Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.
Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.
Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.
Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.
Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.
"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.
"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.
"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.
"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.
"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1090 manjo
fig_7777
naku ha, pati freedom of speech and expression gustong i-suppress ng mga Gutierrez, yikes! super affected sila dahil yung mga comments are either totoo or tumatagos-tagos sa buto nila. ang dapat patahimikin eh yung bunganga ni Annabelle Rama. she's the one who's been consistent in opening her family's 'can of worms' - blame yourself, Annabelle! masyado kang papansin at mahilig manakot ng media, who by the way feeds you and your sorry family.
1089 liwayway
1088 fjg_7777
Atty Coronel PEP na may natangga silang sulat mula sa abogado ni Anabil Rama na meron CEASE and DESIST order ng ma nga balitang ilalabas tungkol kay Richard.
Inireklamo ng kampo ni Anabil Rama ang paglabas ng balitang tungkol kay Richard at ng pag upload ng ma nga negatibong KOMENTO mula readers tungkol sa actor at sa pamilya nito.
Bahagi ng sulat .quot;Our client and her family view with suspicion these alleged COMMENTS and the source and writers thereof. It seems highly unlikely that in a span of less than 24 hours, 608 commnets from anonymous source have been already posted.quot;
BY: abu tilamzik dated april 16,2009
1087 superpaparazzi
1086 blinktubey
1085 magentagurly
1084 iluvshowbees
1083 iluvshowbees
sensya ngaun lng ulit aq nakapag OL ngaun ko lng nabasa post mo niwei....im not familiar dun sa embassy parang wala pa ata akong nababasa d2 sa pep about that embassy thing...pwede bang pahingi ng website address para mabasa ko ang issue na yan...and yung batok king paki explain rin sorry pero parang wala pa kasi akong naririnig na ganyan...pero kilala ng mga kaibigan ko ng personal si richard at mabait sya....pakilinaw naman saken yang mga issue na yan...at gaano katotoo yang issue na yan...ang binabasa ko lng kc ay yung and2 sa PEP...tnx in advance...
1082 tearhere
Richard is demanding lyk as if he never committed a single mistake in his entire lyf.Ano bang sorry ang gus2 nila marinig ,eh samantalang yan nanay at ate mo,ang dami ginawang kalokohan nun,buong Pilipinas niloko magka-award lng,tpos konting iyak at sorry lng ng ate mo sa TV eh nilimot na ng Pinoy yun..pasalamat kau mapag-patawad ang Pinoy,kau lng yata ang hindi.
Khit Kapuso ako,I still think it was a mistake for GMA to have given him good projects.Una,ham actor sya and 2nd,mayabang sya pati nanay nya.Kung di lng nman mggnda projects nya,I doubt if GMA viewrs wud even bother 2 watch him..dpat atupagin nitong c Richard workshop eh,hndi demanda..yabang!
1081 tearhere
I totally agree wd you!
1080 bloodsucker
1079 bridgette0729
1078 flyingcarpet
1077 mary_mary
1076 binggoy
1075 cutenikaye
1074 kacexy56
The respondents are editor in chief JO-ANN MAGLIPON, managing editor KAREN PAGSOLINGAN, and WRITER FERDINAND BONG GODINEZ.
by Jojo Gabinete
Hindi lamang si Bubbles Paraiso ang witness sa 25-M libel case na isinampa ni Richard Gutierez laban sa PEP.
Nag-submit din ng sworn affidavits ang Zorro director na si Mark Reyes at ang aktor na si Michael Flores.
----------------------------------
this is a sure 25M richer WIN for RG!! siguradong may mga matsutsugi sa PEP because of this.... hehehe sana magbawas din sila ng mods para more freedom for pepsters to comment!!
1073 magentagurly
1072 buttercup_00
1071 lema
let's just wait!
more comments