Annabelle Rama sues Ms. Wilma Galvante for grave slander

Jojo Gabinete
Thursday, April 16, 2009 @ 02:45AM  |  601 views

 

"Nagsisimba ako araw-araw. Nangungumonyon ako araw-araw. Hindi ako puwedeng mag-imbento ng kuwento. Kaya nasa korte tayo ngayon para malaman kung sino ang hindi nagsasabi ng totoo," says Annabelle Rama.

Photo By: Jojo Gabinete













Dalawang magkahiwalay na kaso ang isinampa ng talent manager na si Annabelle Rama laban kay Ms. Wilma Galvante, ang SVP For Entertainment TV ng GMA-7. Ito ay buwelta ni Annabelle sa P7-million damage suit na isinampa ng lady executive laban sa kanya noong March 17. (Click here to read related story.)

Kasama ni Annabelle Rama ang kanyang legal counsel na si Atty. Agnes Maranan nang magsadya siya kahapon, April 15, sa opisina ni Quezon City Assistant Prosecutor Baltazar Morales.

Noong Martes, April 14, nagsumite ng 17-page reply si Annabelle Rama sa mga akusasyon ni Ms. Galvante. Mariing pinabulaanan ni Rama ang mga reklamo ni Ms. Galvante, pero kalakip ng kanyang sagot ang limang Compulsory Counterclaims.

Hinihiling ni Rama sa korte na bayaran siya ni Galvante ng P25.5 million para sa mga sumusunod: P20 million for moral damages, P5 million for exemplary damages, at P500,000 para sa attorney's fees.

Kahapon ng 3:30 p.m., pormal na isinampa ni Rama ang kaso ng grave slander or serious oral defamation laban kay Ms. Galvante. Pinagbibintangan ni Annabelle Rama na siniraan siya ni Galvante sa kanyang mga alaga, partikular na sa kanyang talent na si JC de Vera.

GRAVE SLANDER. Pagkatapos niyang i-file ang kanyang demanda laban kay Ms. Galvante, humarap si Annabelle Rama sa media para ma-interview.

"Itong kaso na ipinayl ko ngayon, itong yung kasong slander," simula niya. "Ibig sabihin ng slander, hindi ako papayag na kung sinu-sinong tao, sisiraan ako, saka mga talent ko.

"Ang ginawa ni Wilma Galvante, ikinulong niya ang alaga ko. Ikinulong niya sa kuwarto niya at sinisiraan niya ako as manager. Hindi ako papayag ng ganoon. Ang feeling ko, parang sinusulot niya sa akin si JC kaya nagdemanda ako ng slander ngayon. Kasi, mga mali-mali ang paninira na sinabi niya kay JC.

"Kahapon, ang isinampa ng lawyer ko, counter-claim. Twenty-five million pesos ang damages.

"Sa posisyon ni Wilma na pangatlo siya sa network. SVP siya sa Entertainment [TV], masama yung ginawa niya sa talent ko. Dumidirekta siya sa lahat ng talent ko. Ginawa rin niya ito kay Heart Evangelista, kaya hindi ako papayag na isa-isahin niya ang mga talent ko para siraan ako."

Sinabi rin ng talent manager na dahil kay JC kaya siya idinemanda ni Wilma.

"Si JC ang prime witness, dahil idinemanda ako ni Wilma dahil kay JC. So, JC has to testify kung ano talaga ang nangyari sa loob ng kuwarto ni Wilma Galvante.

"Noong una, si JC hindi umamin sa akin. Kasi ang gusto niya talaga, peace. Ayaw niya na may gulo kaya hindi siya nagsalita. Pero nang idemanda na ako ni Wilma dahil sa kanya, nagsalita na siya. At hindi ko siya pinipilit, hindi ko siya tinuturuan. Kung ano yung nangyari sa loob ng kuwarto ni Wilma, 'yan ang sinasabi sa kanyang affidavit," saad ni Annabelle.

NO SETTLEMENT. Matigas din si Annabelle sa pagsasabing hindi siya makikipag-areglo kay Ms. Wilma.

"Hindi ako handa sa mediation," deklara niya. "Ipagpatuloy ko na ito. Inumpisahan niya, tatapusin ko. Nanahimik na ako ng one month. Hindi na ako kumikibo, kasi nakikiusap sa akin si Atty. [Felipe] Gozon na tumahimik na ako, hindi na ako magsasalita.

1  2  3  Next »

Related Articles

795 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name