"Klinaro naman sa amin sa presinto na wala kaming kaso. Clear ang name namin ni Aifha. Ang maghaharap na lang ay si Mitch at si Joshua. Nag-file din ng reklamo si Mitch doon sa Joshua. Kaya silang dalawa ang may kaso na sa isa't isa at labas na kami ni Aifha doon," says Rochelle Pangilinan (right) about the incident that happened in Boracay last Maundy Thursday, April 9, involving Aifha Medina (left), their non-showbiz friend named Michelle Villanueva, and Joshua Calixto Formentera.
SexBomb girls Rochelle and Aifha clear their names in Boracay scuffle
Tuesday, April 14, 2009
11:56 AM
Rating
Sa naganap na press conference ng Season 22 ng Daisy Siete, ang "Kambalilong," sa Mugen Bar, Metrowalk, Ortigas Center, kahapon, April 13, ay kinuyog ng mga invited print and TV media ang dalawang members ng SexBomb Girls na sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina. Dawit kasi ang mga pangalan nila sa isang kaguluhan sa isang resort sa Boracay nitong nagdaang Holy Week. (Click here to read related story.)
Hindi matapos ang mga katanungan kina Rochelle at Aifha dahil iba't ibang versions ang lumalabas. Ayaw na raw sanang pag-usapan ng dalawang SexBomb Girls ang nangyari dahil sa pagkakaalam nila ay natapos na ang problema na 'yon, kung saan sangkot ang non-showbiz friend nilang si Michelle "Mitch" Villanueva at ang nasaktan nito na si Joshua Calixto Formentera.
ROCHELLE'S VERSION. Naiiyak si Rochelle habang nagpapaliwag siya sa press kung ano ang "totoong nangyari" noong Maundy Thursday, April 9, sa Crystal Sand Resort. Inamin ni Rochelle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasasaktan siya sa mga lumalabas na iba't ibang balita tungkol sa nangyari dahil ang pangalan niya at ng SexBomb ang parating nababanggit.
Aniya, "Nakakadismaya lang kasi ang idinidiin ay ako at ang grupo ko, which is SexBomb. Nahihiya ako sa mga kasamahan ko, lalo na kay Ate Joy [Cancio, their manager] dahil pati sila ay nadadamay sa isang bagay na wala naman talaga kaming kasalanan. Kami ni Aifha, nandoon lang kami sa Boracay para magbakasyon, magpahinga, at malayo sa gulo ng Manila. Nagkataon lang talaga na kami ang nandoon at kami ang ginulo.
"Naiyak ako nang mapanood ko sa YouTube yung ginawang feature ng The Buzz. Kasi parang idinidiin pa nila kami. Pinalalabas na kami ang nagsimula ng gulo. Wala sila doon para sabihin nila 'yon. Sa sinasabi nila na grupo ko, dinadamay nila pati yung mga walang kasalanan.
"Ang sa amin lang naman, kung sana mahinahon na nakiusap yung si Joshua na hinaan namin yung music namin, walang naging gulo. Kaso nga, sinugod niya kami ng ilang beses. Tapos sinigaw-sigawan pa niya kami. At kine-claim pa niya na siya ang may-ari ng resort at pinapalayas niya kami. So, sino ang mali doon?"
(Taliwas ito sa naging pahayag ni Joshua sa PEP na hindi niya sinabing siya ang may-ari ng resort kundi kilala niya ang may-ari nito. Click here to read related story.)
Patuloy ni Rochelle, "Tama naman ang sinabi ni Kuya Boy [Abunda, The Buzz co-host] na 'respect each other's space.' Naiintindihan namin 'yon. Kaso, kami ang hindi nirespeto. Kung may respeto siya [Joshua] sa amin, walang nangyaring gulo sa kanila ni Mitch.
"Kung sana yung pagkakasabi niya sa amin ay may 'please,' e, di walang problema. Hindi yung basta na lang sumugod siya at nanduduro pa siya. Ano ba ang tingin niya sa amin? Tapos sinasabi niya na ipinaglalaban niya ang mga kababaihan, e, bakit niya kami sinigaw-sigawan na lang nang gano'n?
"Sa totoo lang naman, never pang na-involve ang SexBomb sa anumang gulo. Umiiwas kami sa ganyan, kasi alam namin na hindi maganda at magagalit sa amin si Ate Joy. Kami mismo, ayaw namin ng gulo. Nagkataon lang talaga na kami ang nandoon at may nangyari na hindi kagustuhan ng lahat."
AIFHA'S VERSION. Kuwento naman ni Aifha, twice daw silang bumalik sa presinto sa Boracay dahil pinapahanap na raw sila ni Joshua. Ang ipinagtataka lang nila ay kung bakit sila pinapahanap, samantalang malinaw na raw ang sinabi ng kaibigan nilang si Mitch na wala silang kinalaman sa sinapit ni Joshua.
Ani Aifha, "Kami pa nga ang nagtawag ng pulis dahil nga nagkainitan sila Mitch at yung Joshua, na nauwi nga sa pagkakasugat ng mukha niya. Kami ni Rochelle, na-shock talaga kami kasi kinukuha na nga namin ang mga gamit namin at aalis na lang kami. Pagharap nga namin, nakita namin na puro dugo na ang mukha nung Joshua. Hinampas na pala siya ng baso ni Mitch.
"Pumunta kami sa presinto at nagpaliwang nga si Mitch na wala kaming kinalaman doon. Siya raw ang kasuhan dahil siya ang nanakit. Kami ni Rochelle, bilang kaibigan, sinamahan namin si Mitch. Alangan namang iwan namin siya doon? Not until sinabi ni Mitch na okey na siya at pinaalis na niya kami para magpahinga.
"So, that time pa lang, clear na ang name namin ni Rochelle. Nagsu-sorry nga kami doon sa Joshua, pero lagi niyang sinasabi sa amin na, 'Don't talk to me!' So, ano ibig sabihin niya doon? Tapos, sinasabi niya na wala raw kaming ipinakitang remorse sa nangyari. Nagsu-sorry kami sa kanya, pero siya ang ayaw tumanggap.
"Bumalik kami sa presinto that same day para dalhan namin si Mitch ng damit. Doon sinabi nga ng pulis na hinahanap kami kasi isinama raw niya kami sa reklamo niya [Joshua]. Ang gulo nga kasi clear na kami ni Rochelle. Pero para maayos nga, naghintay kami para doon kay Joshua sa presinto.
"After ilang oras," patuloy niya, "hindi naman siya dumating kaya ni-release na kami ng presinto. Sinabi nga sa amin ng mga tao doon na kung hindi raw dumating si Joshua sa takdang oras na 'yon, madi-dismiss ang reklamo niya sa amin. E, hindi nga siya dumating pero naghintay talaga kami ni Rochelle. Ang presinto na ang nagsabi sa amin na dismiss na ang reklamo niya kasi hindi siya dumating sa oras na 'yon."
TRAUMATIC EXPERIENCE. Ayon kina Rochelle at Aifha, nag-iwan pa raw sila ng address ng bahay nila dahil hinihingi raw 'yon ni Joshua. Hindi naman nag-atubili na ibigay ng dalawa ang address nila.
"Ibinigay talaga namin," diin ni Rochelle. "Hindi namin alam kung para saan, pero para makuntento siya, yung address namin sa bahay ang iniwan namin sa presinto.
"Pero klinaro naman sa amin sa presinto na wala kaming kaso. Clear ang name namin ni Aifha. Ang maghaharap na lang ay si Mitch at si Joshua. Nag-file din ng reklamo si Mitch doon sa Joshua. Kaya silang dalawa ang may kaso na sa isa't isa at labas na kami ni Aifha doon."
Dahil nga sa nangyaring ito, nagka-trauma na nga si Rochelle na pumunta sa Boracay. Baka raw sa Holy Week next year ay sa ibang bansa na lang siya pumunta, samantalang si Aifha ay tuloy pa rin ang punta niya sa Boracay.
"Totoong traumatic sa akin ang nangyaring 'yon sa Boracay kaya out of the country na lang ako next Holy Week. Para maiba naman muna," nakangiting sabi ni Rochelle.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Shaina Magdayao: "I'm very thankful na mayroong isang tao na puwedeng ipagsigawan sa mundo na I'm someone important sa buhay niya."
- Singer Selina Sevilla all set to get married to another woman
- Ronnie Liang defends himself against negative issues
- Glitter and glam, camaraderie and revelry abundant in fourth Star Magic Ball
- Marian Rivera on becoming the new Super Inday: "Proud na talaga ako!"
- Kris Aquino clarifies "sighting" with Mayor Junjun Binay HOT
-
All About
GMA-7 is willing to meet with authorities to improve coverage of risky situations
The news department of the Kapuso Network is now taking a second look at its existing policies.
-
Society Watch
From Head to Toe: Social darling Divine Lee
The real-estate executive also revealed her beauty and fitness routines.
-
Movies
Richard Quan will be part of Regal Films' White House
The character actor also topbills the gay indie film Laruang Lalaki.
-
Controversies
Mr. M adds, "Angelica still has compassion for Claudine..."
Most Popular
- PART 2. The public awaits Angelica Panganiban's move; Mrs. Martin Castro corrects Claudine Barretto's story
- PART 1. Claudine, Angelica, Gretchen: An unfortunate tale of intrigues, threats, and lawsuits drags in the names of three of showbiz's most beautiful stars
- James Yap: "Sana maayos na ang lahat."
- Raymart Santiago breaks his silence, defends wife Claudine Barretto
- Mylene Dizon on second reconcilation with Ira Cruz: "I've always known na mahal ko naman talaga siya."
- FIRST READ ON PEP: Angelica Panganiban's camp issues demand letter to Claudine Barretto
- Star Magic releases statement to end Angelica-Claudine issue
- Kris Aquino and Mayor Junjun Binay spotted in Makati
- Chokoleit on Cristy Fermin's threat to sue him: "She who will go to court should do so with clean hands."
- Carmina Villarroel prefers civil wedding over church wedding
Advertisement



