SexBomb members Rochelle Pangilinan and Aifha Medina involved in Boracay scuffle


 
SexBomb leader Rochelle Pangilinan (in photo) and co-member Aifha Medina were reportedly involved in a scuffle earlier this afternoon, April 9, while taking a vacation in Boracay.

SexBomb members Rochelle Pangilinan and Aifha Medina involved in Boracay scuffle

Jojo Gabinete

Rating

Pagkatapos ng robbery case na isinampa ng isang security guard laban sa model-actor na si Andrew Wolff at sabunutan sa pagitan ng dating Bb. Pilipinas-World na si Danielle Castaño at ng isang residente ng Boracay, isa na namang gulo ang naganap sa Boracay Island kung saan may kasangkot na namang celebrities.

 

Ayon sa report na nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kaninang hapon, April 9, bandang ala-una y medya, ay nasangkot daw sa gulo ang mga SexBomb members na sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina.

 

Nangyari diumano ang insidente sa Crystal Sand Resort sa Boracay. Nag-umpisa raw ang gulo nang magpatugtog ng music sina Rochelle at Aifha, kasama ang kanilang kaibigan na kinilalang si Michelle Villanueva.

 

Malakas daw ang pagpapatugtog ng grupo nina Rochelle kaya nagreklamo ang customer na kinilalang si Joshua Calixto Formentira at sinabing naroroon sila sa Boracay para magpahinga.

 

Nang tumalikod si Joshua, narinig daw nito na may nagsabi na "bakla" siya. Ang akala ni Joshua, si Aifha ang nagsalita kaya hinarap niya ang SexBomb member.

 

Sa statement ni Michelle sa imbestigador ng kaso, akmang babatuhin daw ni Joshua ng bottled water si Aifah kaya bilang depensa, binato ng baso ng dancer sa mukha ang lalake. Inamin ni Michelle na siya at hindi si Aifha ang nagbitaw ng salita na ikinagalit ni Joshua.

 

Ang mga empleyado ng Crystal Sand Resort ang umawat sa mga nag-aaway. Dinala sa isang clinic sa Boracay si Joshua dahil kinailangang tahiin ang mga sugat  niya sa mukha. Nagpunta naman sina Rochelle, Aifha, at Michelle sa Boracay Police Station para pormal na ibigay ang kanilang mga panig tungkol sa naganap na kaguluhan.

 

Mapapanood sa Showbiz Central sa Easter Sunday, April 12, ang imbestigasyon at full account ng naganap na gulo dahil nainterbyu nina Malou Tibayan at Chot Salao ng Showbiz Central ang mga sangkot sa gulo.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
224 Comments
page    1    2    3    4    5   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement