news

Richard Gutierrez files P25-million libel case against PEP

by Jojo Gabinete posted on April 13, 2009  STATS: 73010 Views | 1150 Comments

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon," says Richard Gutierrez about the libel case he filed against PEP.

Photo By: Jojo Gabinete

Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.

Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.

Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.

Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.

Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.

"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.

"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.

"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.

"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

1150 Comments

  • 750  2nyak17

    04/14/2009 | 02:42 PM
    is pep capable of paying 25m? next time research maiigi s news ha bago publish.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 749  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/14/2009 | 02:39 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 748  delray_beach

    04/14/2009 | 02:36 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 747  wondergirl

    04/14/2009 | 02:33 PM
    GO...Go...Go....PEP...huwag matakot sa mga Gutierrez na ito...God Bless at sana makarma ang pamilyang ito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 746  rotoscaper

    04/14/2009 | 02:32 PM
    well, wala naman sinabi ang pep na nagkatutukan ng baril in the first place. sa pagkaalala ko, quot;gun-totingquot; ang nakalagay. it means, nag pakita ng baril, hindi tinutok sa kung sino man.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 745  queenkimz

    04/14/2009 | 02:30 PM
    546
    sweetyspy
    April 14, 2009
    12:28 PM hmmm... queenkimz, u mean to say aside from d 25m they will file another case against pep??? 0h my gosh, prng sobrang laki nman yta non.. and just to tell u my opinion ha, i think they did nman dr part to apologize for the upload nga ng article abt chards, so bkit mas lumalaki pa yta ang issue na 2, eh pano nman kng napatunayan na may nging problma pla eh d counter dmanda nman dw ang pep, so bkit kc hnyaan pa nilang makrting sa korte.. 2loy damay2 na... hay buhay showbiz nga nman!!!
    ---------------------------------------
    dahil hindi happy si rama na hindi retract ng pep ang story na walang nangyaring tutukan ng baril.may point ang pep na bakit magretract e yan ang sabi ng source nila.ang mali ng pep ay upload ng story na hindi pa complete.dyan nanggagalaiti si rama.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 744  marimaris8

    04/14/2009 | 02:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 743  queenkimz

    04/14/2009 | 02:27 PM
    541
    rotoscaper
    not everthing is written is right.and not everything is said is right.theres more to this than meet the eye.yun lang masasabi ko.kaya malakas ang loob ng mga yan dahil may gusti silang papatunayan...this is pep and also a showbiz site.sana nga totoong may nangyari at magpapatunay na totoo ang sinasabi ng source ng pep dahil pag hindi galamay ni rama gumagalaw 24hours.dahil halos lahat ng pwede nila hilahin sa korte hihilahin nila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 742  lynea

    04/14/2009 | 02:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 741  maria_francesca

    04/14/2009 | 02:25 PM
    sobra2x nman yang 25M!.etong gutierrez talaga o..axn spix louder dan words!hehehe

    Naku katatapos lang po ng holywk.wala bang forgiveness?ang santo papa nga nkakapgforgive ng assasinator nia..kau na sulat lang yan eh pakaso2x na kayo..
    Sana mahulugan kau ng dose2xnang anghel para maging mabait na kau...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 740  adoboworld

    04/14/2009 | 02:21 PM
    Naku Richard kung gusto mong alagaan ang image mo, di dapat di ka naglalasing dahil may history ka na nawawala ka sa sarili at nananakit. Sisihin mo ang sarili mo. kung sa paninira ng image mo, ang sarili mong Ina na si Anabel pagsabihan mo dahil sya ang sumisira ng image mo, matagal na, dahil sa walang sawang pag iiskandalo nya at sa mga pinagsasabi nya at pagkakalat nya sa TV. Ngayon denemanda na sya ni Ms Wilma dahil pinagbantaan nya na itatali nya ito sa parking lot. Turn off ang mga fans mo. Sa demandang ito pinapatunayan mo lang at gagawin pang public document ang mga history ng physical injuries na ginawa mo pag nalalasing ka. Ilang beses na itong nangyari na ikaw ang may kagagawan natural lang na mabalita ka dahil artista ka. Wag mong sisihin ang PEP sa pagkatao mo. kung wala kang diciplina sa alak, wag kang uminom.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 739  pepato

    04/14/2009 | 02:21 PM
    gambie 595 . . .

    LOL!!! U made me laugh! =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 738  lynea

    04/14/2009 | 02:19 PM
    hmm ako naniiwala sa pep at sa source na talagang may nangyari. Ang kaso lang halos lahat ng dapat maging witness nasa Zorro hehe ang hirap yatang mawalan ng work ngayon crisis pa naman. Iba na kasi ngayon ehh When money talks everybody listen kumbaga. I believe may matibay na hawak din ang pep dahil di sila nag retract though wala naman silang sinabi directly sa na upload na totoo nga. I dont think din na ilalabas nila ang source dyan unless about our National Security yan, maski nga yon di pa rin naglalabas ng source ang mga journalist di ba. May napanood ako about that Nothing But Truth yata yo na maski nakulong na at nabugbog yon reporter talagang di sya umamin ewan ko lag kung ganyan din sa pinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 737  pepato

    04/14/2009 | 02:19 PM
    Naku I don't like Aljur pero maya mapunta lahat ng dapat projects ni chard sa kanya o sa ibang ginogroom ng GMA na artista dahil sa mg pinaggagagawa nyo.

    Tandaan bilog ang mundo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 736  dospoako

    04/14/2009 | 02:18 PM
    ilabas nyo na rin ang bala nyo PEP....o s korte nlng pra SURPRISE?hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 735  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/14/2009 | 02:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 734  gambie

    04/14/2009 | 02:14 PM


    may palagay akong malapit ng matapos ang karir ng Ritsard

    in ferness maganda ang facial expression ni Ritsard sa Zorro pag naka maskara
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 733  ruas19

    04/14/2009 | 02:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 732  peppito

    04/14/2009 | 02:04 PM
    25Million pesos..aba kumita pa ang mga Gutierez..7million lang kaso nila kay Ms.Wilma.. kung nagkataon tumataginting na 18million ang kikitain nila syempre less pa yung sa abogado nila pero kung tutuusin mas mabigat ang kaso ni Ms.Wilma laban kay Ms.Anabelle pero instead na criminal case ay ginawang civil nlng...para sa akin totoo yan may nangyaring gulo kaso natapalan na nila si Michael F. kaya abangan natin ang paglabas ni Michael sa Zorro...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 731  rotoscaper

    04/14/2009 | 02:04 PM
    I think pep will give nothing but a complete report on what happened that night.

    guaranteed.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About