"Challenging siyempre ito, because I believe, mas mahirap ang role ng kontrabida. Kailangang maging effective ka, na nabubuwisit na talaga sa 'yo yung mga tao. Pag nagalit ang fans ni Shaina, okey lang, ibig sabihin, effective ako," says Bangs Garcia about her role in Kambal sa Uma.

Photo: Noel B. Orsal

Kontrabida ang papel na ginagampanan ni Bangs Garcia sa bagong teleseryeng mapapanood na this April sa ABS-CBN, ang Kambal sa Uma. First time daw na todo ang pagkakontrabida niya sa isang palabas, as she plays the role of Ynez, at ang inaaway niya rito ay ang isa sa mga bida, si Shaina Magdayao.

"Wala pa namang sinasabing may sampalan, pero ako nga mismo, inaabangan ko," tila natutuwa pang sabi ni Bangs. "Sa umpisa pa lang, may inggit na ako sa character na ginagampanan niya, as Vira, yung father kong umampon sa kanya, parang mas inaasikaso pa siya kaysa akin.

"Which, hindi naman genuine love yun, kung hindi kino-consider niya ang character ni Shaina as his black charm," sabi pa ni Bangs na lalong nagbigay ng interesting info sa background ng istorya ng bagong teleserye ng Kapamilya network.

Nakahanda na ba si Bangs na kasuyaan ng fans ni Shaina sa role na gagampanan niya?

"Naisip ko na rin 'yan," nakangiting sabi ni Bangs. "Na-try ko na rin sa Palos 'yan, naging playful ang character ko roon, bago natapos.

"Naging hero rin sa huli, pero yung twist ng character, nagbigay ng chance sa akin para magkontrabida. Pero, todo ako rito, from start to finish.

"Challenging siyempre ito, because I believe, mas mahirap ang role ng kontrabida. Kailangang maging effective ka, na nabubuwisit na talaga sa 'yo yung mga tao. Pag nagalit ang fans ni Shaina, okey lang, ibig sabihin, effective ako," at natawa pa siya.

Hindi raw lalaki ang pag-aawayan nila sa istorya. More on the attention of parents.

"Ang twist ng character ko rito, parang nagkagusto ako kay Matt [Evans, kapareha ni Melissa Ricks sa said soap]. Hindi ko rin sure kung may anggulo kay Jason [Abalos]. Alam mo naman sa soap opera, anything is possible," sabi pa niya.

GETTING MELISSA'S IRE. Baka awayin siya ni Melissa na gaya sa ipinang-intriga kay Roxanne Guinoo noong ginagawa nila ang Palos noon. Na-link kasi si Jake Cuenca noon kay Bangs.

"Uy, walang ganoon!" tawa nang tawa si Bangs. "Maski nang magkaroon ng isyung ganoon, never akong inaway ni Roxanne. Pinalaki na lang ng press yun."

Sa totoo lang, nag-react naman talaga si Roxanne noon. Paano kung may kissing scenes din sina Matt at Bangs? Baka ikaimbyerna yun ni Melissa at awayin siya?

"Wala naman sigurong ganoon," muling napahalakhak si Bangs. "In case manligaw si Matt? Hindi rin, kasi, we're really friends.

"Cute si Matt, pero more than that, wala akong nararamdamang ganoon. You know. Naku, wala akong naiisip na ganyan," sabi pa niya.

PREFERS MESTIZOS. Pero, inamin ni Bangs, tipong mestizo ang type niya. Hindi malayong ganoon ang mangyari kung magkalapit ang loob nila ni Matt na isang tisoy, di ba?