Gina Pareño proud of her Asian Film Awards victory

Lito Mañago
Wednesday, March 25, 2009 @ 10:58AM  |  6956 views

 

 

"Nagpapasalamat ako, talagang sinusuwerte tayo gawa ng... Hindi ninyo alam kung gaano ako natuwa at nakakataba ng puso kasi for the first time po, may nanalong Filipino sa Asian Film Awards sa Hong Kong; at nagkataon ho na tayo ang nakakuha," says Gina Pareño about winning the best supporting actress trophy at the 3rd Asian Film Awards for her performance in Serbis.

Photo By: Lito Manago













HONG KONG - Gina Pareño was all smiles when PEP (Philippine Entertainment Portal) bumped into her at the Hong Kong International Airport yesterday, March 24. Kasama ni Gina ang anak niyang si Racquel at ang aktres na si Jaclyn Jose.

Kaagad binati ng PEP si Gina ng isang mainit na congratulations dahil sa pagkakapanalo niya ng Best Supporting Actress trophy sa katatapos na 3rd Asian Film Awards (held Monday night, March 23) sa Hong Kong International Convention and Exhibition Centre para sa pelikulang Serbis (Service).

Kaagad namang inilabas ni Gina ang kanyang napanalunang tropeyo mula sa isang malaking box na itim para ipakita at ipagmalaki ito sa amin.

Sa kuwento ni Gina, ibinahagi niya sa kanyang acceptance speech  ang kanyang pagwawagi sa kanyang co-star na si Jaclyn Jose, na nominado rin for the same category sa parehong pelikula. Hindi rin niya nakalimutang ibahagi ito sa kanyang director na si Brillante "Dante" Mendoza at sa iba pang nominees.

"Unang-una, nagpasalamat ako sa Asian Film Awards for the award. Pinasalamatan ko rin ang aking direktor sa ipinagkatiwala sa aking role. Tapos sabi ko, 'I want to share this award to all the other nominees, especially kay Jaclyn Jose na matalik kong kaibigan.' At ang huling-huling sinabi ko, I said, 'I was dedicating this trophy to my family at higit sa lahat to all the Filipino people. Mabuhay!' Tapos nagpalakpakan silang lahat. Muntik na nga akong maiyak," masayang kuwento ng aktres.

FILIPINO ACTRESSES. Pagmamalaki nina Gina at Jaclyn na dalawa silang Filipino actress na lumaban sa Best Supporting Actress category.

Ayon kay Jaclyn, lima ang nominado sa bawat kategorya. Pero ikinatuwa raw niya nang tawagin ang pangalan ni Gina bilang Best Supporting Actress winner.

"Sa pagkakatanda ko, dalawa kaming Filipino na pumasok sa Best Supporting category. Dalawa rin sa Japan at isa mula sa South Korea. I'm happy for Gina. She deserves it. Natutuwa talaga ako for her," sabi ni Jaclyn.

Okey lang daw kay Jaclyn na tinalo siya ni Gina, who plays the matriarch owner of a dilapidated provincial theater in Serbis.

"Kami naman, pagdating sa ganitong labanan, lalo na sa ibang bansa, basta kapwa Filipino, ipinagmamalaki namin," sabi ni Jaclyn.

SECOND WIN. Ito ang pangalawang international acting award na nakuha ni Gina para sa Serbis. Una siyang nanalo ng Best Actress para sa pelikulang ito sa Pacific Meridian International Film Festival of Asian-Pacific Countries held in Vladivostok, Russia last September 13-19, 2008. Sa naturang festival, naiuwi rin ni Direk Brillante ang karangalan bilang Best Director.

Sa kanyang pangalawang panalo, hindi na raw masyadong kinabahan si Gina. Pero malakas pa rin daw ang palpitation ng puso niya.

"Nagpapasalamat ako, talagang sinusuwerte tayo gawa ng... Hindi ninyo alam kung gaano ako natuwa at nakakataba ng puso kasi for the first time po, may nanalong Filipino sa Asian Film Awards sa Hong Kong, at nagkataon ho na tayo ang nakakuha.

"Actually, lima ang nominado. Dalawa kami ni Jaclyn Jose na nominado para sa pelikulang Serbis. Buong Asia ang nagko-compete dito. Isipin mo na napakalaki ng Asia at sinuwerte tayong nakapasok at nanalo pa. I'm really so thankful.

"Nangangatog pa rin ang tuhod ko. Pero nung andun na ako sa stage at nagpapasalamat sa tao, may kurot sa akin ng tuwa at nerbiyos. Pero proud ako kasi ako ay isang Filipino.

1  2  Next »

Related Articles

45 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name