Papasok na ng operating room ang aktres na si LJ Moreno para sa isang non-invasive liposuction nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 25. Kasabay ni LJ ang beauty surgeon na si Dr. Jansen sa clinic nito sa Midland Plaza, M. Adriatico, Manila.
"Nervous but excited," sabi ni LJ, na pinakabagong endorser ng Jansen clinic, sa procedure na gagawin sa kanya. "Actually, sobrang bilis lang nito. In-explain na niya sa akin yung procedure. Madali lang pala kasi nga it's a new kind of treatment.
"First time ko in everything [magpapaayos sa katawan]. Yun nga lang kasi, siyempre athletic naman, work out ako. Pero yun talaga, sabi ko nga, yung saddle bag area. Yun talaga ang problem area ko na kahit anong workout, kahit anong exercise, nandun pa rin siya. Kaya kapag nagtu-two piece ako, nagbo-Boardwalk shorts ako. Kasi nga, at least ngayon, two-piece."
Ano ba ang gagawin sa kanya?
"Etong area na ito, saddle bag, maliit siya tapos biglang laki dito."
REUNITED. Kumusta naman ang lovelife niya?
"Eto, happy. One year and three months to be exact nung maghiwalay kami ni Jimmy [Alapag, PBA player]. Ngayon, kami na ulit," nakangiting sabi ni LJ.
Paano sila nagkabalikan?
"Nagkita kami sa wedding ni Sarah Mayer [Viva Hot Babe member]...that was day supposed to be our fifth anniversary. So, nung nagkita kami doon, nagkausap kami. And then, we decided to get back together again," kuwento ni LJ.
Napag-usapan na ba nila ang kasal ni Jimmy?
"Wala pa. Lahat nga ng tao ngayon, sinasabi na magpakasal na kami. But we're taking it slowly. Focus on career and work muna talaga."
Alam ni Jimmy na magpapa-lipo siya?
"Yes," sagot ni LJ.
Nagturo rin sa Little Gym sa Fort Bonifacio si LJ. Pero titigil daw muna siya at magko-concentrate sa kanyang showbiz career.
"Teaching will always be there. At least now I can say I have a degree and a teaching license, and now I can really focus on acting. I mean, habang pwede pang umakting, di ba?"
TITA ALMA'S WEDDING. Naka-attend ba siya ng wedding ng kanyang tiyahin na si Alma Moreno?
"Hindi, e," sagot ni LJ. "May show ako sa Bohol. Pero I caught up with them after. Ano na, pero tapos na yung wedding ceremony."
Was it a Muslim wedding ceremony?
"Parang, oo, kasi, di ba? Pero teka, bakit dalawa ba ang ceremony?" tanong niya.
May balita kasi na ikakasal pa raw ulit ang Tita Ness niya at ang bago nitong mister na si Mayor Pre Salic sa Marawi City.
"I heard about that, but then I'm not sure. Pero sa Cebu, nandun kaming lahat."
May message ba siya sa kanyang Tita Ness?
"Congratulations and I'm very happy. Kasi nakita ko sobrang happy din siya and nakita ko na sobrang mabait si Uncle. So, yun nga, Uncle...Uncle Mayor, actually. I wish them luck and I really, really hope na this is it na talaga."
How true na tatakbong mayor ng Parañaque si Alma?
"I think hindi pa final yun. Pero if she does, I always support. House to-house, nandun tayo sa kumpanya," pagtatapos ni LJ.