news

Richard Gutierrez files P25-million libel case against PEP

by Jojo Gabinete posted on April 13, 2009  STATS: 73003 Views | 1150 Comments

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon," says Richard Gutierrez about the libel case he filed against PEP.

Photo By: Jojo Gabinete

Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.

Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.

Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.

Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.

Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.

"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.

"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.

"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.

"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

1150 Comments

  • 690  r1c4r1v3r4

    04/14/2009 | 12:49 PM
    hahhah natawa nman ako dun sa comment ng isa..nanawagan kay ylmaz na kunin na mga anak nya,baka daw maging chipipay paglaki...ahihihiihi!...pero in fairness im not agree with this gutierezezzzzzzzzzzzz na mga to..25 millon na danyos ang hinihingi? haller??? nag artista ka pa richard kung ayaw mo ng gulo?!...bakit kaya nung nasulat na buntis si angel lucsin indi din nagdemanda? eh d sana malaki na datung nila ni becky agila!! hahahahh!...buti pa c marian my ate..khit ano masulat sa kanya!wala sya sayyyyyyyyyyyy..basta SMILE lng sya.hihihi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 689  graciadantes

    04/14/2009 | 12:46 PM
    25 milyon is way too much...compare than 7 million case from MS. Wilma Galvante against Annabel Rama na sa totoo lang very LIBELOUS indeed sa lahat ng paratang sa isang company executive na talaga namang nakakasira ng ruputasyon...... sobra naman ang ma-MERA ang mga Gutierres na ito... talo pa ang five-six..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 688  jutaime

    04/14/2009 | 12:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 687  sable

    04/14/2009 | 12:44 PM
    hay naku pinapalaki lang nila ang issue with the reasons of pinapangalagaan ang name chuva ekek...pag usapan nalang kasi...
    kaya yan ng PEP wala silang sinulat na masama...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 686  pepato

    04/14/2009 | 12:43 PM
    If in case lang na matalo si Richard in the end dapat din syang mag-public apology sa PEP at sa lahat ng taong sinaktan at inapakan nya kung hindi malamang GABUNDOK NA KARMA SASAPITIN NYA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 685  lessur143

    04/14/2009 | 12:41 PM
    Nakaka turn-off si RG. Are they after only wth the MONEY? 25M is too much. Nakakasira ba kay Richard yun news? Di ba sira nman tlga dahil ilang beses na sya na involved s mga awayan ek ek?

    Hope PEP wins this case.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 684  liwayway

    04/14/2009 | 12:37 PM
    has anyone tried to get epy quizon's story? from what i heard, the other protagonists agree with richard's version of the story.

    still waiting for PEP's investigation's results...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 683  graciadantes

    04/14/2009 | 12:34 PM
    its all about MONEYgt;gt;gt;gt; wala ng forgivenes... pera pa rin ang dahilan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 682  sweetyspy

    04/14/2009 | 12:28 PM
    hmmm... queenkimz, u mean to say aside from d 25m they will file another case against pep??? 0h my gosh, prng sobrang laki nman yta non.. and just to tell u my opinion ha, i think they did nman dr part to apologize for the upload nga ng article abt chards, so bkit mas lumalaki pa yta ang issue na 2, eh pano nman kng napatunayan na may nging problma pla eh d counter dmanda nman dw ang pep, so bkit kc hnyaan pa nilang makrting sa korte.. 2loy damay2 na... hay buhay showbiz nga nman!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 681  amazingmaxx

    04/14/2009 | 12:28 PM
    nakatikim na ng panalo si anabil ng libel agenst crity permin noon, 1 mill lang un, so ngaun gusto mas malaki na!


    wag sanang mawala ang pep, ay naku, e2 lang ang fave past tym ko eh!

    laban pep, wag susuko!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 680  casi12

    04/14/2009 | 12:26 PM
    opinion ko lang po ito:
    hindi magsasalita ang mga artistang naka witness sa 'gulo' dahil karamihan sa kanila ay kabilang sa cast ng zorro. kapag bumuka ang bibig nila, mamamatay ang karakter nila o kaya'y iigsi ang babad nila sa camera. di ba direk? hindi na rin sila maisasali sa mga susunod na palabas ni RG. yun ngang biktima kuno tumahimik na lang dahil gustong sumingit sa zorro! hahahah! ang asawa nga ni michael f. na dati'y di mapigil ang bibig tahimik ngayon. o diba? katahimikan vs. kabuhayan. saan ka pa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 679  archeryrich

    04/14/2009 | 12:21 PM
    25 million grabe naman! napanuod ko yung interview niya sa SNN kagabi. Di daw siya papayag na masira yung matagl na niyang inaalagaang pangalan,tsaka di si papayag na api-apihin at apak-apakan. ANG ARTE! Kadramahan. Eh di ba dati na siyang nambugbog nung Bday niya pati nambatok. Akala mo kung sinong naapi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 678  pepato

    04/14/2009 | 12:20 PM
    richierich4 daisyduck 514 . . .

    AMEN!!! LOL!!! =D

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 677  rotoscaper

    04/14/2009 | 12:18 PM
    whoa, queen, do you mean to say na dummy lang ang souce? i dont think so. kulang ang data sa report but i believe na may nangyari talaga.

    i have heard also that the story may be a demo job on richard. Hell, we're talking about PEP. This is PEP and i have never read anything on this site na quot;kuryentequot;. Just ask the millions of people who visit PEP.

    The fact that jqm faced the press, eh panatag ako na may follow up itong storya. Something happened and the best we can do, as readers, is to wait for the report.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 676  queenkimz

    04/14/2009 | 12:11 PM
    552
    rotoscaper
    yup i remember yung paglabas ng thread na yun.pero sinabi ng pep na kulang pa ang information gathered.
    medyo tagilid dito ang pep roto.ang pagkakaalam ko this is no longer about the thread e this is more about the real culprit behind this.the source is just a dummy.sana getz mo ang ibig kong sabihin.kung baga gusto nila hulihin ang pating at hindi lang lapu-lapu....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 675  smokin_hot

    04/14/2009 | 12:04 PM
    hehehe baka mismo si epi quizon ang witness.... involved sya pero hindi nagsalita kung totoo ba o hindi. hindi na interview.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 674  chin01

    04/14/2009 | 12:04 PM
    natawa ko ksi may nakikita akong good comments about kay rechard dto,pero pagtingin ko sa name puro woody lahat hahahha.kala ko pa nmn there's few here na may gusto pa kay rechard ngiisa lang pala si woody hahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 673  nakupo

    04/14/2009 | 12:02 PM
    Ay sus. Ang OA naman ni Retsard. hay naku. Sana manalo ang PEP.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 672  rotoscaper

    04/14/2009 | 12:02 PM
    sizzle: that is why pep has its own set of lawyers to preserve the right of the soure. what if pagtangkahan siya, di'ba? we never know.

    queen: i think pep is doing their investigation too. it doesn't necessarily mean that they should reveal the person just like that. As jqm said, the investigation is ongoing. As we can see, other reports got the story all mixed up.

    may laban ang pep dito if you remember the story when it came out, word per word
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 671  queenkimz

    04/14/2009 | 11:55 AM
    547
    keepondreamin
    ewan ko kung ano ang binabalak ng abogado nila.dahil tahimik si rama.pero ang sabi niya humanda daw ang pep dahil malaki ang hihingi-in niyang damage dito laban sa talent niyang si richard.wala daw isang salita si jo kaya dyan siya nanggagalaiti....basta ang sabi sa akin last week pinagiisipan pa anong case ang isasampa.yung kay richard bago pa yan umalis napagusapan na....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About