Kontrabida ang papel na ginagampanan ni Bangs Garcia sa bagong teleseryeng mapapanood na this April sa ABS-CBN, ang Kambal sa Uma. First time daw na todo ang pagkakontrabida niya sa isang palabas, as she plays the role of Ynez, at ang inaaway niya rito ay ang isa sa mga bida, si Shaina Magdayao.
"Wala pa namang sinasabing may sampalan, pero ako nga mismo, inaabangan ko," tila natutuwa pang sabi ni Bangs. "Sa umpisa pa lang, may inggit na ako sa character na ginagampanan niya, as Vira, yung father kong umampon sa kanya, parang mas inaasikaso pa siya kaysa akin.
"Which, hindi naman genuine love yun, kung hindi kino-consider niya ang character ni Shaina as his black charm," sabi pa ni Bangs na lalong nagbigay ng interesting info sa background ng istorya ng bagong teleserye ng Kapamilya network.
Nakahanda na ba si Bangs na kasuyaan ng fans ni Shaina sa role na gagampanan niya?
"Naisip ko na rin 'yan," nakangiting sabi ni Bangs. "Na-try ko na rin sa Palos 'yan, naging playful ang character ko roon, bago natapos.
"Naging hero rin sa huli, pero yung twist ng character, nagbigay ng chance sa akin para magkontrabida. Pero, todo ako rito, from start to finish.
"Challenging siyempre ito, because I believe, mas mahirap ang role ng kontrabida. Kailangang maging effective ka, na nabubuwisit na talaga sa 'yo yung mga tao. Pag nagalit ang fans ni Shaina, okey lang, ibig sabihin, effective ako," at natawa pa siya.
Hindi raw lalaki ang pag-aawayan nila sa istorya. More on the attention of parents.
"Ang twist ng character ko rito, parang nagkagusto ako kay Matt [Evans, kapareha ni Melissa Ricks sa said soap]. Hindi ko rin sure kung may anggulo kay Jason [Abalos]. Alam mo naman sa soap opera, anything is possible," sabi pa niya.
GETTING MELISSA'S IRE. Baka awayin siya ni Melissa na gaya sa ipinang-intriga kay Roxanne Guinoo noong ginagawa nila ang Palos noon. Na-link kasi si Jake Cuenca noon kay Bangs.
"Uy, walang ganoon!" tawa nang tawa si Bangs. "Maski nang magkaroon ng isyung ganoon, never akong inaway ni Roxanne. Pinalaki na lang ng press yun."
Sa totoo lang, nag-react naman talaga si Roxanne noon. Paano kung may kissing scenes din sina Matt at Bangs? Baka ikaimbyerna yun ni Melissa at awayin siya?
"Wala naman sigurong ganoon," muling napahalakhak si Bangs. "In case manligaw si Matt? Hindi rin, kasi, we're really friends.
"Cute si Matt, pero more than that, wala akong nararamdamang ganoon. You know. Naku, wala akong naiisip na ganyan," sabi pa niya.
PREFERS MESTIZOS. Pero, inamin ni Bangs, tipong mestizo ang type niya. Hindi malayong ganoon ang mangyari kung magkalapit ang loob nila ni Matt na isang tisoy, di ba?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
60 myramae
59 totallyfab
I like Bangs!
58 sapphire_j
57 legend_raugaj
56 homemaker
bakit kaya di inaalagaan ng mga kapamilya pepsters ang mga starlets nilang nafefeature dito sa pep?
ayan tuloy nilalangaw ang article.
55 custard
go bangs, good luck
54 checkababe
jedraz
March 30, 2009
10:41 AM ikaw caliente, cno kba? saang planeta ka ba nanggaling? bumalik kna lng sa planetang URANUS kc ndi ka bagay d2 sa Earth. kung di mo xa kilala wag kna magcomment
----------
sino ba sya, baka sya talaga ang taga URANUS..ehehe
53 olachiks
52 shoujoy13
51 slms324
lolz...
nauuso kasi ang jogjogan ngaun eh, wa care kung me asawa man or wala.
50 olachiks
49 chingkay75
48 nuk_chcobot07
47 asos
kawawa lang ang producer ng show na ito.
di ito kakagatin..puro pacute.
tumamlay na ang todo aktingan ng ABS,gone were the days.
46 kapamilyaito
45 bananashake
44 ibyang
43 darkman501
42 darkman501
jedraz
March 30, 2009
10:41 AM ikaw caliente, cno kba? saang planeta ka ba nanggaling? bumalik kna lng sa planetang URANUS kc ndi ka bagay d2 sa Earth. kung di mo xa kilala wag kna magcomment
-----
ako rin po magtatanong kung sino sya? origin nya?
wag magalit ha? nagtatanong lang po.
41 crystalgale
more comments