PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erik Santos to record next album in U.S. with Jim Brickman

Erik picks "Your Love" as his favorite Jim Brickman song.
by Archie de Calma
Published Mar 27, 2009
"Mismong sa studio ni Jim Brickman namin tatrabahuin yung recording. Hopefully, pati yung music video para sa ilang kanta, sa U.S. na namin mai-shoot. Grateful ako sa Star Records at binigyan nila ako ng ganitong opportunity. Mahirap kalimutan ito," says Erik Santos.

Another milestone sa career ni Erik Santos ang pagpirma ng panibagong contract sa Star Records. Isa sa bonggang deal na kaakibat nito ay ang recording ng singer sa U.S.

"First time na gagawin ko yun, sa studio talaga sa U.S., para lang sa susunod kong album. Lilipad kami sa States by last week of April, or first week of May, para harapin yung recording doon.

"It will be a collaboration with Jim Brickman. Just the mere thought of it excites me, hindi ko ma-explain ang feeling. Kasi Jim Brickman is special to me, lalo na sa influence niya sa music ko. Fan ako ng songs niya. Hindi ko naisip na ire-record ko pala ang mga kanta niya in the future, and he will be there para sa arrangements at pagtugtog sa piano," kuwento ni Erik sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ibang klase nga naman na puro Jim Brickman songs ang nakapaloob sa kanyang album, with his own rendition at pakikipag-collaborate pa ng famous international singer-composer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nasa album yung ibang remakes. Yung 'Valentine,' 'Your Love'... favorite ko ang mga yun, e. Kasama rin ang 'By Heart,' 'The Gift,' 'Love of My Life,' and all the rest, puro originals na ni Mr. Brickman na ako pa lang ang unang magre-record," kuwento ni Erik.

"Your Love" pala ang pinaka-favorite ni Erik among Jim Brickman's songs. Sino raw ba ang espesyal na tao sa buhay ni Erik na pinatutungkulan nito.

"Puwede bang sabihin?" naitanong ni Erik habang palingon-lingon sa loob ng Chronicle Room sa 14th ng ELJ Building, ABS-CBN compound.

"Yung 'Your Love' ang theme song namin ng first girlfriend ko. Huwag na nating alamin pa kung sino siya dahil may asawa na yun, may sarili nang buhay. Kaya sobrang memorable!" tawa niya.



Sobrang trinabaho pala ng mga taga-Star Records ang deal na ito with Mr. Brickman at isa lang ito sa balik kay Erik ng kanyang pagiging loyal sa kumpanyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Special mention si Annabelle Regalado [isa sa big bosses ng Star Records], para rin sa kanila ang mga awitin ko rito, kasama ang napakaraming taong patuloy na sumusuporta sa career ko.

"Mismong sa studio ni Jim Brickman namin tatrabahuin yung recording. Hopefully, pati yung music video para sa ilang kanta, sa U.S. na namin mai-shoot. Grateful ako sa Star Records at binigyan nila ako ng ganitong opportunity. Mahirap kalimutan ito," pagwawakas ni Erik.

Read Next
Read More Stories About
Erik Santos, Star Records
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mismong sa studio ni Jim Brickman namin tatrabahuin yung recording. Hopefully, pati yung music video para sa ilang kanta, sa U.S. na namin mai-shoot. Grateful ako sa Star Records at binigyan nila ako ng ganitong opportunity. Mahirap kalimutan ito," says Erik Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results