After ng pocket presscon ng upcoming Hapontastic teleserye na Kambal sa Uma na ginanap kahapon, April 7, sa Proud Mary Diner sa Tomas Morato Extension, Quezon City, nakatuwaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tanungin ng mga slumbook questions ang dalawang bida sa naturang serye na sina Shaina Magdayao at Melissa Ricks.
Magkahiwalay na na-interview ng PEP ang dalawang dalaga para tingnan na rin kung magkakaroon sila ng mga magkatugmang sagot since kambal ang roles na ginagampanan nila sa Kambal sa Uma.
Noong una ay natatawa pa ang dalawa nang sabihin ng PEP na parang slumbook ang itatanong sa kanila. Pero game namang sumagot sina Shaina at Melissa.
Ano ang role mo sa Kambal sa Uma?
Shaina: Ako si Vira, isang babaeng itinuturing na suwerte ng pamilyang kumupkop sa akin. May taglay na kagandahan si Vira, ngunit sa likod ng kagandahang ito ay may itinatago siyang isang madilim na sikreto.
Melissa: Ako si Ella, na kakaiba yung hitsura ko dito dahil ako yung mukhang daga talaga. Pero kahit ganun yung hitsura ni Ella, masunurin siya at mabait. Pangarap niya rito na makasama ang kanyang twin sister na si Vira.
Gaano ka-challenging ang role mo?
Shaina: Very challenging kasi kung tutuusin, parang dalawang klase yung pine-play ko na role. Kasi pag nandun ako sa school at kaharap ko yung mga kaibigan ko, strong yung personality ko. Pero pag nasa bahay, inaapi ako. So, makikita niyo na si Vira, defense mechanism niya yung strong personality kasi nga sa bahay inaapi pala siya. Madugo po ito pero exciting. Yung prosthetics, yung buhok sa likod ko, it takes one hour to put it on.
Melissa: So far, siguro po ang role na ito ang pinaka-challenging na natanggap ko. Inaamin ko na nahihirapan po ako dito pero I'm doing my best naman. Mahirap din siya physically dahil sa prosthetics. It takes two hours to put it on and one hour to take it off. Meron po kasi akong malaking tenga at buntot dito plus yung mga balahibo. Sa acting, very dramatic din.
KUNG ISA KANG...ANO KA? After ng ilang tanong about Kambal sa Uma, ang sumunod namang mga tanong ng PEP sa dalawa ay kung paano nila ire-relate ang sarili nila depende sa sasabihin naming word.
Kung isa kang ulam, ano ka?
Shaina: Sinigang kasi yun ang favorite ko.
Melissa: Sweet and sour pork, kasi minsan you have your good moments, you have your bad moments.
Kung isa kang dessert, ano ka?
Shaina: Mango crepe, kasi sweet.
Melissa: Sansrival, kasi masarap siya at masarap akong kasama.
Kung isa kang prutas, ano ka?
Shaina: Singkamas, kasi maputi. Doon ako ipinaglihi, e.
Melissa: Strawberry, kasi matamis.
Kung isa kang drink, ano ka?
Shaina: Watermelon shake kasi matamis.
Melissa: Four seasons, kasi kumpleto.
Kung isa kang pabango, ano ka?
Shaina: DKNY, tama lang yung timpla. 'Yan ang pabango ko ngayon.
Melissa: Paris Hilton, kasi favorite ko si Paris Hilton.
Kung isa kang jewelry, ano ka?
Shaina: Diamond, kasi girl's best friend, di ba?
Melissa: Diamond, kasi diamonds are forever.
Kung isa kang gamit na pampaganda, ano ka?
Shaina: Curlers (or curlash), kasi pampaganda ko ng mata iyon. Iyon ang nakakabuka ng mata ko kahit walang makeup. So, hindi puwedeng mawala yun. At saka lip balm ko.
Melissa: Concealer, kasi kahit malungkot ako I always put on a smile for everyone. Kasi you can share a smile to make other people smile.
Kung isa kang damit, ano ka?
Shaina: Bench at saka Kashieca
Melissa: Penshoppe
Kung isa kang gamit sa bahay, ano ka?
Shaina: Rice cooker o kaya refrigerator. Rice cooker kasi hindi makakain ng masarap kasi walang kanin. Ref kasi hindi naman puwedeng isang buong bahay na walang ref.
Melissa: TV, kasi nag-e-entertain ako.
Kung isa kang gadget, ano ka?
Shaina: Blackberry or laptop, kasi very organized. Well, ako kasi yung nag-aayos ng schedule ko. Gusto ko lahat ng schedule ko alam ko. Tapos yung bills sa bahay ako na rin yung nag-aasikaso, kasi baka mamaya magkaroon ako ng disconnection notice. Nakalista dun lahat.
Melissa: Cellphone, kasi I like communicating with my friends. I like talking with my friends.
Kung isa kang bulaklak, ano ka?
Shaina: White rose, kasi parang napaka-pure and clean.
Melissa: Rose, kasi it starts as a bud 'tapos magbu-bloom siya.
Kung isa kang hayop, ano ka?
Shaina: Aso, kasi malambing. Well, ako mukhang masungit pero once you get to know me, iba from yung nakikita mo talaga. Puwede akong maging malambing tulad ng pet dog.
Melissa: Aso, kasi malambing at masayahin.
Kung isa kang parte ng katawan, ano ka?
Shaina: Mata, kasi sabi nga, "The eyes are the windows of the soul." Doon mo makikita yung expression ng tao, malungkot man siya, masaya man siya, galit. Ako kasi very real ako, e, what you see is what you get.
Melissa: Legs, kasi mahaba ang legs ko.
Kung isa kang kanta, ano ka?
Shaina: Basta anything na mabilis, parang RnB Pop, para masaya.
Melissa: "Lucky" by Britney Spears, kasi I'm so lucky now sa career ko.
SHOWBIZ FAVORITES. Dumako naman tayo sa paborito mong mga idolo sa larangan ng showbiz.
Favorite Actor
Shaina: Christopher de Leon, Aga Muhlach
Melissa: Matt Evans
Favorite Actress
Shaina: Vilma Santos, Maricel Soriano, Lorna Tolentino
Melissa: Kristine Hermosa, Claudine Barretto, Anne Curtis
Favorite Movie
Shaina: 50 First Dates, The Notebook
Melissa: 50 First Dates
Dream Role
Shaina: Baliw
Melissa: Itong role ko sa Kambal sa Uma, kasi first time kong mag-portray na nakakaawa ako. Hindi ko pa na-experience yung ako yung inaapi. Kasi dati, lagi akong nang-aapi or ako yung mayaman.
Dream Movie
Shaina: Drama
Melissa: Gusto kong mag-action or comedy.
MUSHY. Let's get a little mushy naman...Ito na iyong mga tanong na kaabang-abang ang mga sagot.
What is love para sa iyo?
Shaina: Love is honest.
Melissa: Love is something that you can't explain. It's something na inaabangan ko sa buhay ko na dumating.
Sino ang pinaka-espesyal na guy sa buhay mo ngayon, bukod sa iyong daddy at kamag-anak?
Shaina: John Prats
Melissa: Matt Evans
Bakit espesyal si guy sa iyo?
Shaina: He makes me smile. He inspires me lalo na sa business kasi meron siyang billboard printing business, di ba? Ako naman, may Ystilo salon 'tapos yung 18-door apartment ko. Magkakaroon din ako ng laundry business, ang name niya Laundry & Alter. Pareho kasi kaming business-minded.
Melissa: Si Matt kasi best friend ko siya. Pag wala siya hinahanap ko siya. Nagbibiruan nga kami na package deal kami kasi nga mag-loveteam kami. Kami ang laging magkasama. Kami ang laging magkausap. Pag may problem ako, siya ang nakakaalam. Pag umiiyak ako, siya ang nagpapatahan. Pag may nang-aaway sa akin, ipinagtatanggol niya ako."
Starting April 20, mapapanood na sa Hapontastic block ng ABS-CBN ang Kambal sa Uma, na directed by Manny Palo at Rechie del Carmen.