Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular na ang editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon, ang managing editor na si Karen Pagsolingan, at ang staff writer na si Ferdinand Godinez.
Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor's Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso, na alaga ng kanyang ina.
Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.
Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman daw binawi ng PEP ang kuwento na nagkaroon diumano sila ng engkuwentro ni Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.
Ayon kay Richard, "Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That's why we're doing this. We already gave them a second chance that's why we are here.
"Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama.
"Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman.
"First time ko na magsasampa ng kaso against anyone. Gusto ko lang sabihin na matagal kong inalagaan, pinaghirapan ang pangalan ko. Yung reputasyon ng pamilya namin, inaalagaan namin. I work hard for my job, para sa mga fans. Hindi ako basta-basta papayag na siraan at tapakan-tapakan nang ganoon. Pinapalabas nila na isa akong kriminal! Hindi ako papayag ng ganoon.
"Gusto ko magpasalamat, siyempre, sa mga kaibigan ko, kay Bubbles, sa lahat ng mga kasama ko sa Zorro na kasama ko nang gabing 'yon, na willing tumulong sa akin at mag-testify. Gusto ko silang pasalamatan. Siyempre, ang family ko who's been always there for me. Of course, my fans.
"Sana kahit ano ang mangyari, nandiyan pa rin sila sa likod ko, kahit medyo damaging sa akin yung nangyari. Yung mga fans ko, naniniwala pa rin sa akin at nagtitiwala sa akin at gusto kong magpasalamat sa kanila."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
270 dreamsatellitetaiwan
baka tinawagan na ng mga guttierez ang mga binanggit mong names dito....
kinakabahn na sila siguro kasi may
pumutak na dito sa peps.....
269 jojolito1000
268 lightnbubbly
267 slms324
plus ung isasampa rin na kaso ni annabel kung ito ay umabot din ng 10 - 15 million. aba kung ito na lang kulang sa babayran eh fully paid na ang bahay nyan sa forbes park.
mautak talaga mga ire.
266 panzabear
265 dreamsatellitetaiwan
kaya matulog na ang mga inaantok na pares ko ahhahaha
gudnyt pepsters...
sweet bangongot sa mga ganid sa pera
264 jairay_27
263 agipodawpo
262 jairay_27
261 dawhoyouare
papano kung mabasa ni Richard tong kwento mo at ipahanap ka para tapalan at tumahimik,halimbawa lang namn...,ano gagawin mo????.....lolz!...if i were you hindi na lang ako magsasalita d2 in public kung di ka sure,talk to admin privately,kc ongoing na ata yung kaso nito baka masabit ka.
260 dreamsatellitetaiwan
marami pa siguro ang naka witnessed doon takot lang sa mga guttierez...
ano kaya ang kinatatakotan nila....
hmmmm may hired killer ba kayo mga guttierez...
mga ganid sa pera....
makatulog na nga baka mag wrinkles pa ako hahahahahaha
259 jessica507
258 rose55
257 twozerofive
256 sixtogracia
sobrang OA naman ng danyos na hinihingi ni RG, obvious na bukod sa nainsulto nga daw sa write up eh empre kasama na dayan ung instant kita pag nanalo sya. ahaha
25M pwede ng bumuo ng pamilya un..ahaha
peace out!!
255 shakshak
Deane_2005
April 13, 2009
23:57 PM
ang OA kaya hahaha
bkit? sa paningin ba ni anabel eh palging tama ang mga anak nya?haha
254 jairay_27
253 Deane_2005
252 dreamsatellitetaiwan
sana di kayo makatulog guttierez family sa mga pinagagawa nyo.....
mawalan na sana kayo ng trabaho sa network na pinaglilingkoran nyo.....
sana wala ng tumanggap sa mga giveaways ni anabil para wala silang marinig.....
susumbatan talaga sila pag walang kapalit.....
ang kapalit sa mga gift ni anabil
ay yung ZORROt ni richard at mga guesting ng mga alaga nya...
kahit walang K sa acting kinukuha pa rin.....bilang kapalit sa regalo
251 baltazar123
more comments