Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.
Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.
Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.
Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.
Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.
"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.
"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.
"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.
"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.
"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
530 dreamsatellitetaiwan
bakit kaya si bubbles ang kinuhang witness....aba judge sana mahalata nyo naman na si bubbles ay alaga ni anabilbil na kahalikan ni dong riymond...nakikiride-on na naman ang girl na ito para magpakitang gilas kay anabilbil taray....
jairay ilabas mo lang lahat ang mga nalalaman mo at nandito kami na nakikinig sa yo....yung kokontra eh walang iba kundi ang pamilya nila na laging nagbabasa dito.....
hahahahah siguro di sila nakatulog kagabi sa kababasa ng mga comments dito
lagi silang online kaya alam agad nila......
sila nga ang pumutak agad nung mabasa nila.....eh ako nga lagi akong nandito pero wala akong nabasa.....
baka naman yung mga press na nandon na nakakita sa buong pangyayari nakatanggap agad ng milyones mula sa pamilyang ito......
529 incumbent
528 mary_mary
527 jairay_27
526 davao_fans
525 alexangel
25M? that's a lot of money. samantalang si wilma galvante na kung ano-anong paninira si annabel, P7M lang ang hininging damages.
eh, how about the encounter with aljur na nilabas din ng pep, ibig sabihin totoo kaya di nila pinalaki?
nakanti lang sila akala mo naman kinawawa na. akala nila mga hari at reyna sila.
richard, bilog ang mundo
524 dreamsatellitetaiwan
ang pamilyang ito lalo na si dong ritsard....naks bakit isinasali ang ABS dito na pep naman ang sumulat......
at saka kahit anong gawin para linisin ang pangalan nila'y nakatatak na sa isip ng tao na hotheaded ang taong ito
mga ganid sa pera ang pamilyang ito....
PEP at YES!MAG sana wag nyo ng i-feature ang pamilyang ito...pinapasikat nyo lang sila......
marami naman dyang stars na bigyan nyo ng pansin wag naman yung katulad nila
na di marunong tumanaw ng utang na loob
gusto nila lagi na sila ang tinitingala
sa showbizlandia....ngeeeee lalo na yang ruffa na yan na halata ang ugali sa papel niya sa ILBLF
hahahaha hindi nila naisahan si yilmas
na sobra daw ang yaman pero ni kusing walang naipuslit kaya super galit to the max si anabilbil na walang nakuhang kayaman ang unica hija nya
hahahahaha buti nga sa inyo....
KARMA na yan at siguradong may kasunod pa......abang
523 mary_mary
522 kapuso_ako_kahit_anong_mangyari
521 jairay_27
520 kapusono1
519 sexy_kapuso
kasi pag family na toh wa ko keyr sa mga ader comments. hahaha
now i know...thanks jairay27
518 jairay_27
517 marina28
516 kapuso_ako_kahit_anong_mangyari
pambihira! talagang nagBR ako para lang mabasa ung mga post mo kagabe ha! mas maganda kung ipost ulit ngaun para mabasa din ng mga tinatamad magBR.. hehe
515 lynea
514 cpajugger
anyway, i just wish rg will be knocked back to his senses and realize that this move is not good to his career. he will go farther mo if he lands his feet to the ground. as to the mother, siguro naman nag-iisip isip na yan sa mga nababasa dito. ayan tuloy, pati old wounds nabuksan. kawawa si ruffa soaring pa naman ulit career niya. di ba these 3 siblings have a project called RRRamp for a cause? I hope this case is not one of those causes.
513 mary_mary
512 jairay_27
511 kapuso_ako_kahit_anong_mangyari
more comments