Proud si Jake Cuenca sa pagiging endorser niya ng bagong alcoholic beverage na The Bar dahil ito raw ang isa sa major endorsements na tinanggap niya. Female counterpart naman ni Jake bilang endorser si Angelica Paganiban.
Sa launching nina Jake at Angelica as The Bar endorsers na ginanap kagabi, April 18, sa Atrium ng Eastwood Mall sa Libis, Quezon City , hindi naitago ni Jake ang kanyang kasiyahan nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
"I feel honored na kami ni Angelica ang napiling endorsers. This is one of my first major endorsements. At saka gusto ko talaga yung product. I love this product," sabi ni Jake.
ENDORSING ALCOHOLIC BEVERAGE. Hindi ba siya nagwo-worry na ma-tag as lasenggero dahil sa pag-e-endorse ng isang alcoholic beverage? Hindi ba siya natatakot na makaapekto ito sa image niya?
"Hindi naman," sagot ni Jake. "More than worried, mas excited ako to be an endorser. It doesn't mean naman na endorser ka ay malakas ka nang uminom o lasenggero ka na. Dun mo puwedeng ma-influence yung mga tao to be responsible drinkers. Sabi nga, drink moderately, di ba? At saka alam ko kung paano i-handle yung sarili ko. As long as hindi tayo nakikitang nagwawala because of drinking, I have nothing to worry about na makakaapekto ito sa image ko."
Kapag nagkakaproblema ba siya, does he resort to drinking?
"Pag may problema ako, hindi," sagot niya. "Mas masarap kasing uminom kapag masaya ka. Drinking should be a fun thing, a celebration."
TAYONG DALAWA. Pagkatapos nito ay napag-usapan naman ang tungkol sa Tayong Dalawa, ang top-rating ABS-CBN teleserye na pinagbibidahan nilang tatlo nina Gerald Anderson at Kim Chiu.
Hanggang kailan mapapanood ng mga tao ang Tayong Dalawa?
"Ang alam ko, we will be airing till June or July. So, matagal-tagal pa. We just finished our first season this week. Yung umeere ngayon is pang-13th week na, I think. Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumusuporta sa Tayong Dalawa. We're doing great, thank you," saad ni Jake.
Ano ang feeling na ang daming pumupuri sa acting na ipinapakita niya sa Tayong Dalawa?
"Tumataba ang puso ko sa comment na 'yan. Nakaka-flatter talaga at talagang nakaka-motivate sa akin na galingan ko pa lalo at ibigay ko pa ang sarili ko lalo sa trabaho. Pero, siyempre, ayokong pumasok sa ulo ko 'yan. Gusto ko lang, pumasok na lang siya sa puso ko.
"First time kong mag-portray ng role na ganito kalawak, ganito kalalim. From high school, hanggang sa nag-PMA, hanggang sa malapit na siyang mamatay, hanggang sa bumalik, tapos parang nasiraan ng ulo. Kaya very grateful ako sa ABS-CBN sa pagtitiwalang ibinigay sa akin to portray this role."
Bukod sa maraming papuri na natatanggap ng show, pati na rin sa mga artista nito, ikinararangal din ni Jake ang pagkilala na ibinigay sa kanila kamakailan ng Armed Forces of the Philippines.
"Yun nga, binigyan nila kami ng plaque of appreciation. Kasi nga, yung application ng PMA [Philippine Military Academy], umangat ng by 300 percent. So, ang laki-laking honor nito. Masayang-masaya kami lahat. Revelation kasi ang Tayong Dalawa dahil dumami ang mga taong gustong ipagtanggol ang bansa natin. So, talagang it's a good thing.
"Sa simula pa lang, alam na namin ni Gerald na malaking responsibilidad ito, e... Hindi na uso rito na lalagyan mo ng kung anu-anong kontrobersiya. Kasi siyempre yung nire-represent ko, mga sundalo.






love you dave! goodluck sayo!
td rocks! superb cast!
isa lang tlaga ibig sabihin nito.. SIKAT na sikat ang TD khit saan.
GANDA naman talaga ng show nyo!
Good luck and more blessings on your career. Just be humble at all times.
jake good luck sa career mo
galing galing mo talaga sa Tayong Dalawa. Keep it up...
susme wala na bang iba? lumang luma na yang issue na yan about Deo. Di naman mapatunay tunayan. At least man lang sana credible ang source, eh di ko na nga maalala ang source. I guess you dont know Jake as a person, kasi kung kilala mo siya di ka maniniwala sa sabi sabi. Mga naniniwala sa sabi sabi walang bait sa sarili.