Kung may mapapansin man kay Mike Tan ngayon, ito ay ang mas magandang pangangatawan na niya. Ayon kay Mike, naging gym addict na raw siya dahil simula nang hindi siya nagkakaroon ng regular show, naging busy raw siya sa pagdyi-gym.
Nagsimula ang addiction niya sa gym matapos masabihan ng isang kasamahan sa teatro na pinagkaabalahan niya nung nababakasyon siya from TV, na ibalik ang dating ganda ng katawan.
"Although noon, mas lean ako. Ngayon, mas malaki na yung katawan ko. Sabi niya, ibalik ko raw yung dati kong katawan. So, after ng theater, itinuluy-tuloy ko na siya and after that nga, nagkaroon na ako ng Dapat Ka Bang Mahalin?. Doon na rin po ako naging busy at pagdyi-gym."
ENJOYING THEATER. Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mike nung Wednesday, March 25, sa UCC Morato, sinabi rin nitong wala pa raw siyang gagawin matapos ang Dapat Ka Bang Mahalin?, so malamang daw na maging abala muli siya sa teatro.
"Sabi sa akin ng CCP [Cultural Center of Philippines], gusto nila kong pag-audition-in, so, mag-a-audition ako ulit. Nag-enjoy ako ng sobra sa theater at saka, malaki rin ang naitulong sa akin. Sa showbiz naman, so far, wala namang sinasabi sa akin ang Artist Center, hindi naman sila nakikipag-meeting or what. Parang ako, come what may...kung may maibibigay, sige lang. Sanay na rin naman ako. Dati na naman akong ganoon. Hindi naman ako nagmamadali. Kung wala, e, di balik ako ng teatro. At least, pagbalik ko sa TV, may naipapakita akong bago."
Diretso na naming tinanong si Mike kung sa palagay niya ba, may pagkukulang sa part niya or may nagawa siya kung bakit kumpara sa ibang produkto at masasabing winners sa StarStruck ay tila mas mabagal ang pag-usad ng career niya?
"Ako...sa totoo lang, hindi ko alam kung ano.... Hindi ko alam. Siguro meron sila na wala ako. Meron sila na nakikita ang mga producers or GMA, so, ako, kailangan ko na lang patunayan ang sarili ko ngayon. Kahit mahirap, sana maiangat ko yung sarili ko."
WAS THERE A PROBLEM? Was there a time that he asked himself, ano nga ba ang nagiging problema or kulang?
"Tinatanong ko yun sa sarili ko. Pero hindi ko rin alam, e. Kaya ang ginagawa ko, kung kaya kong mapabuti ang craft ko, yun ang ginagawa ko. Nagwo-workshop ako ng nagwo-workshop para kung makita nila 'ko, 'Wow, eto pala si Mike Tan, may kaya pala siya.'"
Dating ginagawang issue sa kanya ay yung attitude niya raw sa pakikisama, yun pa rin ba ang isyu sa kanya hanggang ngayon?
"Ewan ko sa pakikisama..? Wala na nga akong isyung ganun. Mukhang mabait na yata ako," natatawa niyang sabi. "Dati pa naman akong mabait, kaya lang, hindi ko pa alam sa showbiz world noon. Hindi ko pa alam na kailangan pala, ganito, ganyan..."
Balik sa pagpapaganda ng katawan niya, ano ba talaga ang plano niya?
"Wala lang, ano lang, reward sa sarili ko," natawa niyang sabi. "At saka, sana lang, maging flexible sa mga roles. At saka gusto ko na rin, para at least, may exercise ako. Kasi, yung dati kong exercise, wala lang. E, ang lakas kong kumain. So, kapag wala akong exercise, lumolobo talaga ko."
So itutuloy niya ba yung nasimulan niya noon sa grupong Studs na magpapaseksi na siya nang tuluyan?
"Hindi ko alam, e, paano ko ba sasagutin yun? Parang ako, kapag ginawa ko yun, parang do or die na lang. Ha-ha-ha! Actually, hesitant naman talaga 'ko. Hindi ako prepared to do that, until now. Siguro, kaya ko mga pictorial."






NIce attitude though, patient, hindi mayabang at may sense. Goodluck!
yaoi yaoi~!!!
pero bt parang mas bagay sila ni dennis? nyahahahah!!!! sya ang ukeru~joke lng po~
go kapuso~!
ike ike go go!!!
an galing nyan sa DKBM.
sila na daw ni paolo ballesteros
nagpupunta yan sila sa GOVERNMENT BAR
Definitely, you are much better looking and more talented than the male starlets that GMA are myopic with.
It is a shame that your home network don't recognize the gem they have in you!
si ONEMIG,BOBBY at COGIE ang PINAKASIKAT dati sa 7.
pero nagwait si DONG sa tamang break.
look at HIM now.
the First Pinoy to be included sa SEXIEST MAN ON PLANET.
pang 3rd pa yan ha!!
kaya MIKE,wag magmadali.
you have the potential...
aljur is a better actor than mike
but mike looks better than aljur
aljur can really sing and dance
but mike is taller and modelo ang dating
si aljur bagay sa pacute
si mike namin sa mga daring roles
ANG DALAWANG ITO ANG SUSUNOD SA LINE NINA DONG,CHARD,DENNIS ,PAOLO AT MARVIN.
time will come ikaw ang maglelead.
potential ka eh.
matinee idol ang dating.
lalo na ngayon at sumasarap ka lalo.
hehe.
pag serbisyo ang pinag-uusapan, hindi kailangan maging maganda o gwapo ka para makapag-serbisyo. ang lagay sila lang ang anak ng diyos.
actually, hindi ako convinced sa talent ni mike, so surprised ako that pep writes about him often. nakakatuwa naman that some readers here also appreciate him.
i think he really has to prove his talent so that gma would give him more projects. i hope mahahasa ka talaga sa theater. good luck, mike.