Isang email mula kay Joy Cancio ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, April 9. Si Joy ang manager ng SexBomb Dancers at minabuti niya na ikuwento ang panig ng kanyang mga alagang sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina tungkol sa gulo na nangyari kaninang hapon sa Crystal Sand Resort sa Boracay Island. (Click here to read related article.)
Ito ang panig nina Aifha at Rochelle sa pamamagitan ni Joy:
"April 8, 2009, Wednesday, nang dumating sina SexBomb Aifha at Sexbomb Rochelle sa Boracay. Nandoon na naghihintay ang ilang non-showbiz friends ng dalawa.
"Kinabukasan, April 9, bandang alas-dos ng hapon, an incident happened na muntik nang ikasira ng bakasyon ng dalawa.
"While on the shore, nagpapatugtog ng music sina Aifha at Rochelle using an iPod speaker. A moment later, may isang lalakeng sarcastic na nagsabing patayin daw nila ang music nila or else umalis sila.
"Sabi ni Aifha, 'Hindi ba pwedeng hinaan lang?' to which the guy answered 'No.' Umalis daw sila kung ayaw nilang patayin yung music. Sinabi pa ng guy na he is the owner of the resort Crystal Sand.
"Dahil ayaw masira ang kanilang kakasimula pa lang na bakasyon, the two (Rochelle and Aifha) decided na patayin na lang ang music. Tinanong nina Aifha sa isang girl na nagtatrabaho sa Crystal Sand kung totoong may-ari yung lalake at sinabi ng babae na hindi raw.
"So Aifha said hindi naman pala siya ang may-ari, e. Tuloy ang pagsasalita ng lalake at nagmumura pa siya saying things like, 'F**k that music!' Napikon ang kaibigan nina Rochelle at Aifha na si Mitch (Michelle Villanueva) at sinabi niyang, 'Bakla ka ba?'
"Akala ng guy, si Aifha ang nagsalita at sumugod na siya't nagsisigaw ng 'What did you say? What did you say?' Hawak ang isang mineral water bottle, pahampas na ang lalake kay Aifha nang biglang nagsalita si Mitch na siya nga ang narinig ng lalakeng nagtanong kung bakla siya at hindi si Aifha.
"Si Mitch ngayon ang sinugod ng lalake, pero naunahan siya ni Mitch at hinampas naman ng hawak nitong baso. Nagkagulo hanggang sa naawat naman. The sad thing about what happened is that komo sina SexBomb Rochelle at Aifha ang celebrity na naroroon, sila ang napansin. Maraming tao ang hindi na pinansin ang away nina Mitch at ng lalake at kung anu-ano nang espekulasyon ang lumabas.
"A simple misunderstanding na kung hindi daw sana nagmura ang lalake ay hindi humantong sa pagkapikon ni Mitch. Dahil nga nagkagulo, dinala sila sa presinto. Sinabi ni Mitch na huwag nang sumama sina Aifha at Rochelle, pero sumama ang dalawa dahil hindi naman nila kaya na pabayaan ang kaibigan pagkatapos nitong depensahan si Aifha. But Mitch cleared out na labas sina Aifha at Rochelle sa nangyari dahil away nila ito ng lalake. And Mitch is very much willing to clear the names of the two SexBomb Girls.
"Rochelle and Aifha want to clarify their names also dahil hindi sila basagulera na gaya ng iniisip ng iba. At hindi nila ugaling makipag-away. Ang pinunta nila sa Boracay ay bakasyon at pahinga mula sa busy schedule nila kaya sana daw 'wag natin silang pag-isipan ng kung ano. Dahil kaibigan naman nina Rochelle at Aifha si Mitch, natural lang na hindi nila ito maiwan na lang basta basta."
Ito naman ang pahayag ni Aifha nang tawagan siya ng staff ni Joy to know what happened:
"Kilala mo ako, 'Ma, hangga't kaya ko, nagtitimpi ako. Pero sobra naman ang ginawa ng lalake. Sinabi pa niya na sorry daw kami dahil hindi namin kilala ang binangga namin. E, hindi naman namin sila binabangga, e. Dahil lang sa music? Hindi naman niya kailangang magmura at sabihing may-ari siya ng resort dun. Pero kahit ganoon, hindi ako ang nanakit sa kanya, nahampas siya ng kaibigan ko, oo, pero para naman yun depensahan ako dahil talagang hahampasin niya ako ng bote ng mineral water. Nagkataon lang na naunahan siya ni Mitch."






sana nga naging anak ko na lang siya!!
very down to earth,walang arte!!
aminin ninyo na ang mga tao, in general, tho hindi lahat, tinitingnan kung sino ang kakantiin nila. kung alam nilang kakayan-kayanin ...ganun ang gagawin.
ang mga dancers...ang sex bomb na purposely kapag dancers dapat hindi kataasan kahit sa ballet that holds true...can not be weighted equally with that of big name stars like Richard Gomez...who would dare.
feeling nyo kung si richard o si gabby ang nagpatugtog ng napalakas, that gay right activist daw would even dare approach to saway???
oo lalapit siya...pero hihingi ng kiss!
MAPANG-API...parang langaw na tumuntong sa kalabaw at feeling malaki pa siya sa kalabaw
sino and disente? sino ang may pinag-aralan? sino ang mayabang?
people here who pretends...did you really watch the interview sa showbiz central?
sino ang tootoong sumagot st sino ang naggagalaiti?
this guy who admits he is gay and an activist daw but throws his weight around because 3times a year daw siya sa bora na nabubulok na sa dumi? at nakatira siya sa abroad with his mate?
hirap sa ingles at very pretentious at judgemental...PERO MALI PA RIN ang choice of words...
racial discrimination daw and sigaw ng hitad...shouldn't it be plain and simple discrimination of orientation ng gender? ang sex bomb? eh mga babaeng bakla sila na mahal ang mga bakla na TOTOO AT MABAIT
hellooo...hindi ka disente noh kahit takot pa sa iyo ang resident manager ng resort na yan
people like him are wolves in the sheep's skin!
based from this article...
halabira, kung ang isang tao, irregardless of gender, ay isang desente, maano na lang ba na sabihan ng maayos ang mga sb girls na hinaan ang music. kung siya ay hindi isang basagulero, maano man lang na nuong nagpaalam ang sb na kung pwedeng hinaan na lang ang music, seemingly a high-toned NO was the answer and obliging them to leave the space instead. umepal pa na siya ang may ari ng crystal bar. ano ang gusto nyang palabasin sa statement na ito? power trip lang? kung gay rights activist siya, dapat lang yata na umarte rin siya ng desente para sa ganuon ang mga ordinaryong tao ay rumerespeto at maging magandang siyang halimbawa sa mga gays na tulad niya. say, he's a leader of the gay movement, it doesn't give him the right to put his weight around and consider himself a high-ranking personality in a crowd.
i don't think it's derogatory. he was asked quot;bakla ka ba?quot; hindi siya tinawag na bakla. tinanong lang naman. sa korte may levera
having said that, ang ipinagtataka ko bakit sya nagalit kung natanong sya na bakla sya? e di ba totoo naman? palagay ko napahiya lang sya nung malamang hindi namna pala sya may ari ng resort. kaya naghanap na lang ng rason para maaway yung mga girls.