Sexy singer Mocha confesses she is bisexual

Glen P. Sibonga
Saturday, April 18, 2009 @ 05:45PM  |  35714 views

 

"Sa girl kasi, parang it's an automatic trust. It's more than romance, it's more of appreciating the same sex, the beauty of a woman. Sa guy naman, dun mo makukuha yung comfort mo, yung protection mo na makukuha mo sa isang lalaki. So, sa guy pa rin," says Mochae when asked about having a relationship with a man or a woman.

Photo By: File photo













Walang takot na inamin ni Mocha, leader ng all-girl group na Mocha Girls, na isa siyang bisexual. Pinatunayan ito ni Mocha kagabi, April 17, nang all-out siyang nakipaghalikan sa kagrupo niyang si Hershey on stage sa Taboo resto bar sa Ortigas at habang ini-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

"Pero hindi po kami lesbian. Wala po kaming sinasabing against sa mga lesbians, ha. We're not against lesbians," paglilinaw ni Mocha.

CONFESSION OF A BISEXUAL. Kung hindi siya lesbian, ano siya?

"Bisexual po ako. Personally ako, I like guys, I like girls," pag-amin ni Mocha.

Ano ang feeling ng halikan nila ni Hershey?

"Normal lang, kasi we're best friends. Kumportable kami sa isa't isa."

Pero wala ba silang romantic relationship ni Hershey?

"Wala kaming relationship aside from being best of friends. It's normal for us to kiss. Ganun kami ka-close."

Pero kung magkakaroon siya ng serious relationship, kanino niya mas gusto—sa lalaki o sa babae?

"Siyempre, sa guy pa rin. Sa girl kasi, parang it's an automatic trust. It's more than romance, it's more of appreciating the same sex, the beauty of a woman. Sa guy naman, dun mo makukuha yung comfort mo, yung protection mo na makukuha mo sa isang lalaki. So, sa guy pa rin."

Sa tingin ba ni Mocha nakakabawas sa attraction sa kanya ng guys ngayong inamin niya na bisexual siya?

"Iba-iba naman kasi ang isip ng mga guys, e," sagot ni Mocha. "Hindi ko alam kung ano ang effect sa kanila. Pero may mga nakakausap naman ako na guys na okay lang sa kanila. They get turned on daw."

Naging kontrobersiyal ang Mocha Girls noon nang magdemanda sila kontra sa isang tabloid sa paglabas diumano nang walang paalam ng mga pictures nila habang nagkakasayahan sa isang private party. Inilabas din ng tabloid ang picture ng paghahalikan nina Mocha at Hershey kasabay ng pagta-tag sa kanila as "lesbians." Ano na ang nangyari sa kaso na ito?

"Na-dismiss na po kasi nagkaroon na ng settlement," ani Mocha.

Sa kabila ng kontrobersiya, sa tingin ba ni Mocha ay nakatulong ito sa grupo nila?

1  2  3  Next »

Related Articles

45 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name