PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo feels the pressure on her movie sans John Lloyd Cruz

Bea talks about the movie "And I Love You So."
by Melba R. Llanera
Published Apr 5, 2009
"To tell you honestly, lalo na nung una, pressured ako when I heard na gagawa ako movie. Pero inisip ko na lang na sobrang na-in love ako pagkatapos kong marinig yung story, sobrang na-in love ako sa materyal niya. Hindi ko na inisip yung pressure or kung anuman ang kalakip niya after showing this movie. Iniisip ko na lang kung paano ko siya gagawin ng maayos, kung paano lalabas na quality talaga yung movie," says Bea Alonzo abput her next movie project.

Kung ang pakikipagtambal ni John Lloyd Cruz kay Sarah Geronimo sa A Very Special Love at You Changed My Life ay naging certified blockbusters, marami naman ang nag-aabang sa pelikula ni Bea Alonzo with Sam Milby and Derek Ramsay, ang And I love You So. Aminado si Bea na nakakaramdam siya ng malaking pressure dahil hindi niya kasama this time si John Lloyd, na perennial screen partner niya.

"To tell you honestly, lalo na nung una, pressured ako when I heard na gagawa ako movie. Pero inisip ko na lang na sobrang na-in love ako pagkatapos kong marinig yung story, sobrang na-in love ako sa materyal niya. Hindi ko na inisip yung pressure or kung anuman ang kalakip niya after showing this movie. Iniisip ko na lang kung paano ko siya gagawin nang maayos, kung paano lalabas na quality talaga yung movie.

"After One More Chance [her last movie with John Lloyd], na sobrang mahal na mahal ko si Basya, heto, paano ko mamahalin si Lara para mabigyan ko ng justice? May na-interview kasi kami na talagang totoong nangyari sa kanya yung nangyari sa character sa movie. Habang kausap ko siya, masasalamin mo yung pain. Ang pressure sa akin, sana kahit one-fourth man lang ng ipinakita at ishinare niya sa amin, mai-share ko sa buong mundo. Mas pressured ako dun," pahayag ni Bea sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Bea, ito ang pinaka-heavy na pelikula niya. Hindi raw kasi biro-biro ang mga pinagagawa sa kanya ni Direk Lauren Dyogi. Balita rin na may love scene silang gagawin dito ni Sam.

"Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung paano namin gagawin, ni wala akong idea kung paano namin gagawin. Pangalawa, kinakabahan ako kasi di ko alam kung paano siya lalabas. Paano kung hindi ko maibigay kay Direk Lauren yung gusto niyang ibigay ko? Hindi ko alam, ayoko muna siyang isipin. We're going to the States for the Heartthrobs concert. Siguro pagbalik namin, 'saka namin isu-shoot. Dun ko na lang siya poproblemahin.

"It's a very mature movie, so ang daming bagay na ginawa ko for the first time. Natatakot ako pag iniisip ko, pero pag ginagawa ko, nawawala yung takot. Kasi si Direk Lauren yung director, e, sobrang parang tatay ko na yun. 'Saka isa pa, kumportable naman ako kay Sam because he's a friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nahihirapan ako in other things, like we just shot yung pinakamahirap, yung pinakamabigat na eksena. Direk Lauren asked me to isolate myself for the day, nasa kuwarto lang ako, I was not allowed to talk to anyone. Bawal galawin yung phone, bawal manood ng TV. All I have to do was to listen to sad music. Sabi niya, 'Umiyak ka kung kung gusto mong umiyak kahit off-screen, kasi gusto ko pagdating mo sa set, pagod na pagod ang hitsura mo sa kaiiyak, mugto yung mata mo at bawal mag-makeup," lahad ni Bea.

Kapansin-pansin din ang pagbawas ng timbang ni Bea. Para bumagay sa character niyang Lara ay nag-diet talaga siya and she's planning na mag-gym habang nasa Los Angeles siya this Holy week.

"Hindi lang dahil sa love scene. Gaya nga ng sinabi ko, yung character ko is namatayan. So siyempre, pag namatayan ka, wala kang ganang kumain. I'm doing this to justify the role.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Gaya nga sa One More Chance, nagpapayat ako dun para sa character ko. And just like in Betty [La Fea], si Betty walang pakialam sa hitsura niya, nahihirapan nga ako kasi kailangan kong bumalik sa iba namang pagkatao na gagawin ko. Nakatulong si Direk Lauren kasi sobrang istrikto siya. So, lahat ng tao sa set, nagda-diet.

"We're planning kami ni Sam, sa Heartthrobs concert sa States, na magdyi-gym kami habang nasa hotel. Exciting kasi makakapag-exercise ako. I do yoga, kaya lang hindi na siya on a regular basis gaya ng dati," sabi ni Bea.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"To tell you honestly, lalo na nung una, pressured ako when I heard na gagawa ako movie. Pero inisip ko na lang na sobrang na-in love ako pagkatapos kong marinig yung story, sobrang na-in love ako sa materyal niya. Hindi ko na inisip yung pressure or kung anuman ang kalakip niya after showing this movie. Iniisip ko na lang kung paano ko siya gagawin ng maayos, kung paano lalabas na quality talaga yung movie," says Bea Alonzo abput her next movie project.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results