Jake Cuenca says his role as soldier in Tayong Dalawa comes with great responsibility

Glen P. Sibonga
Monday, April 20, 2009 @ 08:38AM  |  26 views

 

"Sa simula pa lang, alam na namin ni Gerald na malaking responsibilidad ito, e... Hindi na uso rito na lalagyan mo ng kung anu-anong kontrobersiya. Kasi siyempre yung nire-represent ko, mga sundalo. Yun ang parang ginawa naming responsibilidad ni Gerald in the beginning, na hindi natin ipapahiya ang Army, ang Navy, o ang Air Force sa ginagawa namin. Pinaninindigan namin ni Gerald yun hanggang ngayon, hanggang sa matapos. Actually, parang life-long effort na 'yan, e, na paninindigan namin lahat ng natutunan namin sa show na ito," says Jake Cuenca about his role as a soldier in the ABS-CBN series Tayong Dalawa.

Photo By: Noel Orsal













"Yun ang parang ginawa naming responsibilidad ni Gerald in the beginning na hindi natin ipapahiya ang Army, ang Navy, o ang Air Force sa ginagawa namin. Pinaninindigan namin ni Gerald yun hanggang ngayon, hanggang sa matapos. Actually, parang life-long effort na 'yan, e, na paninindigan namin lahat ng natutunan namin sa show na ito."

Sa anong eksena siya nahirapan sa Tayong Dalawa?

"Madami, e," sagot ni Jake. "Pero yung mahirap minsan, yung maliliit na eksena, e. Kasi siyempre yung emtional continuity na war shock, dapat nakikita yun ng mga tao. Dinadama ko yun talaga. Kahit may eksena na walang lines, nagpapa-acting coach pa rin ako kasi kailangan pinaniniwalaan ko yung hirap. Nag-usap talaga kami ng mga director namin to make it realistic. Ang laki ng naitutulong nila para ako, si Gerald, si Kim, mag-mature yung acting."

Marami rin ang nakakapansin na sumasabay na silang tatlo sa galing ng mga award-winning actors na kasama nila sa show.

"Ginagalingan lang talaga namin. Ang laki rin naman ng tulong ng mga co-stars namin. Sobrang bawat taping, nandun sila para bigyan kami ng advice, ng support. Sobra, ano sila... Wala kaming maramdaman na kahit anong pagda-down. Walang may attitude, walang may ere. At saka ang mga directors namin, kung hindi maganda, sasabihin agad. Bago pa lumala yun, sasabihin na nila para ma-improve. So, it's really a joint effort between the cast and the directors. Team effort talaga kami from day one hanggang ngayon."

Ano pa ang aabangan ng mga tao sa Tayong Dalawa?

"Madami pa, sobrang dami pa. Marami pang revelations, conflicts... Basta abangan n'yo."

Busy rin si Jake ngayon sa dami ng kanyang showbiz commitments. Mapapanood din siya sa Precious Hearts Romances, kasama si Cristine Reyes. May horror movie rin siyang ginagawa with Shaina Magdayao, ang Estrella, under Star Cinema.


ADMIRER OF MELISSA RICKS. Kinumusta rin ng PEP kay Jake ang nali-link romantically sa kanya ngayon na si Melissa Ricks. Ano na ba ang status ng relationship nila?

"Friends... we're friends. Okay naman kami ni Melissa. Minsan nagkukumustahan kami sa text. Pero sabi ko nga, hindi pa ako nanliligaw e. I'm just an admirer."

Pero tuluy-tuloy pa rin ba ang pagpapadala niya ng pagkain sa house nila?

"Yung pagkain, yeah. Pero ano lang naman yun, e, talagang sign of friendship lang talaga 'yon," sabi ni Jake.

Ano ang comment niya sa sinabi ni Melissa na kay Matt Evans lang siya magpapahalik on screen?

"Hindi naman ako mao-offend doon kasi magkaibigan lang naman po talaga kami, e," sagot niya. "At saka masayang-masaya ako para sa kanilang dalawa kasi nakatrabaho ko silang dalawa sa Pedro Penduko. Kaya nung malaman ko na napaka-engrande talaga ng Kambal sa Uma, proud ako sa kanilang dalawa."

Naapektuhan ba siya sa sinabi ni Melissa na mas may advantage daw si Matt over him?

"Well, in fairness naman, mas matagal talaga yung pinagsamahan nila. And I'm not getting in between that. Basta sa akin, I'm an admirer of her. Sa ngayon, hindi pa naman talaga ako nanliligaw," pagtatapos ni Jake.

« Prev  1  2  

Related Articles

67 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name