Richard Gutierrez says PEP apologized for the wrong reasons

Jojo Gabinete
Thursday, April 02, 2009 @ 07:07PM  |  36034 views

 

"Ang lahat po ng 'yon ay imbento lamang. Bilib nga ako sa gumawa noon dahil ang ganda ng imagination niya. Pero kung anuman ang nakasulat doon, I'm sure, kung anuman ang totoo, lalabas," says Richard Gutierrez about a report posted here in PEP.

Photo By: Noel Orsal













Umalis kanina, April 2, si Richard Gutierrez papuntang Los Angeles, California. Mula sa L.A., tutuloy siya sa East Coast dahil sila ni Rhian Ramos ang special guests sa show ng Eat Bulaga! sa Atlantic City.

Kasamang umalis ni Richard ang kanyang bunsong kapatid na si Ritchie Paul. Inihatid sila sa Centennial Airport ng kanilang ina na si Annabelle Rama.

Sinalubong si Richard sa international airport ng staff and crew ng mga news programs at showbiz-talk shows na matagal nang naghihintay sa kanyang pahayag at reaksiyon tungkol sa report ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 29, na diumano'y nagkaroon sila ng "altercation" ni Michael Flores sa birthday party ng Zorro director na si Mark Reyes the night before, Saturday, March 28.

"Ang lahat po ng 'yon ay imbento lamang. Bilib nga ako sa gumawa noon dahil ang ganda ng imagination niya. Pero kung anuman ang nakasulat doon, I'm sure, kung anuman ang totoo, lalabas.

"Unang -una po, gusto ko pong klaruhin na nagkaroon kami ng agreement ng PEP na binigyan namin sila ng chance para sabihin kung ano yung totoo. Si Ms. Jo-Ann Maglipon po ay nag-apologize for the wrong reasons.

"She apologized na hindi niya nakuha ang side namin. Hindi niya sinabi na nagkamali sila at imbento yung mga nakasulat sa PEP at fabricated story at false journalism ang nangyari. So, abangan na lang po natin ang mga susunod na hakbang sa pagbabalik ko," pahayag ni Richard. (Click here to read related story.)

Sa panayam kay Annabelle, kinumpirma nito na magsasampa sila ni Richard ng magkahiwalay na kaso laban sa PEP dahil sinira raw nito ang pangalan ng kanyang anak.

Ayon kay Annabelle, nabasa ni Richard sa Internet ang artikulo ng PEP noong Linggo at galit na galit siya.

Sa interview ni Ruffa Gutierrez sa isang showbiz talk show, sinabi nito na umiyak si Richard sa kanilang ina dahil sa report ng PEP. Talagang galit at disappointed daw ang kanilang pamilya sa nangyaring balita  noong Linggo.

1  

Related Articles

439 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name