news

Richard Gutierrez files P25-million libel case against PEP

by Jojo Gabinete posted on April 13, 2009  STATS: 73105 Views | 1150 Comments

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon," says Richard Gutierrez about the libel case he filed against PEP.

Photo By: Jojo Gabinete

Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.

Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.

Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.

Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.

Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.

"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.

"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.

"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.

"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

1150 Comments

  • 1150  gangers

    12/15/2009 | 12:41 AM
    hay naku na paka babaw na rason para mag demanda sya kung pwede namang pag usapan.sabihin nlang nya na gusto nila ng easy money,.mag workshop nalang sya para gumaling sya pag arte dahil walang reaction ang face nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1149  dongdai

    08/13/2009 | 08:54 PM
    naku richard wag kang magpapadala sa mama mo na mukhang pera...ndungisan tuloy image mo sa kakasunod mo sa unggoy mong ina.eh ngayon ano na ngyari sayo na karma kana kc c satanas lagi pinapanigan mo.mag prey naman kayo sa diyos kahit minsan.hay naku pamilya gutiriez dumating ng karma.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1148  juma_irah

    07/20/2009 | 04:18 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1147  ahmed862

    04/21/2009 | 06:24 PM
    nawawala na and kinang ng star ni richard dahil sa INA NIYA!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1146  magentagurly

    04/21/2009 | 05:42 PM
    All these specularions. Antay na lang tayo ng resulta ng investigation. Simple lang naman eh. If walang kwenta acting or itsura ni Richard, why would GMA keep getting him or not let him go na lang to the kabila? To even compare him to Dingdong or JOhn Lloyd no comparison yun kasi ibang caliber, ibang type din ng palabas nila. Proven nang top raters mga past shows ni RG sa 7. He didn't campaign to have all those TV viewers.lahat ng tao may FREE will, di lang nga PEPSTERS mga fans ni Richard at walang time mag po popost dito. Sayang din soguro kasi money nila mag internet cafe ipapanood na lang nila ng movie ni Chard or pangbili ng DVD ng When I Met You o imbes mag internet manood ng Zorro kaya? Tayong nagsusulat dito either nagmu multitask para wag boring ang work or WALA TALAGANG IBANG nagawa kundi mag post ng bad comments about the Gutierrezes... Baka may inaasahang bonus?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1145  cutenikaye

    04/21/2009 | 02:21 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1144  cutenikaye

    04/21/2009 | 02:18 AM
    kung ako nyan magtanong tanong muna sa mga taong involve saka mag post. di kay narinig nyo kung kay kaninokanino lang tapos post agad. ngayon kailangan nyo pa humanap ng additional SAKSI? kung mayron man ha sana totoo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1143  cutenikaye

    04/21/2009 | 02:16 AM
    o kung naghahanap sila ng information bakit di sila kahanap agad na umalis pa ng 10 days si richard. nong nagpost sila about richard ang bilis tapos ngayon maghahanap pa sila. eh ano ba yang rason na yan kahit bobong tao dapat di na maniwala dyan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1142  lucky_7

    04/20/2009 | 06:14 PM
    I totally agree that MARIAN RIVERA is the 1 STAR sa showbiz now at hind c Richard...mas higit na sikat pa nga c Dingdong or John Lloyd sa kanya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1141  shana_dee

    04/20/2009 | 08:22 AM
    hindi naman kasuklam suklam si anabil ha. pinaglalaban lang niya yung mga talents niya t anak. may katotohanan din naman yung ipinaglalaban niya.
    kaya nga mabuti yung sa korte na nila ayusin ang gulo.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1140  masajen2317

    04/19/2009 | 08:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1139  indaybaduday

    04/19/2009 | 08:23 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1138  square_round

    04/19/2009 | 05:49 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1137  jollypie

    04/19/2009 | 02:51 PM
    salamat naman pala at nagbabasa ba kayo ng mga comments dito o ngayun nalaman nyo na kung gaano kasuklam suklam si anabil tabil?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1136  jollypie

    04/19/2009 | 02:49 PM
    hay naku richar manang mana ka sa nanay mo sabagay di naman magbubunga ang santol ng mansanas
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1135  jayce

    04/19/2009 | 02:25 PM
    hi wannabeme

    seems like you're a hard core fan. i don't want to quot;takequot; you away from RG but i think you're eyesight is still clouded by thought's of RG's greatness or rather, good looks, we can't deny that... but i can't help but think that the truth is right under your or our nose but you still refuse to see it. perhaps, what you should do is look at the broader picture and link the recent events to this one.

    And yes, their family has the right to defend their name. And so is PEP. We don't want our media institutions be manipulated by a quot;powerful clanquot; do we?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1134  oopss

    04/19/2009 | 02:52 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1133  oopss

    04/19/2009 | 02:43 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1132  soprecious

    04/19/2009 | 12:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1131  sweetyspy

    04/18/2009 | 11:37 PM
    wannabeme

    hallo ngsorry nman kya cla, and un nga db ngsbi cla na kumakalap pa cla ng mga information abt sa issue na un!!!

    pero ang lola ntin at ang knyang anak eh ngdemanda... cguro kng dinaan na lng nila sa usapan eh d na lumaki ang problma..

    d na kc cla nasanay jan kya cla sa showbiz kumabaga public figure, pti pgtawa napapansin...

    gnon lng po Un.. w8t na lng ntin ang lawyer ng pep na sumagot sa mga katanungan ng nakararami kng bkit d nila mgawa ang hiling ni anabelle..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About