PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelu de Leon exerts double effort in portraying kontrabida character

She also decribes the changes that she saw in her former "T.G.I.S." co-star Dingdong Dantes.
by Nitz Miralles
Published Apr 7, 2009
Angelu de Leon (in photo) decribes the changes that she sees in her former "T.G.I.S." co-star Dingdong Dantes. The actress also believes that Marian Rivera is misunderstood.


Pinanood ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, kung saan ipina-kidnap ni Heleen (Angelu de Leon) si Proserfina (Marian Rivera). Paulit-ulit ang eksena't hindi pumayag si Direk Joyce Bernal hangga't di napi-perfect ang eksena.

Kung pagod si Marian sa tuluy-tuloy na pag-iyak at dalawang kamay na nakatali paitaas, pagod din si Angelu sa mahabang dialogue na may kasamang sigaw habang may hawak na baril.

Bago lumipat sa ibang location ang cast, na-interview ng PEP si Angelu na tuwang-tuwa sa mangyayari sa kanyang character. Nagbiro itong sa soap opera lang siya naghahabol ng lalake dahil in real life, siya ang hinahabol ng kalalakihan. Marami pa raw mangyayari kina Heleen, Proserfina at Homer (na ginagampanan ni Dingdong Dantes).

Wala pa bang umaaway sa kanya na fans nina Marian at Dingdong?

"Meron, pero 'pag nakikita ako, ang sinasabi lang [nila] ay ang sama-sama ko at ang nakakatuwa, hindi sila galit. Tapos, pinapansin nila ang weight ko, ang payat ko na raw."

Ano ang dating sa kanya pag sinasabing ang sama-sama niya?

"Isang malaking compliment dahil pinaghihirapan ko ang character ni Heleen at gusto kong the best acting ang ibigay ko. Mahirap maging kontrabida dahil pati pagtawa mo, kailangang bigyan ng emotion. May isang eksena na sabi ni Direk Joyce, evil laugh ang gawin ko, di ko magawa dahil kailangang double effort at di ako palasigaw. Sumakit ang throat ko after that scene."

"Heto pa, hindi ko gagawin in real life ang pinaggagawa ni Heleen dito. We are totally different. Si Heleen ay walang bahid ni Angelu, ni magdamit magkaiba kami. Kaya nalo-lost ako minsan sa dialogue. Big challenge sa akin ito."

Ano ang reaction ng mga anak niyang sina Nicole at Louise 'pag napapanood siya as the bad Heleen?

"Sabi ng mga anak ko, 'that's totally not like you.' Sa Super Inggo pa lang, yun na ang reaction nila. Hindi ko sila masyadong pinapanood dito sa Ang Babaeng... dahil sa story, pero nakakatuwa na pati sila nagugulat sa akin."

Paano kung ma-type cast siyang kontrabida?

"Nakakalungkot dahil 'yun ang dini-dictate ng industry natin and I don't mind din naman, kaya lang, I wanna do something else."

Nakasama ni Angelu si Dingdong sa T.G.I.S. dati at nag-marka sa kanya ang hitsura nitong totoy pa at sa gitna ang hati ng buhok. Sa mga naunang eksena nila sa ABHSAT, yun ang naaalala niya lalo na't may kissing scene sila na kanyang ikinatatawa. Natatawa rin daw ang actor 'pag ikinuwento niya.

Working with Dingdong now, ano ang nakita niyang pagbabago?

"He's always been quiet at nakikita ko ang maturity sa kanya. Sa taping, kita mong he's into his character. He studies his script at talagang pinag-aaralan."

First time makatrabaho ni Angelu si Marian, ano ang masasabi niya sa actress?

"Nakakagulat dahil iba siya sa mga naririnig ko dati. It's nice to know the real Marian. Pare-pareho kaming Leo nina Dingdong at Marian, kaya naiintindihan kong straightforward siya, prangka at makulit. Misinterpreted siya at mabuti hindi ako naniwala sa mga naririnig ko tungkol sa kanya. Nakalulungkot na agad siyang hinuhusgahan at may label agad," pahayag ni Angelu.


SEARCHING FOR "GODLY" MAN. Napunta sa personal ang usapan at inulit ni Angelu ang sinasabi sa interview na loveless siya ngayon at sa dalawang anak at career siya naka-focus. Hindi siya naghahanap ng boyfriend ngayon dahil masaya siya being single.

"But, of course, I wanna get married someday. I wanna wear the white gown, but I'd rather be the perfect partner than a beautiful bride. I'm not looking for a boyfriend, but a family life with someone I love. I always pray to God na bigyan ako ng godly man, a godly partner. Yun na lang ang hinihingi ko at di ko rin type yung unang liligawan ang family ko, it's very fake!" pagtatapos ni Angelu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Angelu de Leon
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelu de Leon (in photo) decribes the changes that she sees in her former "T.G.I.S." co-star Dingdong Dantes. The actress also believes that Marian Rivera is misunderstood.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results