Looking fresh si Ms. Gina Pareno nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa debut ni Hanna Calayan, ang anak nina nina Drs. Manny and Pie Calayan, na ginanap sa Hotel Sofitel Philippine Plaza Manila noong April 3.
Naka-luau dress ang aktres dahil yun ang theme ng nasabing okasyon. Ilang linggo matapos siyang parangalan bilang Best Supporting Actress sa Hong Kong Asian Film Festival ay ramdam pa rin niya ang excitement.
"Madalian" yung pagpunta nito sa Hong Kong dahil hindi nasunod ang original niyang plano na umalis ng bansa apat na araw bago ganapin ang awards night.
Aniya, "Dapat four to five days kami doon. Ang kaso, hindi ako pinayagan ng Tayong Dalawa, kasi regular ako doon, eh. Priority ko yun kasi, una kong natanggap yun. MWF (Monday, Wednesday, and Friday) ang taping namin kaya pinayagan akong dalawang araw lang. Yung alis mo [ngayon], kinabukasan, biyahe ka uli, balikan..."
Bago raw siya umalis noong Sunday, March 22, ay nag-ASAP pa siya para sumama sa pagpapasalamat ng cast ng Tayong Dalawa sa suporta ng mga manonood. Doon na raw siya sa studio nagpa-makeup at nagpaayos ng buhok, at pagdating sa Hong Kong ay nag-retouch na lang.
Wala raw siyang ideya noon kung mananalo siya pero dahil na-invite siya ay karangalan na iyon para sa veteran actress.
Ang kuwento ni Gina, "Wala pang Filipino na nananalo since una hanggang ngayon pero ngayon, nakapasok tayo. Ito ang magiging little ano...Oscar. Siya ang Asian Oscar."
Tuwang-tuwa siya nang dumating sa Hong Kong at napabulalas pa siya ng salitang "sosyal'" dahil sinalubong siya ng magarang Mercedes Benz at mga security guards. Sobrang pampered daw siya at impressed siya dahil very organized ang pamunuan ng Asian Film Festival.
"Ang itinerary namin kinabukasan ay 10:00 a.m., pictorial; 3:00 p.m., interview; 6:00 p.m. red carpet...at tuloy-tuloy, awarding na 'yon. 'Tapos, noong awarding at dahil nanalo tayo, kailangan sumama tayo doon sa pa-party nila sa 14th Floor ng Grand Hyatt, doon sa laki-laking swimming pool. Ang dami-daming tao, ngarag-ngaragan ako hanggang alas kuwarto ng umaga. Hindi naman ako makaalis, sasabihin 'suplada ka'.
"Burlog na ang hitsura namin ni Jacklyn [Jose]. Ang hirap pala ng ganun, parang dumaan lang ang Hong Kong sa 'yo. Ito lang ang trip ko sa Hong Kong na hindi nakapamasyal at nakapag-shopping."
MOTIVATION IN LIFE. Inamin ng aktres na late bloomer siya pagdating sa kanyang showbiz career dahil kung kailan siya nagka-edad ay doon rumatsada sa kanyang pangungulekta ng acting awards. Kaya lang, pagdating sa tunay na edad ay tikom ang kanyang bibig.
"Ayyy, ewan ko sa 'yo. Are you talking to me? Nasa eighteen pa lang ako," sabi niya sabay tawa. "Kung looking young pa ako, eh, likas 'yan. Hindi pa ako nagparetoke sa Calayan niyan, hanggang laser lang ako at saka tenor. I like Tenor very much. Ito yung machine na pina-firm ang skin mo."
Acting daw ang motivation niya sa buhay, at parati daw siyang excited tuwing may shooting. Tuwang-tuwa nga siya sa pagkakasali niya sa pelikulang Forever Friends nina Sharon Cuneta at Ai-ai delas Alas. Kasali rin siya sa upcoming movie ni Vic Sotto na isang comedy. At siyempre, busy pa rin siya sa taping ng Tayong Dalawa.
Sabi niya sa PEP, "Nakaka-inspire ang umarte. Walang love life, huwag mo akong bigyan ng problema. Hindi sa ayaw, hindi sa problema pero I'm fine, okey lang. I'm fulfilled pero hindi ko lolokohin ang sarili, kapag tumitibok-tibok ang puso ko at saka may lumiligaw, go gurl, go!"
Inamin nito na sa kanyang pagpunta-punta sa mga international filmfest ay may ilang pumuporma sa kanya pero hindi niya ito agad pinapansin kaya "cut agad." Iniisip din niyang magiging hadlang lang daw ang love life sa kanyang busy schedule.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
80 alexangel
biyaya ng lupa is a filipino classic directed by manuel silos which also also mario montenegro and fernando poe sr if i'm not mistaken and it swept other awards like best film in that year's asian film festival in the 60's.
peps, you have to watch this film which i do as a film student.
re ms gina, i find her amazing to have rebounded from her mistakes in the past. tama yan, career na lang wag na lovelife kasi matanda na tayo.
79 gma7whereyoubelong
78 hotshot0017
lahat ng tao may karapatan mag bago
kaya ikaw KAPUSO di pa huli ang lahat para mag bago..itama mo ang iyang mga kasalanan...may bukas pa para syo
PEACE of mind be with you
GOD bless you KAPUSO
lola gets..love you
galeng mo
the best ka
77 trinoma_rat
76 agassi
75 gma7whereyoubelong
74 marchioness
73 kunana_met
teLL dat to marines..LoLs!
wak n paLa baka ipahunt k nya kina dave at JR LoLs!
72 blackdiamond0206
71 gma7whereyoubelong
70 albinobabe
----
ay ako kabaligtaran...
i see my lovelife as an inspiration and my job as problema
69 mariesays
tryland and shobizaddict: magsitigil kayong dalawa! di kayo nagkakaintindihan. para sa akin,yung comment ni shobizaddict eh hindi naman nagda-down sa mga squatters. sinabi lang ata nya na parang impossible na gawin ng mga squatters in real life yun ginawa ni lola gets sa buffet table. weird naman tryland yung comment mo. baka na-misunderstood mo lang.basahin mo ulet ok??
68 ms_kikay
67 13poisonous_hyacinth13
humanda ka Ingrid sa paniningil ng Tunay ng Mrs David Garcia..
Marlyn turuan ng leksyon ang babaeng baliw na si Ingrid.hehehe
66 olachiks
65 gma7whereyoubelong
64 niceako_ikaw
my time is not complete with out watching TD.
63 emjay24
GO GIRL!
62 niceako_ikaw
61 dreamsatellitetaiwan
ang galing mo pa rin....
sana buhay kapa sa TAYONG DALAWA
binangga ka kasi ni ingrata este ingrid pala
more comments