news

Richard Gutierrez files P25-million libel case against PEP

by Jojo Gabinete posted on April 13, 2009  STATS: 73013 Views | 1150 Comments

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon," says Richard Gutierrez about the libel case he filed against PEP.

Photo By: Jojo Gabinete

Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.

Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.

Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.

Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.

Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.

"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.

"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.

"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.

"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.

"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

1150 Comments

  • 430  binggoy

    04/14/2009 | 02:59 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 429  slms324

    04/14/2009 | 02:57 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 428  emjay24

    04/14/2009 | 02:53 AM
    slms

    OT nga ulit ako hahahha. pano kc yung post ko kanina about RG and PEP nawala. kaya ayaw ko ng mag comment about the issue. pero walang bagong article eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 427  fifiandtheflowertots

    04/14/2009 | 02:52 AM
    pwede namang negotiation, mediation or arbitration pero litigation agad ang pinili which will strain the good relationship whereas, in the first three options pwede pang mag meet in between and patch up the differences. ah oo nga expert na si anabil sa mga ganyan kaya shut up nalang ako. ahihihi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 426  slms324

    04/14/2009 | 02:50 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 425  delights95

    04/14/2009 | 02:48 AM
    naku guttierez yabang family,walang kayong pambayad kay wilma galvante kaya nagpabuyo ka sa nanay mong palengkera na magdemanda sa walang kakuwenta-kuwentang kaso di gaya ni wilma galvente talagang matibay ang ebidesiya niya.nasa hustong gulang kna umalis kna sa saya ng nanay mo baka sa kadaldalan ng nanay mo ang magpapabagsak sa carrer mo ok lang dahil marami pang ibebenta kaldero sa US
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 424  fifiandtheflowertots

    04/14/2009 | 02:46 AM
    wala na, after nito mangangamote ka na chard..tuwengweng!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 423  slms324

    04/14/2009 | 02:46 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 422  slms324

    04/14/2009 | 02:44 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 421  secret26

    04/14/2009 | 02:42 AM
    mas maganda sabihin ng pep kung sino ang reporter at ang nag upload. wag protktahan ang taong gumawa nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 420  emjay24

    04/14/2009 | 02:42 AM
    c RG at ANNE magsasama sa MAYBE THIS TIME! naks... baka nga THIS TIME maging cla kc may pelikula eh hehehehe.

    I LOVE ANNE pero c RG... okay lang... uuyyy nakiki join na cla ngayon sa VIVA. gusto makapartner ang mga KAPAMILYA... aminin.. baka sa susunod c SARAH na yan ah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 419  mariac2

    04/14/2009 | 02:41 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 418  adoboworld

    04/14/2009 | 02:39 AM
    Pagpepyestahan lang kayo ng mga tabloid pero siguro iyon talaga ang gusto ni Anabel para laman sya ng diaryo araw-araw. Tuwang-tuwa syang makita ang pagmumukha nya at mabanggit ang pangalan nya sa showbiz columns kahit sa anong paraan. Wala syang pakialam kahit maiskandalo na naman ulit ang pamilya nya. ibabasura lang ito ng korte dahil may previous incident na about Aljur at dito ma question ang character ni Richard pag nalalasing di nya alam ang ginagawa nya. At kung ang witness nya ay mga alaga lang ni Anabel lalabas na bias ang statements nila. Case dismissed.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 417  kiyemestrykc

    04/14/2009 | 02:39 AM
    no327 wrong ka dyan, feel ko ang GMA. ang hindi ko feel ang drama ni Mamabelle oh di ba biting the hands that's feeding her family, lumipat na sana sila sa Dos kaya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 416  jesserri

    04/14/2009 | 02:39 AM
    at yong iba rito mangyari kaya sa inyo yan palagay nyo tatahimik lang kayo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 415  slms324

    04/14/2009 | 02:38 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 414  starnoelle

    04/14/2009 | 02:36 AM
    OA naman yata ang 25 million. bakit naghihirap na ba kayo o dahil kaliwat kanan ang kaso ng nanay mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 413  jesserri

    04/14/2009 | 02:35 AM
    290
    gma7whereyoub
    elong
    April 14, 2009
    01:35 AM

    richard magbasa ka ng pep para malaman mo na you're doing the greatest mistake of your life....the best thing you should have done is to SHUT UP!!!!!!!!!
    ------------------------------------
    fighting for your right is a greatest mistake in life? a big DUH.Inaapakan na ang reputation mo tatahimik ka lang? LOSER!!! Kaya mababa ang tingin satin because of this kind of mentality.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 412  fifiandtheflowertots

    04/14/2009 | 02:34 AM
    P25million daw? ganyan ka na ba talaga kamahal chard? di kaya P250thousand lang? or lesser i guess.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 411  ragingbull6

    04/14/2009 | 02:32 AM
    hehehehehe ang daming lawyer nang pep dito,so hindi na kailangan magbayad nang pep sa atty.kailangan andoon kayo sa court pag nag umpisa ang battle of the giants ha at goodluck sa mga judge and lawyers nang pep... lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About