Chokoleit's mother killed in Davao fire

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, April 09, 2009 @ 11:43PM  |  234 views

 

Comedian Chokoliet received the sad news about his mother's death while he was enjoying his vacation in Boracay. Chokoleit's mother, Mrs. Erlinda Aguilar, was killed when their home in Davao City was hit by fire.

Photo By: Melo Balingit













Nakumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa mga kaibigan ng stand-up comedian na si Chokoleit ang report na namatay ang kanyang ina, si Mrs. Erlinda Aguilar, dahil sa sunog sa kanilang tirahan sa Matina, Davao City, kaninang hapon, April 9.

Kasalukuyang nasa Boracay si Chokoleit (Jonathan Tabanag sa totoong buhay) nang maganap ang trahedya. Ayon sa kaibigan ni Chokoleit na si John "Sweet" Lapus, nakakuha ng flight papuntang Manila ang comedian bukas ng umaga, April 10. Mula sa Manila ay didiretso na si Chokoleit sa Davao.

Narito ang text message na ipinadala ni Chokoleit sa kanyang mga kaibigan:

"Salamat sa pakikiramay. I have to be strong. With your prayers, kakayanin ko 'to. Masakit lang talaga at nawala na ang proudest mom at No. 1 fan ko... I will miss her."

Ayon sa report, na-trap sa second floor si Mrs. Aguilar, 67, habang tinutupok ng apoy ang kanilang tirahan sa Coca Cola Village sa Matina, Davao City.

Ayon sa salaysay ng dalawang apo ni Mrs. Aguilar na kinilalang sina Paolo Presbetero at John Array Presbetero, nanonood sila ng TV nang mapansin nila na nasusunog ang second floor ng kanilang bahay. Narinig din daw nila na humihingi ng saklolo ang kanilang lola. Ngunit wala raw silang nagawa dahil naka-lock daw ang pintuan ng kuwarto nito at sobrang init na raw ng apoy.

Ayon sa naunang imbestigasyon ng Bureau of Fire protection (BFP) ay posibleng nagsimula ang sunog sa electrical short circuit.

1  

Related Articles

114 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name