PEP is ready if Annabelle Rama and Richard Gutierrez decide to sue

Rose Garcia
Thursday, April 02, 2009 @ 05:57PM  |  25701 views

"Ang posisyon ng PEP dito, kung umabot sa korte, nakahanda naman tayong dumepensa. Iba-iba ang rason ng tao sa pagdedemanda. So far, wala pang natatanggap na notice ang PEP or si Jo-Ann. May proseso naman sa ganyan. Siguro, saka na lang pag-usapan ang mga detalye kapag nandiyan na kung anuman ang mga dapat sagutin," says PEP legal counsel, Atty. Sandy Olaso-Coronel.














Pagkatapos magbigay ng public apology ng editor in-chief ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Ms. Jo-Ann Maglipon noong Martes ng hapon, March 31, hindi pa rin dito natatapos ang usapin sa pagitan ng PEP at ng talent manager na si Annabelle Rama.

Ang naturang isyu ay may kaugnayan sa "inadvertent uploading" ng artikulo tungkol sa diumano'y naganap na gulo sa pagitan nina Richard Gutierrrez at Michael Flores sa birthday party ng Zorro director na si Mark Reyes.

Pinanghawakan ni Ms. Maglipon ang naging salita ni Annabelle na kapag naibigay na nila ang public apology sa mismong website ng PEP at pagharap niya sa TV, hindi na magsasampa ng demanda si Annabelle. Pero kasalukuyan pa lang nagpe-press conference si Ms. Maglipon ay nagpahayag na si Annabelle—through Royale Era publicist Jun Lalin, who was also present at the said press conference—na posibleng ituloy pa rin nito ang pagpa-file ng demanda. Ayon kay Jun, "hindi masaya" si Annabelle sa apology na ginawa ni Ms. Maglipon dahil wala namang retraction sa isyu na naganap. (Click here to read related story.)

Kagabi, April 1, ay lumabas na rin dito sa PEP ang artikulo kung saan nakasaad na itutuloy nga ni Annabelle at ng kanyang anak na si Richard ang pagsasampa ng demanda laban sa PEP dahil sa "insufficient" daw ang ginawang apology ni Ms. Maglipon. (Click here to read related story.)

Ayon kay Annabelle, bilang manager at ina ni Richard ay siguradong magpa-file ng kaso. Posibleng magdemanda rin si Richard kung kaya't magkahiwalay pa ang pagpa-file nila ng case.

THE STAND OF PEP. Ngayong umaga, April 2, sinubukan ng writer na ito na kausapin si Ms. Maglipon upang kunin ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Annabelle. Pero sa halip na si Ms. Maglipon mismo ang sumagot sa mga katanungan namin, she said na mas mabuti kung ang lawyer na lang ng PEP na si Atty. Sandy Olaso-Coronel ng Yorac, Arroyo, Chua, Caedo, & Coronel Law Firm ang magbigay ng pahayag on her behalf.

Nang makausap na namin si Atty. Coronel, tinanong namin siya kung ano ang masasabi niya sa balitang tuloy raw ang pag-file ng demanda ni Annabelle laban sa PEP.

"Well, habang umaasa ang PEP that Annabelle will keep her promise to Jo-Ann, kung talagang magdedemanda siya, sasagutin natin ang habla. Naka-ready naman ang PEP na depensahan ang sarili nito," sabi ng abogado ng PEP.

Ano ba ang masasabi niya sa artikulo na lumabas sa PEP noong Linggo ng hapon? Ani Atty. Coronel, "Ang PEP, ang obligasyon ng PEP sa publiko ay mag-deliver ng balita tungkol sa sinumang artista. They were just doing their job nang in-investigate nila ang insidente. Doon sa public apology, inaamin naman ng PEP na nagkaroon ng pagkukulang sa pagsunod sa standard operation nila in uploading an article. Hindi yun nasunod, aminado ang PEP. Pero, hindi mo maiaalis na may istorya na dapat isulat."

Ang tila kinukuwestiyon ngayon ay ang hindi pagre-retract ni Ms. Maglipon sa kanyang interview at ng PEP sa lumabas na article. Ang gusto kasi ni Annabelle ay hindi lamang apology sa hindi sinasadyang pagkaka-upload kaagad ng artikulo kundi linisin ang pangalan ni Richard at sabihin na walang katotohanan ang naturang artikulo.

"I think, never na nagkaroon ng commitment na may retraction. Jo-Ann was very clear sa readers na PEP is sorry to them kasi hindi na-deliver yung standard procedure sa pag-a-upload. The apology to Richard Gutierrez, Michael Flores, and Epy Quizon ay dahil nabanggit agad ang pangalan nila sa istorya ukol sa pangyayaring hindi pa naman kumpleto ang research.

"But, PEP cannot apologize for something na hindi nila ginawa. Hindi imbento ang istorya kaya we cannot apologize in the manner na gusto ni Ms. Rama, hindi pwedeng sabihin na basta hindi nangyari ang insidente. Nagkulang lang naman kasi ang PEP doon sa biglaang pag-a-upload," paglilinaw ni Atty. Coronel.

Kung magsasampa nga ng kaso sina Annabelle at Richard laban sa PEP, handa ba ang PEP dito?

"Our position is, we have a legal defense that we will stand up in court. Nasa kampo na nila Ms. Rama kung sa palagay na nila, their case has any basis. Sila naman ang magdedesisyon kung paaabutin pa nila ang usaping ito sa korte. Hindi natin sila hinahamon na magdemanda, pero kung magdedemanda talaga, nasa kanila 'yon kasi nakahanda naman tayong dumepensa sa PEP. We strongly believe, hindi naman tayo nag-abuse ng ating rights as journalists."

Sa kabila ng ginawang public apology ni Ms. Maglipon at ng PEP, may banta pa rin ng demanda si Annabelle. Bilang lawyer ng PEP, naniniwala ba siyang tama lang ang ginawang public apology ni Ms. Maglipon?   

1  2  Next »

Related Articles

221 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name