PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Pareño sees lovelife as "problema" and acting as "inspiration"

The veteran actress would not let a man interfere with her busy schedule.
by Alex Datu
Published Apr 8, 2009
Two weeks after she received her Best Supporting Actress (Serbis) from the Hong Kong Asian Film Festival, Gina Pareño is still elated over her victory. She says acting is her inspiration in life.

Looking fresh si Ms. Gina Pareno nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa debut ni Hanna Calayan, ang anak nina nina Drs. Manny and Pie Calayan, na ginanap sa Hotel Sofitel Philippine Plaza Manila noong April 3.

Naka-luau dress ang aktres dahil yun ang theme ng nasabing okasyon. Ilang linggo matapos siyang parangalan bilang Best Supporting Actress sa Hong Kong Asian Film Festival ay ramdam pa rin niya ang excitement.

"Madalian" yung pagpunta nito sa Hong Kong dahil hindi nasunod ang original niyang plano na umalis ng bansa apat na araw bago ganapin ang awards night.

Aniya, "Dapat four to five days kami doon. Ang kaso, hindi ako pinayagan ng Tayong Dalawa, kasi regular ako doon, eh. Priority ko yun kasi, una kong natanggap yun. MWF (Monday, Wednesday, and Friday) ang taping namin kaya pinayagan akong dalawang araw lang. Yung alis mo [ngayon], kinabukasan, biyahe ka uli, balikan..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago raw siya umalis noong Sunday, March 22, ay nag-ASAP pa siya para sumama sa pagpapasalamat ng cast ng Tayong Dalawa sa suporta ng mga manonood. Doon na raw siya sa studio nagpa-makeup at nagpaayos ng buhok, at pagdating sa Hong Kong ay nag-retouch na lang.

Wala raw siyang ideya noon kung mananalo siya pero dahil na-invite siya ay karangalan na iyon para sa veteran actress.

Ang kuwento ni Gina, "Wala pang Filipino na nananalo since una hanggang ngayon pero ngayon, nakapasok tayo. Ito ang magiging little ano...Oscar. Siya ang Asian Oscar."

Tuwang-tuwa siya nang dumating sa Hong Kong at napabulalas pa siya ng salitang "sosyal'" dahil sinalubong siya ng magarang Mercedes Benz at mga security guards. Sobrang pampered daw siya at impressed siya dahil very organized ang pamunuan ng Asian Film Festival.

"Ang itinerary namin kinabukasan ay 10:00 a.m., pictorial; 3:00 p.m., interview; 6:00 p.m. red carpet...at tuloy-tuloy, awarding na 'yon. 'Tapos, noong awarding at dahil nanalo tayo, kailangan sumama tayo doon sa pa-party nila sa 14th Floor ng Grand Hyatt, doon sa laki-laking swimming pool. Ang dami-daming tao, ngarag-ngaragan ako hanggang alas kuwarto ng umaga. Hindi naman ako makaalis, sasabihin 'suplada ka'.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Burlog na ang hitsura namin ni Jacklyn [Jose]. Ang hirap pala ng ganun, parang dumaan lang ang Hong Kong sa 'yo. Ito lang ang trip ko sa Hong Kong na hindi nakapamasyal at nakapag-shopping."

MOTIVATION IN LIFE. Inamin ng aktres na late bloomer siya pagdating sa kanyang showbiz career dahil kung kailan siya nagka-edad ay doon rumatsada sa kanyang pangungulekta ng acting awards. Kaya lang, pagdating sa tunay na edad ay tikom ang kanyang bibig.

"Ayyy, ewan ko sa 'yo. Are you talking to me? Nasa eighteen pa lang ako," sabi niya sabay tawa. "Kung looking young pa ako, eh, likas 'yan. Hindi pa ako nagparetoke sa Calayan niyan, hanggang laser lang ako at saka tenor. I like Tenor very much. Ito yung machine na pina-firm ang skin mo."

Acting daw ang motivation niya sa buhay, at parati daw siyang excited tuwing may shooting. Tuwang-tuwa nga siya sa pagkakasali niya sa pelikulang Forever Friends nina Sharon Cuneta at Ai-ai delas Alas. Kasali rin siya sa upcoming movie ni Vic Sotto na isang comedy. At siyempre, busy pa rin siya sa taping ng Tayong Dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya sa PEP, "Nakaka-inspire ang umarte. Walang love life, huwag mo akong bigyan ng problema. Hindi sa ayaw, hindi sa problema pero I'm fine, okey lang. I'm fulfilled pero hindi ko lolokohin ang sarili, kapag tumitibok-tibok ang puso ko at saka may lumiligaw, go gurl, go!"

Inamin nito na sa kanyang pagpunta-punta sa mga international filmfest ay may ilang pumuporma sa kanya pero hindi niya ito agad pinapansin kaya "cut agad." Iniisip din niyang magiging hadlang lang daw ang love life sa kanyang busy schedule.

"Basta marami yun. Kaya lang hindi ako interesante. May taga-Belgium, si Robert yun, pero ayaw ko siyang pag-usapan, change the topic," pagmamayabang niya sabay halakhak.

HER INSPIRATION. May karagdagan sa pamilya ng aktres. Maliban sa kanyang dalawang anak na sina Raquel at Michael, mga aso ang kanyang bagong pinagtutuunan ng kanyang oras.

Itinuturing niyang kapamilya ang mga ito kaya nalungkot daw talaga siya noong mamatay ng isa sa mga alagang aso na nagngangalang Saki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Alam mo ba, iniyakan ko pa at ibinurol ko yun ng tatlong araw. Naintindihan naman ito ng mga anak ko, dahil ito ang nakakapagpapaligaya sa akin. Ang pinaka-nanay, si Tara, my Love. Namatay yung Saki kong una, eh, yun ang pinaka-love ko, iniyakan ko talaga.

"'Tapos yung isang naiwan sa akin si Tara, babae [at] nag-baby siya ngayon ng tatlo—si Oreo, si Saki na pinangalan ko uli para buhay ang pangalan noong namatay kong aso, saka yung pangatlo ay nakalimutan ko ang pangalan, maliit pa kasi, eh.

"Kung natutulog ako, nasa puwet ko yung isa, nasa tumbong ko yung isa, nasa ulo ko, nasa kili-kili ko. Sumisiksik sila sa kin."

Ayon sa multi-awarded actress, happiness niya ang mga bago niyang mga "anak," maliban pa siyempre sa kanyang dalawang anak at apat na apo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two weeks after she received her Best Supporting Actress (Serbis) from the Hong Kong Asian Film Festival, Gina Pareño is still elated over her victory. She says acting is her inspiration in life.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results