news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71178 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 684  writ

    05/20/2009 | 11:07 AM
    sa tingin ko nasa tamang ide ang pep kasi kung wala talagang nangyari eh hindi na sana maglalaban ang pep kaso nga may nangyari kaya may ilalaban nga naman sila kaya sayo anabell magdasal kana dahil yang anak mong KENAT eh lulubog nagt;gt; whahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 683  team_kapamz_ako

    05/11/2009 | 09:10 PM
    sana sya na lang yung sinampal n mega sa tv ad nya para matauhan..LOL lol
    na di lahat ng bagay makukuha nya sa isa DEMANDA...

    sana naman bawasbawas na pagingging taklesa kahit marami din bata ang nanonood..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 682  magandaako11

    05/10/2009 | 01:01 AM
    hay naku anavil kung tlgang wlang kasalanan c RG thr truth will come saka kming mga fans ni RG hindi namn kmi naniniwala sa mga negative write ups sa knya kahit medyo suplado ang anak mo sa friendster kc 3mos ko na sya add until now dpa rin nya ako add pero ok lang un kc like ko na nmn ang mga teleserye nya.. wag kang mag ilusyon DAY na limang tao lang kmi sa pep mga real human po kmi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 681  magandaako11

    05/10/2009 | 01:01 AM
    hay naku anavil kung tlgang wlang kasalanan c RG thr truth will come saka kming mga fans ni RG hindi namn kmi naniniwala sa mga negative write ups sa knya kahit medyo suplado ang anak mo sa friendster kc 3mos ko na sya add until now dpa rin nya ako add pero ok lang un kc like ko na nmn ang mga teleserye nya.. wag kang mag ilusyon DAY na limang tao lang kmi sa pep mga real human po kmi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 680  magandaako11

    05/10/2009 | 01:00 AM
    hay naku anavil kung tlgang wlang kasalanan c RG thr truth will come saka kming mga fans ni RG hindi namn kmi naniniwala sa mga negative write ups sa knya kahit medyo suplado ang anak mo sa friendster kc 3mos ko na sya add until now dpa rin nya ako add pero ok lang un kc like ko na nmn ang mga teleserye nya.. wag kang mag ilusyon DAY na limang tao lang kmi sa pep mga real human po kmi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 679  dreamsatellitetaiwan

    05/08/2009 | 03:00 PM
    alam mo day taray ikaw ang OBOB
    gawain nyo siguro ang magpalit palit ng username kaya nasabi mong lilima lang ang tao dito.....baka akala mo kakilala mo lang ang may computer...
    ang kapalmuks mo naman day...
    at pwede ba wala pong nagdikta o nagbayad sa amin para mag post dito
    lahat ng mga kaibigan ko dito sa taiwan ayaw sayo....noon inaabangan lagi kung ipi-feature mga anak mo sa YES MAG esp.rufing pero now sa mga pinapakita nyo no way na sa amin na magbasa.....
    pati nga sa moviestar di namin binabasa ang write ups ng anak mo.....
    pinabagsak mo lang ang career ng mga anak mo....pasalamat ka marami pang nanood ng zorrot dahil malabo daw ang sa kabilang station kung walang antena,..

    ngayong mayamang mayaman na si pacman
    sa kanya ka na naman nakabuntot
    hahahahah tama ka doon ka sa taong pagkakaperahan mo...so si manny na yon.....
    gusto mong maging bagong moneyger ni pacman ano.....
    ang s w a p a n g mo day sobra
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 678  marikit_ako

    05/07/2009 | 05:46 PM
    Ano ba yan, malinaw ang paliwanag ng PEP na ang gun-toting ay ang pagdadala ng baril..are you deaf Anabil? guilty kasi ang anak mo dahil 3 palang baril ang nasa pangalan nya...Wag na kasing magmalinis at malaking kasinungalingan na 5 tao lang ang nag po post ng comments dito. Wala ako sa pinas, nasa Abu Dhabi ako at nag po post din ako dito at karapatan namin ito bilang reader ng PEP. Pagsabihan mo ang anak mo na umayos ng kilos para walang bad publicity sa kanya...oki
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 677  vongakaulit

    05/06/2009 | 10:13 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 676  vongakaulit

    05/06/2009 | 10:12 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 675  loubonab

    05/06/2009 | 04:51 PM
    Follow up ko lang kung minsan mas magaling ang batang indio. Very natural ang acting.Galing ng body and face language kahit madalas walang linya. Me dating. Advise ko lang kay Chard at Lalola give more effort hindi ung laging stiff at plantsado ang mukha at katawan.Put grace on movements and depth of emotion. Pawisan naman kau.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 674  loubonab

    05/06/2009 | 04:40 PM
    I am overwhelmed by the guts of Annabel. Walang inuurungan.Cguro better if she would concentrate on getting a real good project that would give acting award to Richard para tigil lahat ng detractors. Kc Chard is the best looking male artist in the country. Ang kulang lang ay proof ng kanyang good acting. Kelan kaya cya magkaka award.Work on it please. Zorro could be a good vehicle. Seryosohin lang at busisiin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 673  andee143

    05/06/2009 | 02:04 PM
    anabelle rama..nakaka umay kana..will you please keep ur mouth shot...ewwww... shame...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 672  jedyru02

    05/06/2009 | 11:53 AM
    ..go go anabelle...kayang kaya mo yan !!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 671  dreamsatellitetaiwan

    05/06/2009 | 09:20 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 670  inquisitive

    05/06/2009 | 02:26 AM
    Pumapangit image ni Richard dahil kay Anabel, para syang nagtatago sa saya ng nanay nya, tigilan na yang ka-cheapan na issue na yan masyadong KSP ang pamilyang ito, time will come babagsak career ni Richard dahil kay annabel, nakakasawa na sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 669  arbys

    05/05/2009 | 10:30 PM
    lubog na si zorro.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 668  vdp

    04/27/2009 | 05:04 PM
    We love Richard. We will always watch Zorro at ang mga susunod pang serye nya sa GMA. Because of Richard , we will support her Mom, promise...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 667  DRIZZLE88

    04/27/2009 | 02:05 PM
    Annabel is the first person who will bring down her kids from stardom...kakasuka na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 666  shoujoy13

    04/27/2009 | 05:56 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 665  galadriel829

    04/25/2009 | 04:00 PM
    kawawang anabil.
    adik na talaga!
    galupad na wala tugpa tugpa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About