PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez says PEP apologized for the wrong reasons

Annabelle Rama confirmed earlier announcement that she and Richard will file separate suits against PEP.
by Jojo Gabinete
Published Apr 2, 2009
"Ang lahat po ng 'yon ay imbento lamang. Bilib nga ako sa gumawa noon dahil ang ganda ng imagination niya. Pero kung anuman ang nakasulat doon, I'm sure, kung anuman ang totoo, lalabas," says Richard Gutierrez about a report posted here in PEP.

Umalis kanina, April 2, si Richard Gutierrez papuntang Los Angeles, California. Mula sa L.A., tutuloy siya sa East Coast dahil sila ni Rhian Ramos ang special guests sa show ng Eat Bulaga! sa Atlantic City.

Kasamang umalis ni Richard ang kanyang bunsong kapatid na si Ritchie Paul. Inihatid sila sa Centennial Airport ng kanilang ina na si Annabelle Rama.

Sinalubong si Richard sa international airport ng staff and crew ng mga news programs at showbiz-talk shows na matagal nang naghihintay sa kanyang pahayag at reaksiyon tungkol sa report ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 29, na diumano'y nagkaroon sila ng "altercation" ni Michael Flores sa birthday party ng Zorro director na si Mark Reyes the night before, Saturday, March 28.

"Ang lahat po ng 'yon ay imbento lamang. Bilib nga ako sa gumawa noon dahil ang ganda ng imagination niya. Pero kung anuman ang nakasulat doon, I'm sure, kung anuman ang totoo, lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unang -una po, gusto ko pong klaruhin na nagkaroon kami ng agreement ng PEP na binigyan namin sila ng chance para sabihin kung ano yung totoo. Si Ms. Jo-Ann Maglipon po ay nag-apologize for the wrong reasons.

"She apologized na hindi niya nakuha ang side namin. Hindi niya sinabi na nagkamali sila at imbento yung mga nakasulat sa PEP at fabricated story at false journalism ang nangyari. So, abangan na lang po natin ang mga susunod na hakbang sa pagbabalik ko," pahayag ni Richard. (Click here to read related story.)

Sa panayam kay Annabelle, kinumpirma nito na magsasampa sila ni Richard ng magkahiwalay na kaso laban sa PEP dahil sinira raw nito ang pangalan ng kanyang anak.

Ayon kay Annabelle, nabasa ni Richard sa Internet ang artikulo ng PEP noong Linggo at galit na galit siya.

Sa interview ni Ruffa Gutierrez sa isang showbiz talk show, sinabi nito na umiyak si Richard sa kanilang ina dahil sa report ng PEP. Talagang galit at disappointed daw ang kanilang pamilya sa nangyaring balita noong Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang lahat po ng 'yon ay imbento lamang. Bilib nga ako sa gumawa noon dahil ang ganda ng imagination niya. Pero kung anuman ang nakasulat doon, I'm sure, kung anuman ang totoo, lalabas," says Richard Gutierrez about a report posted here in PEP.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results