Sarah.' Kasi kinakaltasan si Sarah ng Viva ng 30-percent commission as part of their agreement siyempre. So, kung P200,000 'yon, less 30 percent, so mga P140,000 siya sa first film at P210,000 naman dun sa second movie," pagkukuwenta pa ng aming source. '"
STAR CINEMA'S OFFICIAL STATEMENT. Kaugnay ng usaping ito, nagpadala rin ang Star Cinema ng kanilang official statament sa PEP ngayong hapon, March 24. Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
"Nais linawin ng Star Cinema ang isyu tungkol sa talent fee ni Sarah Geronimo para sa mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.
"Si Sarah ay isang Contractual Talent ng Viva Films, na co-producer ng mga nabanggit na projects. Ang pakikipag-negosasyon para sa kanyang Talent Fees ay katulad ng kay Anne Curtis para sa mga pelikulang When Love Begins at 'Wag Kang Lilingon. Ang mga talent fees nina Sarah at Anne para sa kanilang mga pelikula ay rekomendasyon na nanggagaling sa Viva Films. Sa kaso ni Sarah, tumupad lamang ang Star Cinema sa kanyang Contractual Agreement sa Viva Films.





baka naman ung amount na 200k at 300k h ung nasa written agreement... pero ung under-the-table agreement eh ibang usapan... kaso may naglabas ng sikwet...ayan, nagkakabukingan na nga....
hala bilangan na ng bituin sa langit.....hahahahaha
======
eh di star cinema pala ang nambabarat ng talent fee?..... naman boss vic , ikaw ang manager,ikaw ang magbigay ng amount at hindi ung client-SC- ang magbibigay ng demand... sila ang may kailangan kay sarah, so dapat kayo ang magpaimportante....
sus ang labo nyo pareho! baka naman parehong malaki komisyon nyo at nagkakabukingan na...looolzzz
yun nga si charice e bonga ang kita...sarah pa na sikat sa pinas.....lokohin na lang nila yung mga hindi marunong magisip.
may bago contract si sarah with abs and baka magulantang kayao sa TF niya.yun lang....
tubong lugaw si boss vic kay sarah, laki kita pero liit gastos sa movie. mas profitable pa nga ang isang sarah movie kesa sa KC concepcion movie na 5M pero mild hit lang. kung ako sa yo Sarah, magdemand ka sa Viva di tama yang 200K na bigay sa yo susmaryosep.
alam mo ba Sarah, mas mataas pa first TF ni Sharon sa yo sa Viva noon kasi 250K per picture si shawie noon eh 1980s pa yun tapos ikaw 200K per movie eh 2009 na ngayon, hoy gising!!