"Wala pang pelikula tayong ganito na napanood. Hindi puwedeng sabihin na, 'Ay, parang ganito 'yan! Ay, parang nakuha sa ganyan!' Ito, proud naming masasabi na bago yung idea, bago yung konsepto ng pagiging magkaibigan, hindi basta-basta," says director Wenn Deramas about working with Sharon Cuneta (inset, top) and Ai-Ai delas Alas (inset, bottom).

Photo: Noel Orsal

After the success of Ang Tanging Ina N'yong Lahat, isang pelikula ang tinatapos ngayon ni Direk Wenn Deramas. Ito ay ang Mother's day presentation ng Star Cinema, ang Best Friends Forever (BFF), na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Ai-Ai delas Alas.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Wenn, ibinahagi niya sa amin ang unang pagkakataon na makatrabaho ang Megastar at ang muling maidirek si Ai-Ai sa pelikula.

"It's the Mother's day presentation of Star Cinema," simula niya. "May 13 na kaya talagang go, go, go na kaming lahat. Ito na yung pinakahihintay naming lahat na pagsasama nina Sharon at Ai-Ai.

"Kami kasi ni Ai-Ai, pang-walo na naming movie ito. Pero ang nakakagulat dito ay si Mega. Hindi ako nang-iinggit, pero sa lahat ng naidirek siya, alam nila kung ano ang sinasabi ko. At sa mga hindi pa siya naididirek, ang sarap-sarap maging artista si Sharon Cuneta. Puro kami kuwentuhan at 'yan ang mahirap pigilan sa aming dalawa. Kasama sina Chokoleit and Joy Viado, lalo pa nandiyan si Ai-Ai. Tapos, nasa isang lugar lang kami, walang tigil na kuwentuhan.

"Masaya lagi sa set, wala kaming tension. Ibinibigay lahat ni Sharon, lahat ng hindi pa niya nagagawa sa pelikula. Sabi ko nga sa kanya, 'Naku, lagot ka Mega, mawawalan ka na ng offer sa drama after this movie! Puro comedy na!'"

Bago pa man simulan ang BFF ay sinasabi na pareho nina Sharon at Ai-Ai ang fondness na nararamdaman nila para sa isa't isa. Ayon kay Direk Wenn, nakatulong ito nang malaki para lumabas ang natural na rapport at chemistry between the two.

"Sobra!" bulalas niya. "Nag-first day kami, tinitingnan ko at ang sarap nilang panoorin. Kasi magkaibigan naman talaga sila, kumportable at gusto nila ang isa't isa. Minsan, nakikipagtrabaho ka sa isang artista na kailangan, kasi trabaho. Pero ito yung klase ng project na sobrang nag-e-enjoy kami, kasi gusto namin ang katrabaho namin, yung mga kasama namin, at sobrang saya."

NO PRESSURE. Halos lahat ng pelikulang idinirek ni Direk Wenn ay kumita sa takilya, lalo na ang Tanging Ina at ang sequel nitong Ang Tanging Ina N'yong Lahat, na parehong pinagbidahan ni Ai-Ai. Sa puntong ito, sinabi ni Direk Wenn na hindi siya nagpapadala sa pressure.

"Sa akin, yung kita, promise, hindi ko talaga 'yan pinagkakaabalahang isipin," aniya. "Mas siguro pa yung kung mas nakakatawa ba? Yun ang pressure. It's a good thing na dito sa Tanging Ina and Tanging Ina N'yong Lahat, walang nagsabi na mas nakakatawa yung una kesa sa pangalawa. Dahil ang nangyari, mas malaki ang kinita ng Part 2 kesa sa Part 1, na usually hindi ganun ang nangyayari. Tapos, pareho pa maganda ang reviews. Ang ano ko lang diyan, hindi naman ako gagawa ng Part 2 kung hindi talaga ka-Part 2-Part 2.

"Pagdating sa pressure, hindi ko na iniisip 'yan. Marami na rin naman akong nagawa, ang focus ko na lang diyan, ide-deliver ko ayon sa panlasa ng aking producer. Ngayon, alam ko na na kahit papaano ang panlasa ng masa. Trabaho na nila [producer] ang magbenta at kung paano ito ibebenta," saad ni Direk Wenn.

Tiniyak din ng direktor na bago ang mapapanood ng tao sa pelikulang ito nina Sharon at Ai-Ai.

"Una siyempre, sa mga napanood natin, si Ai-Ai lang ang nagpapatawa, si Ai-Ai lang ang nanay. Ngayon, dalawa na silang nanay. Hindi naman natin masasabing conflict, pero kung paano sila magiging mag-best friend. Pinag-usapan nga namin ni Sharon, ni Ai-Ai, ni Mel Mendoza [scriptwriter] na wala pang pelikula tayong ganito na napanood. Hindi puwedeng sabihin na, 'Ay, parang ganito 'yan! Ay, parang nakuha sa ganyan!' Ito, proud naming masasabi na bago yung idea, bago yung konsepto ng pagiging magkaibigan, hindi basta-basta."

GABBY'S CAMEO ROLE. Balita na may cameo role daw si Gabby Concepcion sa pelikulang ito nina Sharon at Ai-Ai. Totoo ba ito?   

"Wala pa akong nababalitaan, hindi pa natin alam," sagot ni Direk Wenn. "Nasa kalahati na tayo ng project. So, kung ako ang tatanungin, hindi ko alam. Kung mangyayari, why not? Ako pa ba ang tatanungin? Sharon-Gabby 'yan, pero siyempre maramai ring dapat i-consider na factors. Una na yung pakiramdam ni Sharon. Pangalawa, yung pakiramdam ni Gabby na kaibigan ko rin, gusto ba niya? Kung sila mismo ang magsasabi sa akin, why not?"

SEVENTH DIRECTOR. Bukod sa BFF, si Direk Wenn na pala ang nagdidirek ng Nurserye na ginagawa nina Judy Ann Santos at Derek Ramsay, ang Habang May Buhay. Ito ay pagkatapos ng ilang direktor na ring humawak nito.