news

Eric Quizon talks about fundraising show of dad Dolphy in Hong Kong

by Nitz Miralles posted on April 19, 2009  STATS: 7655 Views | 17 Comments

 

"My work in Hong Kong is still my priority. I'm with Springtime Productions and we do live entertainment. I signed a three-year contract with them. Magtu-two years na ako sa May at may renewal ang contract ko. I like Hong Kong, I really do. It's a very efficient city, malinis, at disiplinado ang mga tao," says Eric Quizon about working and living in Hong Kong.

Photo By: Dinno Erece

Gaganapin ngayong gabi, April 19, sa Hong Kong Convention Center ang show na tatampukan ni Dolphy, ang partner nitong si Zsa Zsa Padilla, at ang mga anak ng Comedy King na sina Epy, Vandolph, at Eric Quizon; at ang apo nitong si Boy2 Quizon.

Si Eric mismo ang nagbalita nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa gaganaping show, na ang kikitain ay para sa Dolphy Aid Para Sa Pinoy Foundation na ang makikinabang ay mga anak na OFW sa Hong Kong.

"The show is a celebration of my dad's 80th birthday at launching na rin ng kanyang foundation," sabi ni Eric. "We are giving 15 scholarships sa mga anak ng OFW at ia-announce sa show ang first five scholars. May tie-up kami sa STI kung saan mag-aaral ang scholars.

"Simula lang ang show sa Hong Kong dahil very special sa Dad ko ang place na yun, may naka-schedule ring show sa States. I've been talking to some people for a show in Singapore and Hawaii at sana kayanin ng tatay ko."

Dagdag ni Eric, pumasa sa interview ang napili nilang scholars at pati mga magulang ng mga ito ay iinterbyuhin din nila. Bukod sa kailangang kumpleto ang requirements, big factor din ang grades ng mga nag-apply for scholarship. Ginawa ang exam noong April 7 sa Cebu, Ilocos, at iba't ibang parte ng bansa.

"At this point, gusto ko lang is to be able to help and dole out at magandang may foundation ang Dad ko na tutulong sa mga anak ng OFW sa Hong Kong na makapag-aral," wika ni Eric na naka-base na rin sa Hong Kong.

ALL ABOUT EVE. Umuuwi lang si Eric dito sa Pilipinas para mag-taping ng All About Eve, na kanyang tinanggap dahil maganda ang role niya at magaling ang cast. Challenging sa kanya ang role ng presidente ng network na ginagamit ang power to his advantage.

"Nanibago akong umarte sa first few days ng taping ko dahil ang hahaba ng lines ko," sabi ni Eric. "Nakakapagod magbasa at magmemorya, pero nakaka-miss din. Nung mga sumunod na taping, naka-adjust na ako. Mas magandang umarte than to direct. I turned down seven directing projects already, at least walang pressure 'pag artista ka."

HE LIKES HONG KONG. "My work in Hong Kong is still my priority," sabi ni Eric. "I'm with Springtime Productions and we do live entertainment. I signed a three-year contract with them. Magtu-two years na ako sa May at may renewal ang contract ko. I like Hong Kong, I really do. It's a very efficient city, malinis, at disiplinado ang mga tao."

Pinuna ng PEP na pati pag-pronounce ni Eric ng Hong Kong ay parang taga-roon na siya. Ngumiti lang ang actor-director.

Dedma rin si Eric sa desciption ng Hong Kong columnist na si Chip Tsao about the Philippines na "nation of servants." Pabayaan na raw si Mr. Tsao dahil may mga ganun talagang tao na hindi nakakaintindi sa ating mga Pinoy. (Click here to read related article.)

DOLPHY & ZSA ZSA. Kamakailan lang, lumabas ang balita na may problema sa annulment ni Zsa Zsa kaya hindi pa rin sila puwedeng ikasal sa ama ni Eric na si Mang Dolphy. Any comment?

"Dapat si Dad ang tanungin ninyo," sagot ni Eric. "Pero para sa akin, ke kasal sila o hindi basta masaya sila, they don't need to get married. Matagal na silang nagsasama at masaya sila sa kanilang relasyon. They don't have to want to get married. I don't think they need it."

Close ba sila ni Zsa Zsa?

"Close naman. We talk on the phone at nag-i-email kami. Hindi kami close na kailangang lagi kaming magkasama o nagreregaluhan, but I treasure the trust she gives me. May mga nasasabi siya sa akin na hindi niya nasasabi sa iba at masaya na ako doon. Marami kaming napag-uusapan," pagwawakas ni Eric.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  pepperlicious

    04/21/2009 | 08:22 AM
    kaya pala walang news tungkol kay eric sa hongkong na pala naka base. baka naman pagbalik ni eric sa pinas kapareho na rin ni BB gandanghari. baka palitan niya rin ang name niya ay TT feelingreyna?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  angelyou12

    04/21/2009 | 03:02 AM
    i love him,..hes smart,decent at mabuting tao sya,.napak private nya!wel,kahit ano pasya,.gay o bisex,.ok lang yun basta maayos kang tao,..sana tlga gumawa sya ng sensible movies pa,...magaling syang director e!!,..lahat ng stars ,help the pipol lalo na mga pinoy,.mas may kakayahan silang tumulong e,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  shana_dee

    04/21/2009 | 02:46 AM
    eric miss na kita! gawa ka naman movie o kaya tv show.

    sige na. love you :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  bostongirl

    04/20/2009 | 11:37 PM
    crush ko siya noon, ngayon mahal ko na, he,he,he.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  starsky712

    04/20/2009 | 09:07 PM
    isa si eric na magaling n actor. will come back.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kiyemestrykc

    04/20/2009 | 04:34 PM
    thats nice may social concern sila ngayon unlike noon ginagawa ng Dophy family na Divisoria ang HongKong, diba ateNESS?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  winshill

    04/20/2009 | 03:16 PM
    just browsing...tagal naman maglabas ng controversial issues uli ag pep...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  chingkay75

    04/20/2009 | 01:52 PM
    Magaling na actor!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • level_up

    04/20/2009 | 11:01 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shana_dee

    04/20/2009 | 08:10 AM
    I miss eric Quizon. kelan kaya siya magkaroonng movie at tv show again?
    siya b yung tinutukoy ni bb quot;walangquot;gandanghari?

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • joana_jewel

    04/20/2009 | 07:59 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kalika

    04/20/2009 | 04:54 AM
    sinadya. ilang araw ng tanong yang sa pgknb at ilang araw na ring picture ni marian ang nakalagay. galaw galaw ang sayaw ni edu at ndi sabay sabay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • matrix_innova73

    04/20/2009 | 02:00 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ambitiousfroggy

    04/20/2009 | 12:37 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • adoboworld

    04/19/2009 | 11:51 PM
    Ang bait naman talaga ni Mang Dolphy at may ginintuang puso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sectorlord

    04/19/2009 | 10:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • s0lidk4pus0

    04/19/2009 | 10:45 PM
    kauuwi ko lang from Mr Dolphy's show but until now i still have a smile in my face napakaganda ng show nila lalo na ang Quizon 5 nakaka wala ng pagod!! nag papasalamat ako kay tito Dolphy for making us feel that were important and appreciated napaka sarap pakingan ang mga mensahe nila regarding how important it is to be an OFW at sobrang starstruck ako kay tita Zsa Zsa napakagaling nya kumanta and i know that those chinese who were in the center na amazed din sila lalo na when she sang english songs, sana yung mga ganitong concerts and fund raising ay maulit in the near future nagbibigay saya sila sa puso ng ating mga manggagawa and i know 100 sure na lahat ng nakapanood ay mga ngiti at saya pa din sa kanilang mga puso .....mabuhay ka tito Dolphy!!! more power and good health
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About