"Hindi naman addicting ang indie, ang addicting ay yung pag-arte ng iba't ibang role that is being offered to me. Yun ang nagugustuhan ko sa mga indie films dahil nagkakaroon ako ng chance bilang actor na magawa yung iba't ibang klase ng characters," says Joross Gamboa about his roles in indie films.
Joross Gamboa explores capacity as actor in indie films
Saturday, April 4, 2009
12:49 PM
Rating
Kasalukuyang nasa Panglao Island sa Bohol ang aktor na si Joross Gamboa. Noong Martes, March 31, pa siya dumating doon para mag-shooting ng kanyang independently produced international film na A Far Away Life.
Si Joross lang ang masasabing mainstream actor sa naturang pelikula, na karamihan ay local actors and actresses ng Bohol, including his leading lady. Ayon kay Joross, bukod daw sa magaling umarte ay napakaganda rin ng kanyang kapareha.
Ang director at scriptwriter ng A Far Away Life ay si Tim Fitzharris, isang landscape artist at photographer sa U.S. First venture niya as a director ang A Far Away Life. Ang kuwento ng pelikula ay inspired ng kanyang Filipina wife.
Ayon kay Joross, English daw ang mga dialogue nila sa movie dahil intended talaga na ipalabas ito sa U.S. at sa Mexico.
"Pero magkakaroon kami ng dalawang versions ng movie in terms of the ending. May chance din kasi na baka maipalabas siya sa Bohol Film Festival kung matatapos nang maaga. Aside from that, plano rin siyang isali sa mga film festivals abroad," kuwento nga ni Joross.
Idinagdag din ng Star Circle Quest alumnus na masaya ang experiences niya working with the cast and crew of A Far Away Life, at ang kagandahan ng Bohol.
"Na-appreciate ko lalo ang ganda ng Pilipinas, lalo na dito sa Bohol na bilang mga Filipino, hindi natin dapat i-take for granted. It's a different experience to work with an American director because their Hollywood style is that their talents need to be well-rested before every shoot at hindi puwedeng puyatan.
"Actually, hindi ako sanay dahil super hyper ako at sanay siyempre sa tuluy-tuloy na taping. Pero masaya ako dahil yung experience ko ngayon, parang work, at the same time, bakasyon na rin," natutuwang pag-amin niya.
INDIE FILMS. Katatapos lang din halos ni Joross gumawa ng dalawang indie films—ang Sumpa with Mocha at Pasang Krus na kasalukuyang showing sa piling sinehan. Addictive na ba para sa kanya ang paggawa ng ganitong klase ng mga pelikula?
"Hindi naman addicting ang indie, ang addicting ay yung pag-arte ng iba't ibang role that is being offered to me. Yun ang nagugustuhan ko sa mga indie films dahil nagkakaroon ako ng chance bilang actor na magawa yung iba't ibang klase ng characters. Pero masarap pa rin namang gumawa ng mga commercial movies, like yung You Changed My Life, ibang fulfillment din meron."
Yun nga lang, kahit paano ay may panghihinayang si Joross na dahil sa commitment niya with this film, isang series sa ABS-CBN ang hindi natuloy na makasama siya.
"Nagkaroon na kasi ng conflict sa schedule. Nauna namang dumating yung offer for the indie film. At that time, wala pa talaga yung series, kailan lang dumating. Nakakahinayang, siyempre, pero ako kasi ang taong naniniwala na kung para sa akin talaga ang isang bagay, para talaga sa akin. Kung hindi para sa akin, gagawa sila ng paraan para sa akin pa rin!" natatawang biro niya.
"Siyempre, nakakahinayang pero, yun nga, baka hindi talaga para sa akin at naniniwala naman ako na may ibang opportunity pa rin na darating."
During the premiere night of Pasang Krus, marami ang naghahanap sa kanya sa movie dahil towards the end na lang halos lumabas ang character niya. Nandoon din siya mismo sa premiere night. In a way, na-satisfy ba siya sa napanood niya in terms of his exposure?
"Happy naman ako sa kinalabasan ng movie at napakagaling na artista ni Ms. Rosanna Roces. Yung movie, para sa kanya naman talaga yun. Kumbaga ako, isa lang ako sa mga anak niya. Pero sa mga anak niya, ako yung naging susi para mabuo ulit ang pamilya. Bilib din ako kay Direk Buboy Tan.
"Para sa akin naman, ang importante ay nagampanan ko ang role na ibinigay sa akin whether it's a small role or a big role. At masasabi kong proud ako to be part the movie," pahayag niya.
Marami rin ang nakapansin dahil kasama niya ang non-showbiz and model girlfriend sa naturang premiere night. Bago yun, na-link siya sa mismong producer ng movie. Intensiyon niya bang isama ang girlfriend para maipakitang walang katotohanan ang isyu sa kanila ng producer ng movie?
"Hindi naman," sagot ni Joross. "Isinama ko siya dahil unang-una, gusto ko rin naman na mapanood niya yung movie. Nagkataon na wala siyang schedule that night. Then, after that, may importante rin kaming pinuntahan. Nagpunta kami sa wake ng husband ni Direk Cathy Garcia, na naging director ko sa A Very Special Love at You Changed My Life."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- President Noynoy Aquino III turns nostalgic at GMA Network's book launching
- Coco Martin denies being the "third party" in Kris Aquino's separation from James Yap
- (PART 3) Kris Aquino irritated by pregnancy rumor HOT
- (PART 2) Kris Aquino answers rumors linking her to different men HOT
- (PART 1) Kris Aquino says her sons did not ask for James when they were on U.S. vacation HOT
- Toni Gonzaga enjoys hosting The Buzz
-
Looking Back
Raymond Lauchengco and his shift from pop-rock stardom to balladeer
The balladeer looks back at the glory days of his career.
-
PEP Finder
Carmen Soriano still sways to the rhythm
...and she's happy to be performing again.
-
Starbiz
Mickey Perz shares passion for dancing in his dance studio
Mickey Perz doesn't see himself much of an actor, so he focuses on dancing.
Most Popular
- Pilipinas, Win Na Win! to replace Wowowee starting July 31
- Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address
- Kim Chiu and Gerald Anderson experiencing "rough times" says PEP source
- Pokwang on Mo Twister's alleged "ugly" comment: "Baka pag nakita niya ako sa personal, ma-in love siya sa akin!"
- Dina Bonnevie admits ex-husband Vic Sotto still has soft spot in her heart
- Comedian Redford White has passed away at 54
- Gov. Chavit Singson on son Ronald: "I hope na nagdusa na siya nang husto at hindi na mauulit ito."
- PEP EXCLUSIVE: Kris Aquino slams pregnancy rumors
- Piolo Pascual apologizes to KC Concepcion but says son Iñigo has no Twitter account
- Robin Padilla admits courting Mariel Rodriguez
Advertisement




