news

Richard Gutierrez files P25-million libel case against PEP

by Jojo Gabinete posted on April 13, 2009  STATS: 73019 Views | 1150 Comments

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon," says Richard Gutierrez about the libel case he filed against PEP.

Photo By: Jojo Gabinete

Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.

Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.

Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.

Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.

Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.

"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.

"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.

"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.

"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

1150 Comments

  • 730  neophyte

    04/14/2009 | 02:03 PM
    Natamaan ba ng RECESSION itong mga Guitierrez??? I've heard they're not open to settlement!!! Aba pwede nga naman pagkitaan ito, why not!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 729  cornyanggma

    04/14/2009 | 02:03 PM
    if ever Richard wins this case,i don't think the court will grant him P25M that's just blown out of proportion.But PEP will still pay around 12-15M GUARANTEED!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 728  rizky

    04/14/2009 | 01:58 PM
    wow,daig pa nya nanalo sa loto!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 727  reality

    04/14/2009 | 01:58 PM
    okay sana retsard na ipaglaban mo ang karapatan mo pero nakaka Turn off ka sa laki ng hinihingi mong damage...grabe 25M...kamukha mo na ata nanay mo...mukhang pera...yaw ko na sau mula ng nambatok ka ng isang baguhang artista...nakakhinyang like pa nmn kita....hmpf!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 726  cornyanggma

    04/14/2009 | 01:56 PM
    khit ano sbhn nyo sa mga Gutierez ay kailangan tlgang protektahan pangalan nila.Haller?Product endorser kya c Richard.Gaya ni Manny Pacquiao nang may ngsulat sa kanya nang masama.khit labag sa kalooban ni manny ay kinasuhan ito nang libel.Nasa contract nang Nike nya na quot;must be a good role modelquot; kya hndi maaring sira-sirain nalng,business yan eh.Pgkatapos nang ilang araw binawi nang reporter nag apologize,kinlaro na hindi totoo ang sinulat kay inatras ni manny ang demanda.E, ang high pride nang PEP ayan,25M bayaran niyo.Hahahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 725  neophyte

    04/14/2009 | 01:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 724  cornyanggma

    04/14/2009 | 01:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 723  gambie

    04/14/2009 | 01:50 PM


    naniniwala akong malaki ang galit ng nga Gutierez sa PEP, noong kasagsagan ng hiwalayan ng rofa at ylmas lumabas ang nga malalaswang picture ni rofa na may kaulayaw na ibang lalaki, tapos lumabas ang nga bomba picture ni anabel, hindi naman post dito yan, pero dahil sa bonding nga pepster nakita ito

    pero biglang nawala ang nga picture after 2 days
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 722  caliente

    04/14/2009 | 01:49 PM
    scary ang family nato, lalo n c anabelle, ang family nato ang mga siga sa showbiz...nakaka turn off ang family nato, im not watching mga shows na meron Gutierrez...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 721  apolloadama

    04/14/2009 | 01:47 PM
    Seems to me a bit OA on the camp of Richard. Unless it's really true.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 720  182395

    04/14/2009 | 01:47 PM
    Wala namang choice ang pep kundi ilabas ang prime source nila .. im sure may mga negotiations na iyan .. it's either bayaran nila si Richard to protect the source o kaya eh ilabas nila to protect themselves. - gee... only in Pinas.

    I can see clearly now kung sino ang mas may laban.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 719  fagero

    04/14/2009 | 01:44 PM
    korek nga yung mga nagpost dito na nagsabing anong pangalan ang pinangangalagaan ng mga Gutierrez e kay ruffa pa lang dami ng eskandalo. at ang pinakamalaking eskandalo sa lahat ay yung bunganga sori po sa mga ka-pepsters ng kanilang matriarka na masyadong makapanliit ng kapwa lalo na yung mga tinatawag nyang PG. di ba respect is earned? no one can demand respect if he doesn't earn it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 718  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/14/2009 | 01:43 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 717  thimsdubai

    04/14/2009 | 01:38 PM
    naniniwala pa rin ako sa PEP...tignan nlng ntin kung ano kahihinatnan ng balitang ito...

    Si richard n rin ang nagsabi kailangan lumabas ang katotohanan...ano nga ba ang totoo???

    haay richard...ewan ko...goodluck sa career...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 716  edith16

    04/14/2009 | 01:37 PM
    hay nako nakakatawa ang mga tao dito, ano naman ngayon, kung nagsampa ng kaso si richard, tama naman, cguradong may taong nasa likod ng pangyayari, saka syempre kahit sinong tao ayaw masangkot sa ganitong pagkakataon, saka nanunutok ng baril diba big deal yun. kriminal ang tawag duon, kaya tama lang gawin nila ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 715  edith16

    04/14/2009 | 01:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 714  adoboworld

    04/14/2009 | 01:37 PM
    Dapat idemanda rin sya ni Aljur ng physical injuries. At si Bubbles dapat idemanda rin ni Jewel. Isip nila pag sila ang nanuntok, nambatok at naniko dapat manahimik lang ang mga biktima nila? Ngayon magiging documented in court na ang mga pananakit ni Richard at dahil dito matatalo sya sa kaso at pwede pa syang ma counter charge ng PEP at makulong for physical injuries. Wala pang ten years pwede pa syang sampahan ni Ajur at nung sinuntok nya sa embassy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 713  labkokapuso

    04/14/2009 | 01:33 PM
    nayway its good to be back sa PEP! ang dami kong namiss na article..im now catching up..at ang favorite ko pa na c RG ang inuna kong icomment..yuck!KARMA YAN! kaya GO PEP...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 712  gambie

    04/14/2009 | 01:33 PM


    crdible ba si Bubbles na maging witness?

    bakit yung nga nag plead na walang nangyari di kinuhang witness, natakot mabalatan sa korte?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 711  gambie

    04/14/2009 | 01:31 PM


    by the time na matapos ang kasong ito, wala ng karir ang nga Gutierez na yan

    remember yung kasong ipinanalo nila for Cristy Fermin, lang taon bago na husgahan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About