Pagkatapos ng robbery case na isinampa ng isang security guard laban sa model-actor na si Andrew Wolff at sabunutan sa pagitan ng dating Bb. Pilipinas-World na si Danielle Castaño at ng isang residente ng Boracay, isa na namang gulo ang naganap sa Boracay Island kung saan may kasangkot na namang celebrities.
Ayon sa report na nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kaninang hapon, April 9, bandang ala-una y medya, ay nasangkot daw sa gulo ang mga SexBomb members na sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina.
Nangyari diumano ang insidente sa Crystal Sand Resort sa Boracay. Nag-umpisa raw ang gulo nang magpatugtog ng music sina Rochelle at Aifha, kasama ang kanilang kaibigan na kinilalang si Michelle Villanueva.
Malakas daw ang pagpapatugtog ng grupo nina Rochelle kaya nagreklamo ang customer na kinilalang si Joshua Calixto Formentira at sinabing naroroon sila sa Boracay para magpahinga.
Nang tumalikod si Joshua, narinig daw nito na may nagsabi na "bakla" siya. Ang akala ni Joshua, si Aifha ang nagsalita kaya hinarap niya ang SexBomb member.
Sa statement ni Michelle sa imbestigador ng kaso, akmang babatuhin daw ni Joshua ng bottled water si Aifah kaya bilang depensa, binato ng baso ng dancer sa mukha ang lalake. Inamin ni Michelle na siya at hindi si Aifha ang nagbitaw ng salita na ikinagalit ni Joshua.
Ang mga empleyado ng Crystal Sand Resort ang umawat sa mga nag-aaway. Dinala sa isang clinic sa Boracay si Joshua dahil kinailangang tahiin ang mga sugat niya sa mukha. Nagpunta naman sina Rochelle, Aifha, at Michelle sa Boracay Police Station para pormal na ibigay ang kanilang mga panig tungkol sa naganap na kaguluhan.
Mapapanood sa Showbiz Central sa Easter Sunday, April 12, ang imbestigasyon at full account ng naganap na gulo dahil nainterbyu nina Malou Tibayan at Chot Salao ng Showbiz Central ang mga sangkot sa gulo.






sobrang down to earth yang batang yan.,,kung makikilala nyo lang siya,very kind person!!
pagnakilala nyo sa personal masasabi nyong napakabait,wala kang masasabi!
Tulungan nyo na lang syang magkaroon ng good manners and right conduct.
Ganyan cguro sila pinalaki ng magulang nila - aifha at rochelle- kung meron man, bwahahaha
ayan, nagladlad ng totong kulay ---kulay burak!!
isang beses lang naman nagkaroon ng prob ang PEP sa pagpo-post. naisip ba natin kung ilang scoop na ang naibigay nila na may katotohanan? i also hope mailabas ng PEP ang katotohanan sa last na controversy nila.
alam naman ng lahat na kahit lenten season eh talagang magulo sa bora sa dami ng tao.
Mga walang pinag aralan tlaga...
Anyway ano ba ang breeding ng mga yan...