Ilang araw na malat at halos walang boses ang aktres si Cherry Pie Picache dahil sa throat infection. Sa halos walang puknat na taping para sa teleseryeng Tayong Dalawa ng ABS-CBN, hindi rin basta nasunod ni Pie ang payo ng doktor sa kanya na ipahinga ang boses.
"Tinatablan ako ng hiya dahil alam ng marami na malaki ang exposure ko sa teleserye," sabi ni Cherry Pie sa kabilang linya ng phone. "Alam kong pagbibigyan nila ako sa sandaling pahinga, pero naiintindihan ko kasi ang pressure sa kanila. Karagdagan pa akong problema kung mapapansing nawawala ako sa mga eksena.
"Kaya tinutulungan na lang ako ng writers, and even my co-stars. May times na hindi na lang ako nagsasalita talaga, pero hindi rin maiiwasan. Noong magpunta si Tita Gina [Pareño] sa Hong Kong, medyo nawala rin ako sa eksena, kaya nakapagpahinga ako kahit paano. But that's not enough. Hindi ko talaga maatim na mag-suffer ang takbo ng teleserye dahil mawawala lang ako ng ilang araw sa taping," naikuwento ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Pinatingnan agad ni Cherry Pie sa isang espesyalistang nirekomenda ng Tayong Dalawa co-star niyang si Agot Isidro sa Medical City ang kundisyon niya.
"May nodules nang nakita sa kamera, e," sabi ni Cherry Pie. "Parang puti-puting spot na kailangang ipahinga talaga, and doses of antibiotics para gumaling. Nakampante lang ako dahil sinasabi sa akin, hindi lang ni Agot, pati sina Zsa Zsa Padilla at Christian Bautista na doktor nila yun, at hindi nagmimintis yun. Ilang araw lang nga, okey na ako, nawala na ang malat.
"Sosyal, di ba? Ang gumamot sa throat at boses ko, espesyalista para sa mga sikat na singer! Say!" at napahalakhak siya.
TAYONG DALAWA. Natutuwa si Cherry Pie dahil nag-pay off ang hirap at pagod nila para sa Tayong Dalawa. Matindi ang tutok ng mga manonood dito, at talaga naman kasing sizzling like wildfire ang bawat eksena rito na kinatatampukan ng mahuhusay at hindi matatawarang mga artista.
"Hay naku, halos hindi na talaga kami natutulog!" bulalas ni Cherry Pie. "Hindi na ako tumatanggap ng ibang commitments dahil tatlo hanggang apat na araw sa isang linggo, kinakain na ng taping. Most of the time, twenty-four hours straight ang taping. Nakakaloka!
"Marami nga akong tinanggihan para sa Cinemalaya. Nanghihinayang ako, pero wala akong magagawa. Commitment ko itong sa ABS-CBN. Unahin ko na ito dahil enough ito para maka-survive, kahit paano, sa hirap ng buhay ngayon.
"Importante ang trabaho, pero kung hindi ko na nakikita ang anak ko, well, sorry... There are more important things than that. At the end of the day, yung oras para sa mga taong mahal mo, hindi 'yan mapapalitan ng kinikita mo sa trabaho."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
59 ok_lang
58 neutral1746
57 LaBruja
56 galore
55 gma7whereyoubelong
54 shaun_buggy
53 watevah
52 Boku_Wa_Kira_Desu
I really love Tayong Dalawa and I dont want it to turn out really wierd and horrible pag nag-extend sila...
Kung mag-extend man ito... Sana ang quality ganun sa quality ng May Bukas Pa...
51 kpamilya4ever
50 lifeisgood2008
49 abscbnkapamilya
48 cassandrafiona1234
rightorwrong
March 26, 2009
10:20 AM Parang sikat ang usaping infection at iba pa ngayon sa PEP ah! Napapanahon ba? hahaha
Ingat na lang and pahinga parati.
____________
hahha
correct ka..
tag-init siguro..
lumalabas ang mga viruses..
alam mo naman ang virus..
takot sa lamig...
brrr...brrr.. sabi nag virus..
afred ako sa cold...
SISIPUNIN AKO...
wala akong alam sa current job activities niya.
alam ko ...yosilic siya..
in absence of moderation ang banat kasi niya..
hehhe
47 hitek
46 pepaddiktus
45 182395
44 hitek
43 slender
wala lang po...
42 maechael
41 dustmyeat
40 kapamilya247
more comments