Tila hindi pa matatapos ang usapin tungkol sa talent fee ni Sarah Geronimo sa back-to-back blockbuster hit movies niya with John Lloyd Cruz for the past two years: A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009). Dahil sa box-office success ng A Very Special Love ay sina John Lloyd at Sarah ang itinanghal na Box-Office King & Queen last year.
Ayon sa report ng YES! magazine, na lumabas sa April 2009 issue, si Sarah—na No. 15 sa Most Powerful People in Showbiz—ay P200,000 lamang daw ang tinanggap na talent fee para sa You Changed My Life.
To quote YES!: "A well-placed industry player puts the Viva Films contract star's earnings from her latest blockbuster at a measly P200,000. Even with a P1 million bonus—Star Cinema's standard bonus for certified hits—the new box-office princess still pretty much looks like Cinderella."
Isang konektado sa Star Cinema ang nakausap ng PEP at nagbigay ng iba pang detalye sa isyu ng talent fee na tinanggap ni Sarah. Nag-react ang aming source nang mabasa niya rito sa PEP ang lumabas na official statement mula sa Viva Films. (Click here to read related story.)
Ayon sa aming source, alam naman daw ng marami na si Sarah ay mina-manage ni Vic del Rosario ng Viva Entertainment. Dahil talent ng Viva si Sarah, sila ang nakakaalam kung magkano ang talent fee na dapat ibigay sa Pop Princess.
Idiniin din ng aming source na sa Viva lang daw may kontrata si Sarah at wala sa Star Cinema. Kaya paano raw sasabihin na P200,000 at P300,000 lang ang in-approve na budget ng Star Cinema para kay Sarah.
Nagulat pa nga raw ang Star Cinema nang malaman nila na sa kontrata ni Sarah sa Viva ay P50,000 lamang diumano ang naka-specify na talent fee ng singer-actress sa lahat ng pelikulang gagawin niya sa Viva, na tatakbo ng marami pang taon.
Sabi ng aming source, "It was only Malou Santos [managing director of Star Cinema] who said, 'Ang liit naman niyan. Lakihan n'yo naman.' And then, si Vic said, 'Sige, gawin nating P200,000.'
"Actually, nagba-backout na nga raw ang ina ni Sarah [Mrs. Divine Geronimo] at ayaw gawin ang A Very Special Love. Kasi nga naman, kayang kitain ni Sarah sa mga show niya ang P200,000 kesa sa pagsu-shoot ng ilang linggo para sa movie.
"Kumbaga, it's Viva's ball pagdating sa talent fee ni Sarah. Walang say ang Star Cinema. Ang Star ang producer ng pelikula. Pero pagdating kay Sarah, Viva ang nagha-handle noon."
Pagdating naman daw sa bonus, si Ms. Malous Santos daw ang nag-push na bigyan si Sarah ng P1 million. At dito, nag-agree ang Viva at nakihati sa bayarin bilang co-producer ng pelikula.
"Actually, sinabi pa ni Malou, 'Uy, huwag na ninyong bawasan ng 30-percent commission ang bonus ni Sarah.' Kasi kinakaltasan si Sarah ng Viva ng 30-percent commission as part of their agreement siyempre. So, kung P200,000 'yon, less 30 percent, so mga P140,000 siya sa first film at P210,000 naman dun sa second movie," pagkukuwenta pa ng aming source. '"
STAR CINEMA'S OFFICIAL STATEMENT. Kaugnay ng usaping ito, nagpadala rin ang Star Cinema ng kanilang official statament sa PEP ngayong hapon, March 24. Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
"Nais linawin ng Star Cinema ang isyu tungkol sa talent fee ni Sarah Geronimo para sa mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.
"Si Sarah ay isang Contractual Talent ng Viva Films, na co-producer ng mga nabanggit na projects. Ang pakikipag-negosasyon para sa kanyang Talent Fees ay katulad ng kay Anne Curtis para sa mga pelikulang When Love Begins at 'Wag Kang Lilingon. Ang mga talent fees nina Sarah at Anne para sa kanilang mga pelikula ay rekomendasyon na nanggagaling sa Viva Films. Sa kaso ni Sarah, tumupad lamang ang Star Cinema sa kanyang Contractual Agreement sa Viva Films.





6. Ngayon, basahin muli ang number 3 at number 5. Pareho ang sinasabi ng Star Cinema at Viva na ang pinag-usapan nila ay P 200k na TF para kay Sarah. Pero ang sinabi ni Vic del Rosario, DINAGDAGAN NYA ITO. Dahil nangyari ang karagdagang TF na ito matapos ang negosasyon ng Viva at Star Cinema, ibig sabihin, HINDI ALAM NG STAR CINEMA NA DINAGDAGAN PALA ANG TF NI SARAH MULA SA P200K NA PINAG-USAPAN WITH VIVA. Sabi nga sa number 4, Viva ang namamahala sa TF ni Sarah at walang kinalaman ang Star Cinema.
7. Ang tanong ngayon, magkano ang idinagdag at magkano ba talaga ang na-receive ni Sarah para sa bawat isang pelikula? Bumalik sa number 2 at number 3. KAPANTAY NG KAY JOHN LLOYD, NA AROUND P2 MILLION PER MOVIE.
8. Lumalabas na ganito ang computation:
AVSL P 200k TF + P 1M BONUS + P800K dagdag TF = P 2 MILLION
YCML P 300k TF + P 1M BONUS + P700K dagdag TF = P 2 MILLION
4. Star Cinema issued an official statement na sinabing si Sarah ay contractual talent ng Viva Films. Ang talent fees nina Sarah at Anne para sa kanilang mga pelikula ay rekomendasyon na nanggaling sa Viva Films. Ang Viva ang namamahala ng TF ni Sarah, at walang kinalaman dito ang Star Cinema.
5. Sa article ng PEP sa itaas ng thread na ito , dated March 24 , kinumpirma ng source na P200k ang pinagtapusang usapan ng Viva at Star Cinema na TF ni Sarah, at HINDI P50k na nasa original na kontrata nito sa Viva. Kinumpirma rin ng source na may BONUS si Sarah na P1 MILLION.
1. Yes magazine published that A well-placed industry player puts the Viva Films contract stars earnings from her latest blockbuster at a measly P200,000.
2. In the same issue of Yes, the TF of John Lloyd per movie was discussed at ang naka-print after bonuses, his pay DID REACH THE VICINITY OF P2 million
3. Vic del Rosario issued a statement at sinabing mali na P200k lamang ang tinanggap na TF ni Sarah sa 2 pelikulang ginawa nya na co-prod ng Star Cinema. Kung P200k man daw for AVSL at P300k naman for YCML ang napag-usapang TF with Star Cinema for Sarah, DINAGDAGAN nya ito para maging KAPANTAY NG KAY JOHN LLOYD
come think of it,,kung kinukuripot c sarah ng VIVA bkit hndi umaalis s puder ng viva!
ang SARAH is not a greedy person! mas importante s kanya mga lovable fans nya,,im one of them! hehehe!
Talent Fee is not an issue..