Gina Pareño sees lovelife as "problema" and acting as "inspiration"

Alex Datu
Wednesday, April 08, 2009 @ 05:32PM  |  14993 views

Two weeks after she received her Best Supporting Actress (Serbis) from the Hong Kong Asian Film Festival, Gina Pareño is still elated over her victory. She says acting is her inspiration in life.

Photo By: Alex Datu













Looking fresh si Ms. Gina Pareno nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa debut ni Hanna Calayan, ang anak nina nina Drs. Manny and Pie Calayan, na ginanap sa Hotel Sofitel Philippine Plaza Manila noong April 3.

Naka-luau dress ang aktres dahil yun ang theme ng nasabing okasyon. Ilang linggo matapos siyang parangalan bilang Best Supporting Actress sa Hong Kong Asian Film Festival ay ramdam pa rin niya ang excitement.

"Madalian" yung pagpunta nito sa Hong Kong dahil hindi nasunod ang original niyang plano na umalis ng bansa apat na araw bago ganapin ang awards night. 

Aniya, "Dapat four to five days kami doon. Ang kaso, hindi ako pinayagan ng Tayong Dalawa, kasi regular ako doon, eh.  Priority ko yun kasi, una kong natanggap yun. MWF (Monday, Wednesday, and Friday)  ang taping namin kaya pinayagan akong dalawang araw lang. Yung alis mo [ngayon], kinabukasan, biyahe ka uli, balikan..."

Bago raw siya umalis noong Sunday, March 22, ay nag-ASAP pa siya para sumama sa pagpapasalamat ng cast ng Tayong Dalawa sa suporta ng mga manonood. Doon na raw siya sa studio nagpa-makeup at nagpaayos ng buhok, at pagdating sa Hong Kong ay nag-retouch na lang.   

Wala raw siyang ideya noon kung mananalo siya pero dahil na-invite siya ay karangalan na iyon para sa veteran actress.

Ang kuwento ni Gina, "Wala pang Filipino na nananalo since una hanggang ngayon pero ngayon, nakapasok tayo. Ito ang magiging little ano...Oscar. Siya ang Asian Oscar."

Tuwang-tuwa siya nang dumating sa Hong Kong at napabulalas pa siya ng salitang "sosyal'" dahil sinalubong siya ng magarang Mercedes Benz at mga security guards. Sobrang pampered daw siya at impressed siya dahil very organized ang pamunuan ng Asian Film Festival.

"Ang itinerary namin kinabukasan ay 10:00 a.m., pictorial; 3:00 p.m., interview; 6:00 p.m. red carpet...at tuloy-tuloy, awarding na 'yon. 'Tapos, noong awarding at dahil nanalo tayo, kailangan sumama tayo doon sa pa-party nila sa 14th Floor ng Grand Hyatt, doon sa laki-laking swimming pool. Ang dami-daming tao, ngarag-ngaragan ako hanggang alas kuwarto ng umaga. Hindi naman ako makaalis, sasabihin 'suplada ka'. 

"Burlog na ang hitsura namin ni Jacklyn [Jose]. Ang hirap pala ng ganun, parang dumaan lang ang Hong Kong sa 'yo.  Ito lang ang trip ko sa Hong Kong na hindi nakapamasyal at nakapag-shopping."

MOTIVATION IN LIFE.  Inamin ng aktres na late bloomer siya pagdating sa kanyang showbiz career dahil kung kailan siya nagka-edad ay doon rumatsada sa kanyang pangungulekta ng acting awards. Kaya lang, pagdating sa tunay na edad ay tikom ang kanyang bibig.

"Ayyy, ewan ko sa 'yo. Are you talking to me?  Nasa eighteen pa lang ako," sabi niya sabay tawa. "Kung looking young pa ako, eh, likas 'yan. Hindi pa ako nagparetoke sa Calayan niyan, hanggang laser lang ako at saka tenor.  I like Tenor very much.  Ito yung machine na pina-firm ang skin mo."

Acting daw ang motivation niya sa buhay, at parati daw siyang excited tuwing may shooting. Tuwang-tuwa nga siya sa pagkakasali niya sa pelikulang Forever Friends nina Sharon Cuneta at Ai-ai delas Alas.  Kasali rin siya sa upcoming movie ni Vic Sotto na isang comedy. At siyempre, busy pa rin siya sa taping ng Tayong Dalawa.

Sabi niya sa PEP, "Nakaka-inspire ang umarte. Walang love life, huwag mo akong bigyan ng problema. Hindi sa ayaw, hindi sa problema pero I'm fine, okey lang. I'm fulfilled pero hindi ko lolokohin ang sarili, kapag tumitibok-tibok ang puso ko at saka may lumiligaw, go gurl, go!"

Inamin nito na sa kanyang pagpunta-punta sa mga international filmfest ay may ilang pumuporma sa kanya pero hindi niya ito agad pinapansin kaya "cut agad." Iniisip din niyang magiging hadlang lang daw ang love life sa kanyang busy schedule.

1  2  Next »

Related Articles

80 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name