Pinasyalan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Keempee de Leon sa taping ng All About Eve ng GMA-7. Isa sa mga itinanong ng PEP kay Keempee ay kung ano ang comment niya sa nabuhay na alitan sa pagitan ng ama niyang si Joey de Leon at Willie Revillame.
Ito ay ay may kinalaman sa poll na lumabas sa YES! magazine tungkol sa 50 Most Powerful Celebrities na kung saan nanguna ang Wowowee host at number ten naman ang Eat Bulaga host.
In an episode of Startalk, nagpahayag ng kanyang saloobin si Joey tungkol na naturang poll.
"Hindi ko kasi alam, e... Sa akin lang, I guess as a son... Siguro you cannot please everyone na lang. May kanya-kanyang boto 'yan, kung sino yung number one para sa kanila. Like what my dad said, ang sa kanya is respeto, respect lang talaga. Yun yung number one sa kanya. Although kahit sabihin mong number 10 siya... Hindi naman niya hinahanap na maging number one siya diyan, e. Ang importante, kumbaga, maganda yung naipakita niya sa tao, nakakatulong siya sa tao and nirerespeto siya ng mga tao, I guess that's enough," mahabang pahayag ni Keempee.
On a different topic, tinanong rin namin si Keempee kung totoo ang tsismis na lilipat na ang Eat Bulaga at aalis na ito sa GMA-7.
"Hindi, hindi totoo! Narinig ko na din 'yang tsismis na 'yan, pero hindi totoo. Magte-thirty years na ang Eat Bulaga, kung kailan thirty, dun pa aalis? Ano lang yun, siguro gawa-gawa lang ng mga tao."
THINKING ABOUT POLITICS. Nalalapit na ang election, at napag-alaman namin, may mga humihikayat pala kay Keempee na tumakbo.
"There are some people na nagsasabi, tumakbo raw ako as councilor, pero as of now hindi muna siguro, huwag muna. Sa ngayon kasi, sa showbiz ako naka-concentrate."
Karamihan pa naman sa mga kaibigan niya, mga actor-politician, tulad nina Anjo Yllana, Manila councilor Yul Servo at Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista.
"Oo, si Anjo, marami, si Yul nakakausap ko, sabi niya, 'Subukan mo.' Nakausap ko din si Vice Herbert, humihingi ako ng advice sa kanila, pati yung anak ni Tito Sotto, si Lala, di ba nag-councilor yun? Sabi niya, 'I-try mo!' Sabi ko hindi basta-basta... kumbaga, sa showbiz, magulo na nga, 'tapos kapag pumasok ka pa ng pulitika, doble!
"Sinabi ko rin naman sa daddy ko, and ang sabi niya sa akin, 'Nasa 'yo naman kung gusto mo talagang tumakbo, okey lang!' Kung kakayanin ko daw.
"Parang tingin ko, mahirap. Maraming nagtutulak sa akin kasi konti lang yata yung tatakbo sa district namin, kaya may malaking chance."
Kahit pala ang daddy niya, may mga humihikayat na noon pa na tumakbo sa pulitika.
"Before, may nagko-convince kay Daddy sa Bulacan, pinapatakbo siya parang governor ng Malolos, pero ayaw niya, okey na daw siya sa trabaho niya."
Pero hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na pumasok siya sa pulitika.
"Nagtanong ako kung madali lang. Kailangan mo pa pala kumuha ng special school for two weeks para pag-aralan mo kung ano ba ang ginagawa ng isang konsehal, kung ano ba yung papasukin mong mundo. Basically, sabi ko pag-aaralan ko muna, tingnan muna natin."
360 DEGREE TURN IN ALL ABOUT EVE. Three hundred sixty-degree turn ang role ni Keempee from Bahay Mo Ba 'To and Lalola to All About Eve. Sa dalawang unang nabanggit na show, bading ang role niya, pero ngayon, isa naman siyang barakong manyakis sa All About Eve.
"Oo nga, e, nasanay kasi sila na bading ang role ko, 'tapos ano naman dito, extreme playboy. Ha-Ha-Ha! Ako yung pinaka-neutral sa lahat, since si Alfred [Vargas] yung pinaka-bestfriend ko ditto. Yun, sa kanila [Sunshine Dizon, Iza Calzado, Mark Anthony Fernandez and si Alfred nga] umiikot talaga yung istorya. Ako lang yung medyo pang-comic relief, pang-kalma sa kanila kapag sila'y nag-aaway-away."
Kasama rin of course sa All About Eve ang mga bigating artista na sina Ms. Eula Valdes, Jean Garcia at Richard Gomez. Si Keempee, marami raw siyang ka-love team sa All About Eve.
"Marami, playboy ako dito kaya madami. May mga baguhan kunwari na staff o kaya kapag gumimik kami nina Alfred. Ako yung parang B.I. [bad influence] kay Alfred. Masyado kasing concentrated kay Sunshine, so para mawala naman sa isip niya paminsan-minsan, hinihila ko siya sa mga girls."
Hindi naman kaya true-to-life din ang pagigging chickboy at B.I. ni Keempee?
"Hindi naman," natatawa pa nitong sinabi bilang pagtatapos sa aming panayam.
